CHAPTER 1: NIGHTMARE

3 0 0
                                    

*JOSHUAS POV*


"Sino ka? Bat mo kami pinapatay? Ano bang kasalanan namin sayo?!" Di ko na mapigilan ang galit ko sa salarin. Nasa harap namin siya naka tayo at may dalang palakol na maraming dugo. Sigurado akung yan yung ginamit niya sa pagpatay sa mga kaklase ko.


Kinabahan ako bigla ng ngumiti lang siya ng nakakaluko. Alam kung yun din ang nararamdaman ng mga kaklase ko na nasa likoran ko. Yung iba humahagulhul na sa pag iyak at yung iba naman ay nagmamakaawa na sa takot.

Di namin makita ang mukha niya dahil naka takip yung kalahati ng mukha niya. Tanging bibig lang ang nakikita namin.


"Di niyo ba talaga ako kilala?" Maikli niyang tanong.

Biglang bumilis ang tibuk ng puso ko ng marinig namin ang boses niya. First time niyang magsalita simula kanina. Babae siya? Di namin napansin niyon kasi naka suot siya ng malaking T-shirt, naka pantalo at sapatos.


"Ako lang naman ang kaklase niyong ..... " huminto siya at inalis niya ang naka takip sa mukha niya. Pagka kuha niya ay biglang lumogay ang mahaba niyang buhok at galit na galit niyang mukha.


Biglang tumahimik ang paligid. Tumigil din sa pag iyak ang mga kaklase ko ng makita nila ang mukha ng salarin.

Teka? Bat siya?

Anong kasalanan namin?

"Si....si ..... "narinig kung pautal utal si Divine.

Tumakbo siya papalapit sa akin. Habang papalapit siya sa akin unti-unti niyang itinaas ang palakol na dala niya. Nang nasa harap ko na siya ay bigla niyang hinataw ang palakol at ...

" ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!"

"Anak!!!! Nananaginip ka lang. Anak gising. Anak"

Pagdilat ko nakita ko si mama na hawakhawak ako at umiiyak. Nasa lukuran si ate at ang bunso namin.

Humihingal ako sa takot. Ang bilis ng tibuk ng puso ko. Para akung hinabol ng san damakmak na kabayo. Ang bilis talaga. Di ko namalayang umiiyak na pala ako sa takot.

Panaginip ba yun? Bakit totoo? Bakit parang nangyari talaga? O ...o... Mangyayari pa lang.


Di ......di pwde. Mangyayari na naman. Ito yung kinakatakotan ko e.

"Anak? Okay ka lang? Anong nagyari sayo? " si mama na umiiyak at akap akap ako. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ni mama. Ramdam ko ang pagaalala niya at takot kung anung nangyari sa akin.


"M....ma? " pautal utal kung pagtawag ni mama.

"B...bakit a..anak ko?" At tinignan niya ako sa sa mata. Habang tinitignan niya ako ay panay naman ang pagpahid niya sa luha ko na nasa pisngi ko.

"Ma... Masama yung panaginip ko. Mamamatay kami.... Kami ng classmates ko. A...ayaw ko po yung mangyari" yumakap ulit ako sa dibdib ni mama.

"Di yan mangyayari. Di yun totoo. Panaginip lang yun. Isang masamang panaginip. Don't worry anak. Andito lang ako" nakangising sabi ni mama sa akin habang niyayakap niya ako.

Alam kung mangyayari iyon pero alam ko ding di maniniwala sila mama. Dahil nangyari na din ito noon. Namatay si papa dahil na din sa panaginip ko pero kahit anong gawin ko di padin sila maniniwala.


********************************

A/N: hi guyses, thank you nga pala sa pagbasa. Basta basa lang ng basa at love lots hamwehamwe. 😘😘😘😘

 HONOR Students Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon