iv

12 1 0
                                    



i was that good girl but gone mad nung niloko ako ng first bf ko. he told me i was his everything but, he was actually telling that to almost every girl in the school. tanga lang diba?

i was broken that time when i met timo. i wanted to hook up with him because i wanted to forget my first bf pero mapaglaro ang tadhana dahil his story was also the same with mine.

good boy to play boy dahil naloko din siya. we were both desperate to find someone to heal our hearts. and that's how our deal was made.

walang label. walang sparks. nagtagal kami ng ilang taon na ganyan. madalas kami mag-away kaya minsan naiisip ko na parang kami talaga kahit hindi. may mga bagay din kami na nagagawa na sineseryoso ng mga tao kahit wala lang talaga para samin.

ilang linggo rin ang lumipas nang mag-away kami ni timo. tinadtad ako ng tawag at message pero ni-isa ay hindi ko sinagot. hindi ko rin alam anong pumason sa utak ko bakit ako nagkakaganito.

inisip ko na baka mahal ko na siya pero wala naman akong karapatan na maramdaman yon. sa katangahang deal ba naman na iyon ay may tama ba akong mahalin siya?

naputol ang pagiisip ko ng tumatawag ulit si timo kaya't sinagot ko na.

"hello? kilala niyo po ba ang may-ari ng phone?" tanong ng nasa kabilang linya.

"opo. kaibigan niya po ako." napalunok ako. nasan si timo?

"nako ma'am. nadisgrasya ho kasi ang may-ari neto, buti nga ho ay sumagot na din kayo at nasa ospital ho siya ngayon.." nanlaki ang mga mata ko sa narinig. dali dali ko tinanong ang address ng ospital at pumunta don.

Temporary FixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon