Nine Years and Counting

154 44 1
                                    

❤ APRIL 6, 2018

Nine years, James. Nine years na almost everyday tayong magkasama. Nine years of joy and pain, pero sobrang in love na in love pa rin ako sa iyo. Para talagang rollercoaster ride iyong relationship natin, sometimes naman parang Space Shuttle, Carousel, kahit nga iyong sa mga arcade lang na kahit simple lang ang ginagawa or iyong game, happy pa rin kasi ikaw ang kasama ko. Who would have thought na hanggang ngayon, magkakapit pa rin tayo sa isa't isa? Super daming times na halos piliin na nating magkahiwalay for good but strong tayo kay Lord kaya always din tayong bumabalik sa isa't isa. We've been through hell, pero mas maraming times na dinala mo ako sa heaven. Uhm, yeah, double meaning iyon.

I am not happy because you're not okay, but thankful pa rin ako kay Lord because you are still breathing. Iyong hope ko na maging okay ka na for good, nandito pa rin, Daddy. Hinding-hindi pa kita ginigive-up and never kong magagawa sa iyo iyon. Always kitang babantayan and itetake care. Remember iyong mga sinabi ko noong ikinasal tayo? Kahit magpupu ka pa sa bed or kahit saan, kahit hindi ka na makalakad or makapagsalita, I will always be here for you kasi partners tayo, right? Hindi lang tayo pang-happy memories, all around kaya tayo. Kung madadagdagan pa ang problems natin, okay lang, basta together pa rin tayo. Easy peasy lang iyon sa atin kasi iga-guide tayo ni Lord.

Kahit ngayong one week ka nang hindi nagwe-wake up, naniniwala pa rin akong something good will happen. Kung hindi ka pa totally gagaling, hihintayin ko iyong day na makikitaan ka na namin ng improvement, and hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo (except maliligo ako or uuwi para mag-ayos ng things).

Uhm, James, I really miss you. Namimiss ko na iyong pagiging witty mo na nagpapa-smile and laugh sa akin palagi. Namimiss ko na iyong pagiging makulit and kolokoy mo. I miss everything about you, even iyong pag-utot mo while busy ako sa phone ko. Ganoon ka kasi, eh. Minsan KSP so kung anu-anong ginagawa para maagaw ang attention ko. Ikaw iyong clingy na ang cool cool pa rin ng actions. Namimiss ka na ni "Mommy". Pag-wake up mo, sana naaalala mo pa ako. Sana marinig ko ulit iyong "Mommy" or "Babe", kahit iyong "Nicanor".

Iba-buy mo pa ako ng ice cream and cheesecake, hindi ba? Ise-sexy time mo pa ako kasi gusto pa natin magkaroon ng baby, right? Never tayong susuko hanggang sa matupad pa iyon. Never makakalimutan ng heart mo iyong wife mo na love na love ka. Hindi ba ang sabi mo before sa akin is aabot ka pa ng one-hundred years old? OA mo ever pero isa lang ibig sabihin non, hindi ka bibitaw, hindi mo ako iiwanang mag-isa kasi ganoon mo ako ka-mahal. Ayaw mong nahuhurt ako. Ayaw mong mag-isa lang akong haharapin ang buhay. First ako sa mga  priorities mo. Simula noong naging tayo, never mong pina-feel sa akin na nakakaistorbo ako sa iyo kahit sobrang busy ka or kahit may sakit ka pa. Remember when I told you na "Huwag kang masyadong mabait kasi baka kuhanin ka na ni Lord."? Joke lang iyon noon pero binabawi ko na ngayon. I want you to stay with me, kahit pahiram ka lang naman talaga ni Lord sa akin. Hindi pa ako prepared, James. Hindi ko pa kaya. Masyado pa tayong bata. So please, Daddy. Labanan mo. Okay? Please.

I love you. Hindi ako mapapagod sabihin iyan sa iyo kahit ngayong nanghihina na rin ako. God Bless us, James.

Happy nine years of love, friendship and commitment.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ian Tyler JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon