CHAPTER 3 : SORRY BABY :(
Pagkatapos kong isipin yung kung pano ko nakilala si Jack ay kinuha ko agad ang phone ko para tawagan siya. For sure nagtatampo to kasi hindi ako nagpakita sa kanya kanina. Tsk tsk
Calling : My Jack :")
"Hello?" Wow sinagot niya! Kala ko papahirapan pa ako eh
"Baby sorry.." Bungad ko sa kanya
"Tsk. San ka ba nagpunta? Naghintay ako sa school niya hindi kita nakita. Ang aga aga ko dun!" Bakit ganun kahit galit siya kinikilig pa rin ako?
"Sorry na nga eh..Ano kasi..may group project.." Pagdadahilan ko
"Hay...I miss you, Madeleine" I smiled
"I miss you too, baby. I'm sorry. Do you want me to go there?" Hindi ako natatakot na pumunta kila Jack kasi wala namang nakakakilala sakin sa lugar nila. Saka mag-isa lang siya sa bahay nila. Walang magtatanong ng kung ano ano.
"Pwede ba? Gusto na kita mayakap" Mas gusto ko siya kausap sa phone call kesa sa text. Pag kasi dito, feeling ko ang tino tino ng boyfriend ko. Hayy Jack kung hindi ka lang talaga jejemon
"Sige hintayin mo ako. Tulungan mo tuloy ako sa homework ko ang dami eh. See you in a bit, baby. I love you!"
"I love you too. Ingat ka mahal ko" I smiled and ended the call.
Kailan ka ba magbabago, Jack? Ng hindi ako nahihirapan magtago sa mga tao at ng maipakilala kita sa mga magulang ko.
Naligo na muna ako at nag-ayos. Baka dun na lang ako matulog incase na gabihin ako. Wala naman akong kasama dito sa bahay kaya walang magtatanong kung nasan ako. Nasa Paris kasi si Mommy at nasa Singapore si daddy.
Bago dumiretso kila Jack ay bumili muna ako ng cake at ng dinner namin. For sure tatamarin nanaman bumili ng pagkain yun at mangyayakap lang maghapon. Clingy kasi si Jack and gustong gusto ko naman. Ang sarap kasi sa feeling na hindi niya ako mabitaw-bitawan.
Bago ako bumaba ng taxi ay sinuot ko muna yung jacket ko at hoodie. Disguise para di ako makilala. Baka kasi pagchismisan kami ng mga kapitbahay niya.
"Manong dito na lang po" Nagbayad na ako at bumaba sa kanto
Maglalakad pa ako ng konti bago makapunta sa mismong bahay nila Jack. Nasa dulo kasi siya eh
Pagdating ko sa bahay niya ay agad akong kumatok. Namimiss ko na yung baby ko :(
My baby opened the door and smiled. Napangiti rin ako kasi hindi siya nakapang-jeje outfit. Naka-sweat pants na siya at yung v-neck na regalo ko sa kanya. Maulan eh
"Hi baby!" I greeted and hugged him
It's been week since we last hugged each other. Sana legal na lang kami para kahit anong oras ay kasama ko siya. I can't help but think about what will happen if he's not a jejemon. Nagagalit kasi siya pag pinipilit ko siyang magbago. Sabi niya kung tunay na mahal ko siya ay hindi ko siya pipilitin na gawin yung mga bagay na ayaw niya.
"I missed you" He said and hugged me tight
"I missed you more, baby. I'm sorry.." Ngumiti lang siya at inakay na ako papunta sa kusina
****
Nasa sala na kami ngayon ni Jack habang gumagawa ng assignments namin pareho. College student na siya at grauating. Graduating din naman ako kaso high school pa lang. Natutuwa ako kasi ang cute cute ng sulat niya. Lalaking lalaki ang dating
"Hindi ka matatapos diyan sa ginagawa mo kung tititigan mo lang yung sulat ko" Reklamo niya at lumayo sakin
Napairap na lang ako at naglatop. Buti na lang dala ko yung broadband ko para may wifi ako.
Aryan Lopez : Where are you? I'm calling you but you're not answering
Rowann Carsen : Sorry, girlfriend nakasilent eh :)
Aryan Lopez : Nako pag nalaman ko lang na may ginagawa ka nanamang katangahan yari ka sakin, Rou. Mata mo lang walang latay
Nawala ang ngiti ko ng mabasa ko ang message ni Aryan. Katangahan para sa kanya ang pag-kausap ko kay Jack. Ang pakikipagkaibigan ko, lahat lahat. She's mad but she can't do anything about it.
Hindi niya alam na kami na ni Jack at pag nalaman niya to, tiyak na magagalit na talaga siya sakin ng tuluyan. If I were to choose between Jack and Aryan, I'd rather choose no one. I love them both and I can't loose one of them. I need them both in my life. Pero mas gugustuhin kong walang piliin kesa mahirapan ako na wala ang isa sa kanila
Rowann Carsen : Sorry Aryan :( Iloveyousomuch! Maiintindihan mo rin ako someday.
Nag-log out na lang ako at sumandal sa sofa na nasa likod ko lang. Hayy buhay! Ang hirap magtago.
"Okay ka lang ba, mahal?" Tanong ni Jack
"Oo okay lang medyo pagod lang ako :) Gawa na tayo ng homework"
**
As expected, dito na ako nakatulog kila Jack. Magkatabi kami ngayon at nakaunan yung ulo ko sa dibdib niya habang magkayakap kami. Ang sarap sa feeling na kahit walang aircon, kahit hindi masyadong malamot yung kama, feeling ko kumpleto na yung buhay ko basta andito si Jack. Sobrang sarap sa feeling.
"Mahal sa tingin mo ilang anak ang magagawa natin?" Biglang tanong ni Jack habang sinusuklay yung buhok ko
"Ewan, depende" Depende kung dadating yung araw na matatanggap ka nila
"Basta mahal walang iwanan ah? Kulang ako kung wala ka" Ayan nanaman yung mga jeje hirit niya. Para sa kanya sweet yung pero para sakin kajejehan. Hayy
Ngumiti na lang ako at pumikit. Sana talaga magkaroon ako ng lakas na loob para harapin ang lahat pag dumating yung araw na malaman nilang lahat yung mga kalokohan ko. Oo kalokohan. Para saakin ay kalokohan na nagmahal ako ng ganito. Sorry baby :(