𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐓𝐰𝐨

9 3 0
                                    

-Xeddrick Aced Fortejia-

Napaka-bored! Simula pa sa Sir. namin ay puro pakilala, hanggang sa ako na yung magpapa-kilala.

"Next!" Sigaw ni Sir, ako na kasi yung next.. pagka-tayo ko.

"Oppa!!!!"

"Uy, sh*t Papa Xeddy is real... kaklase talaga natin siya!"

"He's super manly na talaga!"

"Sobrang yummy pa!"

Gusto ko sanang umupo na uli dahil wala namang saysay kapag nagpa-kilala pa ko eh, kilala naman na nila ako. Narinig kong napa-tsk lang yung katabi ko.

Ayaw niya ba?

Lumakad na ko papuntang harapan. Sa bawat tapak ko, dumodoble ang sigaw at tilian ng mga kaklase kong babae.. tsk!

Hanggang sa nasa harapan na ko, kitang-kita ko yung mga mukha ng mga babae. Namumula na yung pisngi nila at hindi lang pisngi pati buong mukha. Ampanget tingnan.

Nagsimula na kong magpa-kilala.

"Hi, I'm Xeddrick Aced Fortejia...17... kapag nalulungkot ka, ako ang magiging Xeddy bear mo para mapasaya ka *kindat* " sinabi ko ang napaka-fame kong linyahan. Ayun! Lahat ng mga babae ay halos mukhang sinapian dahil sa line ko na yun.

Bigla napa-dako yung mata ko kay Miracle.. and holy sh*t!. Nakita ko siyang ngumiti!, Totoo ba to?! Tama ba ang nakikita ko?

She's staring at me while smiling...

Hinde ko mapigilan ng mapa-ngiti... fuvk! Bat ba ang lakas ng epekto nitong babae to sakin?!

"HAHAHAHA!" rinig kong tawa nina Gav at Steve.

Mga mokong...

Bumalik sa kinauupuan ko, dahil mukhang wala naman na akong gagawin dun sa harap.

"Kapag malungkot ka, ako ang magiging Xeddy bear mo para mapa-saya ka" narinig kong sabi ni Mira tumingin lang ako sakanya.

Magagalit ba ko o kikiligin?

"Ikaw pala yun" dagdag niya pa. Napa-tigin ako sakanya, bumungad naman ang ngiti na kanina ko pa nakikita.

Sh*t!. Ano ba Mira?!

Pinilit ko na hinde magpa-epekto sa karisma niya.

Now... It's my turn.

"Oo, baket gusto mo ba?" Sabi ko na may pagka-seduce na tono.

"Well, thanks but no thanks, sanay na kong hinde sumasaya so hinde kita kailangan" sabi niya tapos tumingin nasa harapan.

Hinde kita kailangan...

Parang hiniwa yung puso sa apat na piraso dahil sa sobrang sakit. Hinde ko akalain na sa simple salita niyang yun mabibiyak ang puso ko.

Ang sakit kaya! Hinde niya daw ako kailangan!

"Mr. Fortejia, wala ka pa bang upuan dahil sa nakatayo ka riyan?" Natauhan ako ng biglang nag-salita si Sir. kaya napatingin ako kay Sir.

"Aahh.. Sir... Ahmm,--" -Ako

"Excuse me, Sir. Dito na siya naka-upo" narinig sabi ni Miracle kaya napa-tingin ako sakanya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Aced ( E D I T I N G) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon