Habang nasa byahe kami papuntang Heidelberg ay nakilala ko naman ang lalakeng katabi ko, siya si Fiber.
Kulay asul ang kanyang mga mata, maganda ang pangagatawan, at agaw pansin ang kulay berde niyang buhok. Masasabi ko naman na pogi siya masayahin.
Panay kwento lamang siya tungkol sa buhay niya habang ako nakikinig lamang.
Nalaman ko na sa Lola niya lamang siya nakatira sa mundo ng tao. Ang mga magulang niya? Di niya rin alam kung nasaan.
"Ikaw Maureen magkwento ka naman tungkol sa buhay mo." Sambit niya saakin. Siguro napagod na ito sa kakakwento tungkol sa buhay niya.
"Katulad mo ay hindi ko rin alam kung nasaan ang mga magulang ko. Baby pa lamang ako ay iniwan na daw ako ng mga magulang ko kay Tita. Mula nun ay nawala rin ng komunikasyon si Tita sakanila." Pagkwekwento ko sakanya.
"Katulad lang pala talaga tayo na walang magulang. Siguro may dahilan sila kung bakit nila tayo iniwan." Sambit niya. Siguro nga may dahilan.
Sa totoo lang di ako galit sa mga magulang ko kung bakit nila ako iniwan. Nagtatampo? Oo. Gusto ko parin sila makilala at makasama kung sakali na makita ko sila.
"Attention students! Ihanda niyo ang ang inyong mga sarili dahil malapit na tayo sa Heidelberg"
Hindi namin namalayan na malapit na pala kami. Ito kaseng si Fibel, habang kausap ko siya ay di ko namamalayan ang oras dahil ang saya niyang kausap
"Oh malapit na pala tayo. Sana magkapareho tayo ng clan pagdating sa Heidelberg Academy." Nakangiti niyang sabi.
"Huh? Anong clan ang pinagsasabi mo--" hindi ko na natuloy ang pinagsasabi ko dahil bumilis ang pagtakbo ng bus. Siguro malapit na talaga kami.
Ilang minuto lamang ay lumanding na ang sinasakyan naming magic bus sa kung saang lupalop kameng lugar.
"Ihanda niyo na ang mga sarili niyo dahil panibagong buhay ang naghihintay sa Heidelberg para sainyo" anunsyo saamin.
Kinakabahan naman akong napatayo at kinuha ang mga gamit ko. Thiz iz it, pancit!
"Sabay na tayo Maureen bumaba." Sambit saakin ni Fiber at tinulungan niya ako sa mga gamit ko.
Nauna akong bumaba habang siya ay nakasunod saakin.
Sumunod lamang kami sa ibang studyante at parang papunta kami sa malaking gate ng Heidelberg.
Napakataas at napakalaki ang kulay ginto na gate. Dahan-dahan naman bumukas ito at iniluwa ang napakagandang tanawin ng Heidelberg.
"Welcome to Heidelberg where magic exist in this world." sambit nung gumaguide saaming matandang lalake.
Wait, whaaat?! Magic?! Totoo ba ang narinig kooo?!
Nagsimula na kami'ng maglakad habang ako ay di parin nakarecover sa narinig ko. Anong magic pinagsasabi nung lalake? Pinagloloko ba niya kame?
Napahinto naman ako nung nasa harap na ako ng gate. May kakaiba akong nararamdaman.
Eto na, papasok na ako. Wish me luck
Pagkapasok ko palang sa gate ay naramdaman kong may kung ano sa leeg ko. Isang necklace na may kakaibang simbolo na pendant.
"Welcome new students of Heidelberg High Academy. Please go straight to the Hall for the orientation and know what clan you will belong." Anunsyo nung tao kung sino man siya. Sumunod nalang kame sa ibang studyante na patungo sa Hall daw.
Pagkapasok namin sa hall ay bumungad saamin ang napakaraming studyante. Iba iba ang uniporme na suod nila.
