"Maureen, baby wake up baka malelate ka na naman sa skwelahan." Naramdaman kong may yumugyog saakin. Ugh! Nakakatamad na gumising nang maaga!
Itinakip ko ng unan ang aking ulo para makatulog pa pero sadyang makulit si Tita dahil bigla niya iyon hinila. Grr di talaga titigil si Tita Leana hanggang di pa ako bumabangon ah?
Wala akong choice kundi bumangon na lang pero nakapikit parin ang aking mga mata. Nabigla na lamang ako ng bigla silang sumigaw.
"HAPPY BIRTHDAY MAUREEN!" Sabay-sabay nilang sigaw. Wait, birthday ko ba ngayon?
"Birthday ko ba ngayon?" Nagtataka kong tanong sakanila.
"Gaga kaba insan? Hindi sana kami nageffort na isurpresa ka kung di mo birthday." Sabi ni ni Perianna, anak ni Tita Leana.
"At haleeer? It's already 13th day of April! Birthday mo ngayon loka!" Pagtataray naman ng isa ko pang pinsan. Ay oo pala! Ba't ko naman nakalimutan na ngayon pala ang kaarawan ko? Lagot! Parang nadissapoint ko sila dahil nakalimutan ko na ngayon pala.
"Ah ehehehe, nakalimutan ko eh. Pero maraming salamat sainyo, naappreciate ko ang surpresa niyo." Sabi ko sakanila at ini-hug ko silang apat.
Oo apat lang kami dito nakatira sa bahay ni Tita Leana. Ako at yung dalawa kong pinsan na anak ni Tita. Hindi ko kase alam kung nasaan yung mga magulang ko eh, simula nung bata pa lamang daw ako ay iniwan na ako ni Mama kay Tita at mula noon ay di na nagpaparamdam ang mga magulang ko saamin.
Pagkatapos ang group hug ay agad ako dumeretso sa banyo para makapagayos ng sarili dahil panigurado may panis na laway at muta pa ako.
Habang nagbibihis ako ay may nakita ako kung ano na nakasulat sa wrist ko, parang tattoo siya kase sinubukan ko tanggalin ay hindi ito matanggal, hindi ko naman maintindihan kung anong nakasulat dun kaya dinedma ko nalang ito at ipinapagtuloy ko nalang kung ano ang ginagawa ko.
Pagkatapos ko magbihis ay agad ako bumaba para kumain. Nakahanda na ang mesa at andun na silang lahat. Umupo ako sa tabi ni Perianna at nagsimula na kami magdasal bago kumain.
Pagkatapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain, masaya kaming nagkwekwentuhan habang kumakain kami. Bigla naman napahinto si Tita nang mapansin niya ang wrist ko na may nakasulat na kung ano.
"It's time." Mahinang bulong ni Tita pero narinig ko parin.
"Anong 'it's time' Tita? Wait, alam niyo po ba ang ibig sabihin nito?" Ipinakita ko sakanya nang mabuti ang wrist ko.
"Kailan mo yan nakita sa wrist mo?" Tanong ni Tita at ibinewala ang tanong ko. Ba't ang weird ni Tita ngayon? Iba ang ikinikilos niya eh.
"Uh-- kanina habang nagbibihis po ako." Sagot ko sakanya.
"Ilan taon kana Maureen?" Tanong ni Tita saakin at mukhang kinakabahan ito.
"18 po" sagot ko naman.
"18, 18, 18... Oras mo na pala upang pumunta sa Heidelberg." Sambit ni Tita. Naguguluhan naman ako sa sinasabi niya. Huh? Heidelberg? Oras ko na para pumunta dun?
"Anong ibig mong sabihin---" napatigil naman ako sa pagsasalita ng may marinig kaming kumakatok sa labas ng bahay.
Binuksan naman ni Tita ang pinto at wala namang tao doon. Tanging isang sobre lamang ang nakita niya kaya agad niya itong pinulot.
Binuksan niya ito at binasa, hindi naman mawala ang pagkagulat na ekspresyon ni Tita. Anong meron sa sulat na iyon? Ba't gulat na gulat si Tita.
Lumapit si Tita saakin at binigay niya ang sulat. Kinakabahan ko namang tinanggap iyon.
Heidelberg High Academy
School of MagicWe are pleased to inform you that, you are one of the chosen one. Pack your important things and at exact 12 midnight wait for the magical bus outside of your house.
Yours truly,
-HHANaguguluhan akong napatingin kay Tita. Ano 'to? Ba't ako nakatanggap ng ganito?
