-Xeddrick Aced Fortejia-
Nagising ako galing sa sikat ng araw na mula sa bintana ng kwarto ko. I think it's the same day as always.
Nakatatamad gumising kaya mas pinili kong matulog uli sa paraan na tatakpan ko yung ulo ko gamit ang unan.
"Ba- *sniff* baka sakaling. *sniff*" isang nakakarinding boses mula sa sala dun sa baba ng bahay. Here we go again.
Kaya kahit pilitin kong matulog walang patutunguhan itong tulog ko kasi boses palang ni Ate Xenniah, mukhang babangungutin lang ako.Lumabas na ko sa kwarto ko. Pagkalabas ko ay nakita kong paano nagluluksa ngayon si Ate Xenniah.
"Ma-makita kitang muli.. *sniff*-- ay, puny*ta ayoko na!" naiiyak na sabi ni ate Xenniah.
"Mas ayoko ko na Ate! rinding-rinde na ko sa boses mo! Parang nightmare ka sa bawat tulog ko!" pagre-reklamo ko. Ay aba! Baka kasi mamaya nyan hinde na ko makagising dahil sa boses ni Ate. Kidding.
"Palibhasa, hinde ka pa naiin-love kaya hinde mo nararanasan tong sakit" depensa niya sakin may pa hawak puso-effect pa. Aba puny*ta talaga!
"Ate kung ganyan lang ang mangyayari sakin kapag nag-mahal ako, sorry pero wag na lang. And fvk! Wala nga yan sa bokabularyo ko." paliwanag ko sakanya eh, talaga wala yan sa bokabularyo ko as a playboy. F-L-I-R-T ang unang-una sa bokabularyo ko eh? Ano bang magagawa ninyo? Ako toh ih!
"Che! Ahh basta, kapag nalaman-laman ko lang Xeddrick Aced Fortejia na nagma-mahal ka na.. ay p*ta magpa-party ako. Magpapa-kain sa buong barangay!" sabi niya sakin habang pinupunasan yung mga luha nya sa matagap gamit ang tissue, sobrang drama talaga ng mga babae! O si ate lang.
"Sige ma-markahan ko tong araw na ito 06-4-20** sa ganap na 9:55 am ng umaga, sinabi mo yan" puno ng sarkastiko kong sabi kaya tinarayan ako ni ate Xenniah tinawanan ko na lang sya tsaka pumunta sa kwarto ko.
Pagka-lock ko nun ay naligo na ko. First day kasi ng pagiging Senior High ko pagkatapos, ay nag-bihis ako ng tumunog ang cell phone ko messages siguro, kaya kinuha ko kaagad yung cellphone ko para malaman kung sino ang nag-text.
From: Mr. Philadelphia Ocampo (coach)
Pumunta kayo sa school court mamayang 2:00 pm
Hala! First day na first day may practice agad. Masyadong atat si Coach ahh, matawagan nga!
"Sir. Phil?"
"Bat napatawag ka?"
"Sir. May practice po ba tayo kaagad? I mean, parang aga naman pong mag-practice dahil first day of school palang po"
"Hinde tayo magpa-paractice, ipapakilala ko lang kung sino ang Student Manager ng Varsity Team"
"Ahh. ganun ba, Sir?"
"Wag kang mag-alala, Xedd. Hinde siya kasing tanda ko HAHAHA actually, ka-edad mo lang siya kaso transferee."
"Ganun ba, Coach. Ay sige po pupunta po ako para sa announcement na yan"
"Sige, anak. Mag-kita na lang tayo mamayang alas-dos."
BINABASA MO ANG
Her Aced ( E D I T I N G)
RomanceOn-going pa mga kaibigan, editing na din as well Isang pag-iibangang, Ma-aksyon, Makasalanan, Puno ng Misteryo, Puno ng mga tagong lihim na kailangan ng bawat alas para ito'y mabunyag. Ang pagiibigang, paglalayuin ng isang taong kailangang patayin...