Sa right side ng hall ay matatagpuan ang mga studyanteng naka color black na uniporme. Sa ginta naman ay kulay blue. Sa left side naman ay mga naka red na uniporme. Naamaze naman ako sa laki nitong hall, sobrang laki na di ko ma-explain kung gaano kalaki.
Sa harap naman at may anim na nakatayong tao dun. Mukhang mga head master sila ng paaralan na ito. Ang mas worst ay nakakatakot sila, mukhang yung isang babae lang ang mukhang mabait dahil sa maamo niyang mukha.
"Welcome new students of Heidelberg. You are so lucky to be part of this school. And in this school you will learn how to use your magic." Sambit ng isa sa nga lalake na nakatayo sa harapan namin na may mahabang buhok na kulay gray. Kami naman nina Fiber ay nakatayo lamang sa harap nila, sa baba. Tahimik kaming nakikinig sa mga sinasabi ng head master.
"We have three clans here. The Mazheille Clan." Sambit naman nung isang lalake'ng kalbo at naghiyawan ang mga taga Mazheille clan. So sila pala ang mga naka black na uniform.
"The Geroffin Clan." Naghiyawan naman ang mga taga Geroffin, ang mga studyanteng naka red uniform.
"And the Castellurge Clan." Pagkasabi ng clan na iyon ay malakas na naghiwayan ang mga taga Castellurge. Sila ang mga studyanteng naka blue uniform. Nakakatakot silang tignan like anytime ay kakainin ka nila.
"The clans serves as your new family, friends, or whatever it is. Para malaman niyo kung saan clan kayo nabibilang ay kailangan niyo pumasok sa pintuan na yan. Pagkapasok niyo diyan sa pinto ay mapapalitan ang iyong mga damit, mapapalitan ito ng unipormeng kung saan kayo nabibilang, at pagkatapos ay may lilitaw na simbolo sa inyong mga wrist na sumisimbolo kung saan clan kayo. So goodluck students." Ani nung babae na nasa harap at isa isa na tinatawag ang mga pangalan para pumasok sa pintuan na iyon.
Unang pumasok ay isang babae na mukhang nerd. Ilang minuto siya nagtagal sa loob at pagkalabas niya ay naka black uniform na siya which means taga Mazheille clan siya. Naghiyawan naman ang mga taga Mazheille dahil sa bagong myembro ng clan nila.
Ako naman ay kinakabahan na nakatayo sa tabi ni Fiber. Naguguluhan parin ako kung bakit nandito ako. Learn how to control magic? Eh isang ordinaryong tao lang naman ako na walang magic. Paano nangyari na nakapasok ako sa paaralan na ito?
"Fiber Cyrus." Tawag sa pangalan ni Fiber. So it means siya na susunod. Tinignan ko siya at bahagya ngumiti.
"Goodluck Fiber." Sambit ko at tuluyan na siya naglakad papunta sa pinto.
Pagkatapos ng ilang minuto lumipas ay lumabas na si Fiber na naka blue uniform which means nabibilang siya sa Castellurge clan. Naghiyawan naman ang mga taga Castellurge nang malaman na may bagong myembro sila. Nagtungo na agad si Fiber sa kinaroroonan ng mga taga Castellurge at winewelcome siya.
"Maureen Louisce." Bigla naman tinawag ang pangalan ko. Hala shiz di pa ako ready.
Dahan dahan ako naglakad papunta sa pinto at pumasok. Pagkapasok ko dun ay bigla lumiwanag ang buong kwarto, halos hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa silaw.
Ilang minuto nagtagal ay dahan dahan nawawala ang ilaw. Binuksan ko naman ang aking mga mata at nakita kong naka..
Blue uniform ako.
Which means taga Castellurge clan rin ako huh?
____
A/N: sorry sa mga typos hehez di ko kase ni double check eh i mean inedit so sorry.Happy reading guys! :)
BINABASA MO ANG
Heidelberg High Academy School Of Magic
FantastikHeidelberg is not an ordinary place. Malayo ito sa mundo ng tao. At hindi pangkaraniwan ang mga nangyayari dito. Because magic do exist in this world. And in Heidelberg High Academy is a prestigious school where only chosen students have the privile...