Sakit sa ulo
Sakit sa puso
Hindi ko alam ang gagawin ko
Sa oras na mawala ka sa buhay koSorry kung pasaway ako
Sorry kung sakit ako sa ulo mo
Di ko naman sinasadya
Naguguluhan lang talaga akoParang nung isang araw lang
Nagaway tayo
Pinaramdam mo sakin na wala lang ako
Aminado naman ako na mali akoMuli sorry dahil kahit alam kong may sakit ka
Di pa rin ako nagbabago
Pero sana kahit minsan naiparamdam ko
Na hindi kita iiwan na syang pangako koMahalaga ka sakin
Importante ka sakin
Na kahit alam mong ako amg dahilan nang sakit mo
Di ka kailanman nagalit
kaya ngayon sobrang nagsisi akoNagsisisi ako
Nung oras na nalaman ko ang resulta mo
Para bang nagunaw ang mundo ko
Dahil alam ko sa sarili ko
na ako ang may kagagawan ng lahat ng itoHindi ka nagkulang
Sadyang di lng ako marunong makiramadam
Simula nung bata ako
Halos sobrang pagod na ang nararamdaman mo
Pero go pa rin tayoKailanman hindi ka nagreklamo
O kaya inisip na itigil na ito
Kaya sobrang nagsisisi ako
Dahil pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, ito pa ang mararanasan moMinsan mo na kong kinausap
Na alam mong hindi ka na tatagal
Pinagbilinan mo na ko ng lahat
Pero hindi pa talaga kami handa na kami'y iyong iwanPinaniwala ko ang sarili ko
Nagbulagbulagan
Na hindi ka kailanman mawawala
Inisip na hindi mo ko iiwan
Pero hanggang paninwala na nga lng pala ang lahatGusto kong maniwala
Na lagi akng nandiyan
Na hindi mo kami iiwan
Kahit mawala ka man sa mundo natin ngayo'y tinatapakanBuong pagmamahal ko'y
Alay sayo ng buo
Kahit alam kong mahirap balewalain ang nangyayari
At ibalik ng datiHanggang sa huling paghinga mo
Kahit ma'y nging pagkukulang ako
Sana'y laging tatandaan mo
Na nandito lang ako palagi sa tabi mo