ni: Sheng hyung Medrano
Hindi ko alam kung saan ko sisimulan,Itong alamat ng ating pagkakaibigan,Hanggang sa hindi ko maintindihan,Mayroon na palang nabubuong pagmamahalan.Sa araw-araw nalumilipas may nabuong salitang "tayo",Ang saya lang pakinggan ang mga sinasabi mong " akin ka" at "tayo lang hanggang dulo", Napakaganda sa aking pandinig at 'yan ang pinanghahawakan ko,'Gaya ng paghawak mo sa'king mga kamay na tila ba'y parang ayaw mo nang pakawalan.Mahal,salamat sa pagaalaga,Salamat sa pagtupad ng aking mga pangarap,Salamat sa panandaliang saya,Salamat dahil ako'y iyo ng tinanggap.Ngunit gusto ko nang palayain ka,Palayain sa sakit na dulot ko,Sa mga masasakit na salitang binibitawan ko tuwing nagaaway tayo,Sa mga luhang pumapatak dahil sa pagbitaw at pagtalikod ko.Mahal,patawarin mo ako,Patawrin mo ako sa hindi ko pagkapit,Sa hindi ko pagtupad ng mga pangarap natin,Sa hindi ko pagkapit sayong mga kamay na nais pang lumaban.Mahal..patawad..Huwag kang magalala,Mahal...Pinapalaya na kita.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryOo Gusto kita Kaya sana gustuhin mo din ako Alam kong hindi ako gwapo Na pwede mong maipagmalaki Sa mga kaibigan mo Alam ko ding hindi mo ako magugustuhan Dahil wala sa akin ang katangiang hinahanap mo Pero ito lang masasabi ko Ang Pagmamahal ko...