CHAPTER 1 : JEJE POST ON MY WALL
Rowann's POV:
I'm Rou-ann Madeleine Carsen and I'm a fourth year high school student. Sabi nila, magana aw ako kasi maputi at matangkad tapos matalino pa. Nasakin na nga daw ang lahat. Boyfriend na lang ang kulang, perfect life na daw. Kung alam lang nila.
Lagi rin akong napapasama sa iba't ibang page sa fb tulad ng chix ng ganto, chix ng ganyan. Wala lang naman sakin yun basta walang masamang nangyayari. Ang bad thing lang, ang aming tao na nagmemessage sakin at nag-aadd. Comment dito, comment dyaan.
Iba't ibang klase ng tao ang nakikita at nakakausap ko. Normal ones, mga kapwa ko "Chix", mga pogi and even jejemons. And because of that, I met the person I love the most.
To : My Jack :")
Baby wag mo na kong sunuin ah? Aalis kami eh. Iloveyou! Mwaah :*
Hindi ko na hinintay ang reply niya at inayos na yung gamit ko para makauwi na ako. Ayoko kasing sunduin ako ni Jack dahil baka makita siya ng ibang estuyante dito.
Palabas na sana ako ng makita si Jack sa gate suot ang usual "outfit" niya. Shit! Sinabi ko namang wag na akong hintayin eh!
Aga akong sumabay sa mga kumpol ng estudyante na palabas ng gate habang nakatingin sa kanya. At ang tadhana nga naman, lumingon siya sa gawi ko! Agad akong tumakbo at pumara ng jeep para di niya ako masundan. Ang kulit naman kasi eh!
From : My Jack :")
bHe Dhi Ckitah NhAkhitAh KhaNiNa :( GuxZtho LherNgs NaMhan CkiTah Mk!Tah
Napailing na lang ako at hindi pinansin ang text niya. Eto yung rason kung bakit ayokong sunduin niya ako. Because I fell in love with a jejemon
******
Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong nag-open ng fb ko. Weekend naman bukas kaya bukas ko na lang gagawin yung homework ko. As usual, marami nanamang nagpopost sa wall ko. Sanay na ako and as a "chix" I need to talk to them. Okay lang naman sakin kasi I find them friendly
Ang ganda mo kanina idol!
Nakasakay kita sa jeep ang puti mo :")
Ang kinis mo ate rowann!
Ang ganda ganda mo :)
May boyfriend ka?
Those are the samples of their wall posts. But I'm looking for one particular post on my wall. His post
KhaiLhan cKayHa CkiTha MhaKiKitAh? Iloveyou Bhe
I smiled and replied to his post. Hindi naman kasi napapansin ng mga "posters" ko na kahit jejemon siya ay nirereplyan ko pa din.
Soon, Jack. Soon :*
I sighed and looked at the ceiling. Kailan ba ako magkakaroon ng lakas ng loob na ipakilala si Jack sa lahat? Sinubukan kong pigilan yung sarili ko na mahalin siya. God knows how much I tried because I know that we're not fitted for each other. But I just fell.