♥ A Destiny Named Gedion ♥

633 27 15
                                    

A/N: eto na yung request mo.. ahaha.. sana magustuhan mo.. pagpasensiyahan mo na ang nakayanan ko.. libre lait kung gusto mo.. ^_^ salamat.. ^_^ at sana magustuhan rin ng ibang readers ko.. :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Minsan, hinulaan ako ng isang manghuhula.. Ang sabi sa hula.. Magiging masaya daw ang married life ko kung ang lalaking mapapangasawa ko ay nagngangalang Gedion..

Dahil naniniwala ako sa hula.. Hindi ako nagboboyfriend ng hindi Gedion ang name.. Kahit yung may Gedion sa name.. Okay na.. Pero ewan ko ba.. Niloloko lang ata ako nung maghuhula.. Paano ba kasi? Eh lahat ng naging boyfriend ko.. Failure lang.. Paano pa ako maniniwala? 

Pero ewan ko ba.. Heto pa rin ako.. Umaasa na totoo yung hula..  

"Tara na." yakag sa akin ng current boyfriend ko.. Si Richard Gedion Manansala.. Lumapit ako sa kanya at pumasok na kami ng simbahan.. Kasalan kasi ng isang kaibigan ni Richard.. 

Sabi ko nga 'di ba? Umaasa pa rin ako.. Kaya kahit hindi ko naman talaga mahal si Richard.. Sinagot ko siya.. Dahil sa hula.. Masaya naman ako sa kanya.. Pero hindi ko maramdaman ang saya ng pagkakaroon ng minamahal.. 

"May problema ba?" alalang tanong ni Richard.. 

"Wala naman." tipid ang ngiting iginawad ko.. Sa 'di kalayuan.. Nakita ko ang isang photographer sa kasalan.. Kinukuhanan niya ako ng picture.. Nako-concious tuloy ako.. Hanggang sa mag-umpisa at matapos ang kasalan.. Ang isip ko ay nasa lalaking photographer.. 

Sa reception.. Pakiramdam ko.. May mga matang nakatingin sa akin.. Hinanap ko ito at.. Yung photographer na naman? Nagtama ang paningin namin.. Kakaibang damdamin ang napukaw ng lalaki ng magkatitigan kami.. 

Para bang matagal na kaming magkakilala.. Para bang may koneksyon sa aming dalawa na hindi ko maipaliwanag.. Nginitian niya ako.. Tila nag-init ang buo kong mukha.. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Bakit biglang bigla.. Bumilis ang tibok ng puso ko.. Nag-iwas ako ng tingin.. 

"Excuse me lang." sabi ko kay Richard.. Tumayo ako at nagtungo sa ladies room.. Humarap ako sa salamin.. Pinakalma ko ang sarili ko.. "Relax ka lang, Reggie." pagkausap ko sa sarili ko sa harap ng salamin.. "Ngiti lang yun. Bakit ka ba biglang kinabahan?"  patuloy kong pagkausap sa sarili ko.. Para na akong baliw nito.. Kinakausap ang sarili.. 

"Ay, tae." nagulat ako sa pagtumog ng phone ko.. Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko.. May message galing kay Richard.. "Bakit ang tagal mo? May emergency meeting ako. Hindi na kita maihahatid pauwi. Una na ako." sabi ng text ni Richard.. 

"Okay lang. Mag-commute na lang ako." reply ko.. Pagkasend ko ng message.. Inayos ko lang ang sarili ko at lumabas na ako ng ladies room.. 

"Hi." bungad ng isang lalaki paglabas ko.. 

"Ay. tae." gulat na sabi ko.. Si Mr. Photographer lang pala.. HA? Si Mr. Photographer? 

"Ay, sorry. Nagulat ata kita." hinging paumanhin naman niya.. 

"H-hindi. O-okay lang." bakit parang kinabahan yata ako.. Ano ba talaga ang meron sa lalaking ito at nagiging kabado ako? Bumulis na naman ang tibok ng puso ko.. Sa sobrang bilis.. Hindi ko na mahabol.. Bakit? Hindi ko naman naramdaman ang ganito kay Richard.. 

"I'm Kieth nga pala." pakilala niya at nakangiting inilahad ang kanyang kamay..

"I-i'm Reggie." utal? Bakit ba talaga? Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya.. 

♥ A Destiny Named Gedion ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon