Two Moons | Mingkwan x Kit |

161 3 8
                                    

*This is between Ming and Kit, not Kim and Cop.*

"Tara na kumain." yaya ko kayna Phana at Beam. Andito kasi kami sa tambayan, nag aaral. Alam niyo na para sa future? Hehe.

"Mukhang kami lang ang kakain. Andiyan na ang masugid mong manliligaw."

"Ha?"

"Ayun oh." sabay turo ni Beam sa likuran ko. Limingon ako dun at nakita ko si Mingkwan. Mukha siyang baliw na ang laki laki ng ngiti at kumakaway pa.

"Eh ano pang ginagawa natin dito? Tara na." nagmamadali kong yaya sa kanila.

"Dito ka lang." sabi ni Phana
"Goodluck Ai'Kitty!" kantyaw naman ni Beam. Gago talaga!

"Sawaadee krup P'Kitkat kap!" bati sakin ng mokong.

"Ano nanaman?"

"Wala naman. Naisip lang kitang dalawin para ipaalala sayo ang kasunduam natin."

"Kasunduan?" tanong ko dito.

"Na kakain tayo sa labas pag nanalo ako? Di ba? Usapan natin yun?" sagot niya.

"Natin? Kasunduan mo mag-isa! Wala ka bang praktis? Bat andito ka?"

"Actually meron. Tumakas lang para masilayan ka." sabi niyang ume-emote pa.

"Gago. Mahuli ka sana. First and last mo na to!" sabi ko dito.

"Third time ko na pong tumakas para makita ka. Ngayon mo lang po napansin." proud na sabi nito. Nagulat naman ako. Bat to tumatakas para sakin? Gago ba to?

"Baliw ka ba?"

"Baliw sayo." banat niya.

"Yuck!" Peste kadiring nilalang. Kung ano ano lumalabas sa bibig.

"Lumayas ka na nga." taboy ko dito.

"Eeeeeh? Kausapin mo pa akoooo!" pag iinarte niya. Pero tumayo na ako at tinalikuran siya. Itinaas ko ang aking kanang kamay para mag silbing pag papaalam.

"Ay. Basta yung usapan natin P' ha?"

Lumingon ako dito at ng 'bleh'. Lumawak naman lalo ang ngiti niya at kumaway na.

_______________________________________

Dumaan kami sa praktis mga moon and stars. Nakita ko si Yo at Ming na may kausap na babae. Di niya naman partner yun kala mo close friend kung makapagtawanan. Wala akong paki ha? Sakit lang talaga nila sa mata, buti na lang cute si N'Yo hehe.

Nakatingin ako sa kanila ng palingon siya at makita kami sa may entrance. Nataranta ako at nag iwas ng tingin. Peste! Baka isipin niya tinititigan ko siya. Eh hindi naman!

"Sawaadee krup P'." Bati nila samin.

"Sawaadee krup P'Kit." bati ni Ming.

"Uhm. Waa dee." walang ganang sagot ko dito. Nasa likod nito yung babae kanina at ang lawak ng ngiti. Tss. Anong ngini-ngiti nito?

_______________________________________

Lunch break. Diretso kaming cafeteria.

"Tara bilis. Gutom na gutom na ako." sabi ko. Dahil gutom na talaga ako. Walang breakfast kanina e.

Pagpasok namin nakita ko ulit si Ming, kasama yung babae. Hinanap naman ng mata ko si Yo. Pero wala si yo. Sila lang. Sila lang dalawa.

Pumila na kami at bumili ng pagkain. Umupo kami 6 table adjacent sa inuupuan nina Ming. Kitang kita ko sila. Sarap pagbuhulin, sakit sa mata. Halatang halata ang landi ni Mingkwan. Peste!

BL Fanfiction || One Shot CompilationWhere stories live. Discover now