Chapter 2 💛

18 8 0
                                    


Napakalawak at napakaganda ng court na to, ang sarap humiga sa damo at tumingala sa langit. Pero bakit pinapalibutan ako ng mga tao? Anong meron? Bat nag titilian at vinivideohan ako ng mga to? Anong ng yayari? Bat di ko makita ang mga mukha nila? Bat ang labo? Totoo ba to?

Sobrang daming katanungan ang umiikot sa isipan ko natigil lamang ito ng may dumating na isang lalaki namay hawak na isang malaking bulaklak. Hindi ko makita ang kanyang mukha ngunit ang kanyang luha ay hindi maitatago.

Bakit siya umiiyak? What's happening? Nanaginip lang ba ko? Anong ng yayari? Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko habang nakangiti, inabot niya sakin ang bulaklak at tinanggap ko ito. Pinunasan niya ang kanyang luha at kinuha ang microphone.

"Alam kong napakabata pa natin, alam kong tutol ang pamilya mo sa atin, pero nasasaktan nako sa mga ginagawa nila satin. Ito lang talaga ang naisip kong paraan para di nila tayo mapaghiwalay, mahal kita sobra pa sa sobra. I love you as always I do. Tatanda tayong mag kasabay kasama ang ating anak at apo. Gagawin ko ang lahat, mag tatrabaho ako, mag papakahirap ako pero ayos lang dahil para satin naman yon para sa magiging pamilya natin " umiiyak na sabi niya at nilabas ang isang maliit na kahon, binuksan niya Ito "I love you my rainbow, will you marry me?"

Oo kilala ko na siya pero di ko muna sasabihin kung sino siya.... Napa hagulgol na ko, di ko akalain na gagawin niya to, di ko akalain na kahit nasa gitna kami ng problema nagawa niya parin to. Mahal na mahal ko talaga tong lalakeng to, di ko inakalang mag kakaroon ng ganto sa buhay ko. Ang swerte swerte ko. Hindi man perpekto ang buhay ko at least meron akong SIYA.

Tumango ako, kinuha niya ang aking kamay at isinuot ang sing sing. Tumayo siya at niyakap ako, nag sipalak-pakan ang mga tao. Lumapit ang kanyang labi sa aking tenga at binulungan ako "mahal na mahal kita aking bahaghari" nakakakiliti at parang nasa cloud 9 ako habang sinasabi niya sa akin yan.

KASO......

"Bes gising na! Bumagon kana at bumaba dito para kumain, Tanghali na!" Sigaw ni miles

Napatingin ako sa wall clock.
shit 11 am na!

"Oo maliligo lang ako" Sabay takbo sa cr.

After 20 minutes tapos na ko maligo at nag bihis ng pang alis, bumaba na ko at dumeretso sa lamesa para kumain. Grabe hinintay talaga nila ko bago sila kumain ganun ba talaga ako ka special? (Speacial child haha joke dagdag ko lang ge basa na ulit kayo) Scrambled Egg at hot dog ang nasa harap ko ngayon.

Owyeah!

Kumain na kami at umalis papuntang school, mga teachers at ssg lang ang nandito, inaayos nila ang stage. Color red at blue ang kulay ng paligid. Dumeretso kami kung saan makukuha ang uniform ko.

"Ahh ate yung uniform po na in order ko?" Sabi ko sa mangtatahi

"Ahh anong pangalan mo ihja?" Tanong ni ate

"Lorain Reyes po"

"Ahh ok kukunin ko lang" at tinalikuran kami. Ng makabalik na siya inabot niya sa akin ang uniform.

"Sukatin mo para pag maluwag aayusin natin, mag kaibang size kasi yang ginawa ko." sabi ni ate

"Ahhh sige po" nahihiyang sabi ko at sinukat ang uniform
 
Lumabas ako at ipinakita sa kanila kung bagay saakin o sakto lang sukat.

Biglang tumawa si kuya at lumapit sa akin tinaasan ako ng kilay. "Bagay sayo yung uniform be, bukas mag soot ka ng mask ah" sabi ni kuya at tumawa silang lahat, hinampas ko ang braso niya grabe naman kasi siya. Ang sama sama mo kuya!

"Psh panget!" sigaw ko sa kanya.

Umalis na kami at dumeretso sa SM. Pumasok kami ng elevator at pinindot ang 3rd button.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My RainbowWhere stories live. Discover now