"Tita anong ibig sabihin nito?" Tanong ko kay Tita.
"Mas mabuting si Ylorianne nalang magpapaliwanag sayo. Kailangan mo ng magimpake." Sagot saakin ni Tita. Huh? Sinong Ylorianne? Bakit siya ang magpapaliwanag?
"Si Ylorianne ang isa sa mga head master sa paaralan na iyon. At nasisiguro ko na mas safe ka pag andun ka sa paaralan na iyon." Sagot ni Tita saakin. Mukhang nakita niya sa ekspresyon ko ang pagtatanong kung sino si Ylorianne kaya sinagot niya ito.
Wala naman akong choice dahil sabi ni Tita na mas safe ako sa paaralan na iyon.
Umakyat na lamang ako sa kwarto para makapag impake at maghintay hanggang mag alas dose ng gabi.
***
11:45 na ng gabi at inaantok na talaga ako ilang kape na ang ininom ko pero wa epek, inaantok parin ako.
Lumabas na ako ng bahay kasama si Tita at hinihintay ang magic bus na sabi sa sulat.
Tulog na ang dalawa kong pinsan kaya di ako nakapagpaalam sakanila sa huling pagkakataon, mga loka hindi ba nila ako mamimiss? Huhu nakakatampo.
"Tita huhu mamimiss kita ng sobra-sobra." Sambit ko kay Tita ay iniyakap siya.
"Ano kaba Marueen! Babalik ka naman dito eh." Sabi niya saakin at iniyakap niya ako pabalik.
"Pero kahit na Tita!"
"Basta ito ang tatandaan mo, huwag na huwag ka magtiwala agad sa mga taong di taga Heidelberg ah?" Paalala ni Tita.
"Huh? Bakit naman? At paano ko naman malaman na hindi sila taga Heidelberg para hindi ko sila pagkatiwalaan?" Tanong ko kay Tita.
"Pagkapasok niyo sa Heidelberg ay mawawala ang sulat na yan sa wrist mo at may kwintas na ibibgay sayo na hindi mo pwedeng tanggalin habang nasa Heidelberg ka. Kung makakita ka ng tao na wala kwintas at may kung anong tattoo sa leeg nila ay kung maari lumayo ka sakanila dahil masasamang tao sila sa mundo ng mahika." Pag eexplain ni Tita.
Bigla naman may pumarada na bus. Wait, a floating bus?! Really?
"Basta tandaan mo ang sinabi ko sayo Marueen. Magingat ka dun ah?" Sabi ni Tita at sa huling sandali ay niyakap niya muli ako ng napakahigpit.
Nagpaalam na ako sakanya at agad na umakyat sa bus. Baka iwanan nila ako eh dahil ang tagal ko.
Pagkapasok ko ay napa 'O' ang bibig ko dahil ang ganda ng loob. Modernong moderno. Mukhang hindi talaga ito pagkaraniwan na bus dito sa mundo ng tao.
Naghanap naman ako ng mauupuan dahil aandar na raw ang bus sabi nung driver na mukhang halimaw.
Oo mukhang halimaw talaga, hindi siya tao kundi halimaw. Nakakagulat nga dahil nakakapagsalita at naintindihan ko ang sinabi niya. At buti nalang dahil hindi ako nahimatay dahil sakanya, nakakagulat talaga eh.
Marami ng studyante na nakaupo dito sa loob ng bus, mukhang huli nila ako sinundan dahil wala na ako mahanap na mauupuan. Buti nalang may gentleman na lalake at umurong para makaupo ako.
"Salamat." Nakangiti kong sabi sakanya. Ngumiti lamang ito saakin at kinausap niya na muli ang katabi niya.
Haaay sana maging masaya ang pagste-stay ko sa Heidelberg.
Ano kaya meron sa lugar na iyon? At bakit kaya ako pinili bilang isa sa mga studyante ng Heidelberg?
______
Author's Note: Hiii guys! Sana nagustuhan niyo ang chapter 1 hehe
Sorry if may typos at wrong grammars as i said naman sa kabilang author's note, na baguhan akong manunulat.
Sana naappreciate niyo parin ang chapter 1 hihi
BINABASA MO ANG
Heidelberg High Academy School Of Magic
FantasyHeidelberg is not an ordinary place. Malayo ito sa mundo ng tao. At hindi pangkaraniwan ang mga nangyayari dito. Because magic do exist in this world. And in Heidelberg High Academy is a prestigious school where only chosen students have the privile...