"what!" sagot ko sa phone ko. sino ba ang tatawag sa kalaliman ng gabi na halos lahat ng tao tulog na?!"pick me up, ri" lasing na sabi ng nasa kabilang linya.
"punyemas ka talaga sa buhay" sabi ko at ibinaba ang tawag.
pinalipas ko ang ilang minuto na nakatitig sa ceiling, paano ba naman, hindi na ako nakatulog ulit at alam ko sa sarili ko na hindi ko mapipigilang hindi siya sunduin.
💊
"ang bigat mong bwiset ka" pagrereklamo ko nang ipatong ko na ang braso niya sa balikat ko. bakit ba lasing na lasing to?
"mahal mo naman tong bwiset na to!" lasing niyang sambit. napairap nalang ako. ano bang pinagsasabi neto?
"timo! uwi ka na? kala ko ba may sunod pang round?" biglang sulpot ang kaibigan ni timo sa harap namin.
"paktay na ko kay boss eh" sabay nginuso niya ako kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.
"sige tsaka nalang ulit." sabi ng kaibigan niya at umalis na din.
"boss mo mukha mo" mahina kong sabi.
"hindi ba?" tanong naman ni timo kaya napatigil kami sa paglalakad at hinarap ko siya ng nakakunot ang noo.
"bakit? haha eto na naman tayo ri. wag mo na ipagkaila na wala tayong deal na napagusapan years ago." nakangisi niyang sabi. iba talaga ang nagagawa ng alak sa mga tao.
"tigilan mo ako timo. kalimutan mo na ang nakaraan." sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Temporary Fix
Storie d'amorewe were just each other's temporary fix. [low caps] [short story]