Kuwento sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan.
Buhay at kamatayan.
Multo at tao.
Mababago kaya ang pagtingin mo sa mga multo ng dahil sa misteryosong kuwento na ito?
~~~~~~~~~~
Pananaw ni Ayden~
'#7. Find the density of an object whose mass is 30 g and occupies a volume of 150 ml?' hating gabi pero di parin ako tapos sa mga 'assingments' ko idagdag niyo pa tong kakaibang pakiramdam na parang may nakatingin sakin simula noong pumasok ako sa dito sa dorm eh kanina pa nakatulog si Ink. Hindi ko na din matapos-tapos tong ginagawa ko.
"Haayy... bahala na nga." pinagpatuloy ko parin ang ginagawa ko ng mahagip ng mata ko ang isang babae. Hindi ko alam kong paano siya nakapasok dito sa dorm ng mga lalaki, hindi ko rin alam kung anong nangyari pero basang-basa siya sa suot niyang uniform. Imposible namang naligaw siya kasi estudyante naman siya rito pero dahil naaawa ako nilapitan ko siya at tinanong.
"Ummh... m-miss napano ka? paano ka nakapasok dito?" pagtatanong ko sa kanya habang lumalapit ako pero hindi siya sumagot. "M-miss gusto mo bang samahan na lang kita papunta sa dorm niyo? hindi kasi pwede ang mga babae rito." hindi ulit siya sumagot, hahawakan ko na sana siya sa balikat pero tumagos lang yung kamay ko sa balikat niya kaya napaurong ako sa sobrang gulat, nagsitindigan na rin ang mga balahibo ko. Sino namang hindi di ba?
Napaparanoid na ata ako, siguro guni-guni ko lang to. "A-ahh... sige miss matutulog na ako imahinasyon lang kita diba? Ikaw din matulog kana." pagkatapos kong sabihin yan dali-dali akong pumunta sa higaan ko at hindi na muling lumingon pa. Mukhang kailangan ko na talagang matulog baka epekto ito ng sobrang pag-aaral.
Pananaw ni Ink~
Kinabukasan. "Uhhhhh... asdfghjkl..." unggol ni Ayden. "Ayden gising na. Hoy!" inalog-alog ko pa, mukhang binabangungot siya. Habol-hininga siyang gumising at bumangon sa pagkakahiga. "Ano nangyayari sayo?" pagtatanong ko. "A-ahh... wala. Wala yun." iiling-iling na sabi niya atsaka dumiretso sa CR.
Pagkatapos niyang maligo sabay na kaming pumunta sa classroom 'since' classmate naman kami. Pagkatapos ng unang asignatura namin nagpa-alam na ako sa kanya hindi ko kasi siya classmate sa susunod na 'subject' ko pero nung 'third subject' di ko na siya nakita pero dapat kaklase ko siya. Kakaiba ata ang kinikilos nun ngayon ah! maghapon kasi siyang wala sa klase eh hindi naman niya ugali yun.
Pananaw ni Ayden~
"Excuse me Ma'am mawalang galang na po, napagutusan po kasi akong kunin ang record ng dating estudyante dito na nagngangalang Caishaa Villareal." pagsisinungaling ko. "Sige iho, maupo ka muna at hahanapin ko saglit." sabi nong teacher. Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi nila ako pinagdududahan, hindi naman sa nagmamayabang pero kilala kasi nila ako bilang mabait at matalinong estudyante ng paaralang ito, ilang beses na rin akong nanalo sa mga paligsahang sinalihan ko at yung guro kanina naging 'coach' ko din noon kaya malamang kilala na niya ako.
Makaraan ang ilang sandali bumalik ang guro dala-dala ang mga record. "Iho ito na ang mga kailangan mo." sabay abot ng mga papeles. "Maraming salamat po Ma'am, sige po mauuna na ako." pagpapaalam ko. Dumiretso agad ako sa likod ng paaralan namin at doon binasa lahat ng 'school record' ni Caishaa.
Base sa records niya, scholar siya ng paaralang ito pero bago pa man siya makapagtapos natagpuan siyang patay sa loob ng dorm niya at hindi pa nila alam ang tunay na dahilan ng pagkamatay niya. Ayon nman sa imbestigasyon pinaniniwalaang nilang namatay siya sa sobrang lamig at di naagapang sakit. Madami pa akong napag-alaman tungkol sa kanya pero di ko alam kung paano ko siya matutulungan, kung saan at paano ako magsisimula.
YOU ARE READING
Pinky Promise
Short Story"You can break the pinky but you can't break the promise" ~Ayden Morris