THIRD PERSON'S POV
"Shemay~ Ang pogi niya.."
"Oo nga, kahit may salamin siya napaka-gwapo niya talaga.."
"Isama na yung red hair niya! Wahh!!"
"Hays, gwapo ko talaga.."
*wink*
"Waaaaa!!!!!! Kinindatan niya tayo!!!"
"Omaygash! Makalaglag panty!!!"
Napatawa nalang si Rico Uy. Ang di mo mapagkamalan na leader ng isa sa makapangyarihang gang na nasa rank #5 na Ace Galaxy.
Mahilig talaga siya sa Galaxy. Suot niyang t-shirt galaxy e. Siya ang bumuo niyan at lumago.
Nasa dugo niya na ang pagiging mahangin, mayabang at mapang-asar.
Napagkakamalan din siyang NERD dahil laging siyang nakikita na naka-salamin. Malabo na rin kasi ang mata niya pero minsan nag-c-contact lens siya na may grado.
At yung red hair? Trip lang niya yan. Pero bagay sa kanya, kita niyo naman na tinitilian ng babae.
Pumasok siya sa SB at nag order.
"Hi miss..." *wink* Namula yung babae kaya nagkanda-utal na.
"A-ano pong o-orderin niyo s-sir??" Nauutal na sabi nung babae na namumula pa.
"1 capuccino.."sabi ni Rico. Nagbayad naman si Rico at sinerve na sa kanya yung order.
Humanap ng mauupuan si Rico pero halos lahat puno. May nakita naman siya isang babae nakaupo lang mag-isa.
Lumapit siya dun sa babae na nakataas ang kilay at nakatingin sa cellphone.
"Uh miss.." sabi ni Rico with matching pa-cute.
Pero mukhang walang talab sa babae kasi tinaasan lang din siya ng kilay.
"Ano yon?" Mataray na pagkasabi nung babae.
Naka-shades kasi yung babae at di makilala kung sino.
"Pwede bang pa-share sa table kasi---"
"Oo na, wag kana magpa-cute diyan wala rin naman yang talab e." Sabi nung babae. Umupo na si Rico at tinanggal naman nung babae yung shades niya.
Napatingin si Rico dun sa babaeng naka-poker face at nakatingin lang dun kay Rico.
Samantala si Rico na gulat na gulat at parang nakakita ng multo. Napataas naman kilay nung babae.
"Ba't ganyan ka makatingin? Mukha ba akong aswang? Sabihin mo lang makakatanggap ka ng sapak." Mahinahon na sabi nung babae.
"I-ikaw?" Sabi ni Rico na nakaturo pa sa babae.
"Kilala mo ko? Sa pagkakatanda ko, wala akong kaibigan o kakilala na ganyan ang mukha.." sabi nung babae at humigop sa frappé niya.
"Gre---"
*krriinngg*kriingg*
Tumayo kaagad si Rico at sinagot ang tawag. Dumiretso siya sa labas at kinausap yon.
"Oh?"bungad niya.
[Sir, nabalitaan na po namin. Patay na po lahat ng mga pinadala niyo sa Warrior gang."malungkot na pagkakasabi nung nasa kabilang telepono.
"Ano?! Pano?! Bakit?!"medyo napasigaw si Rico pero sa huli mahina lang yun.
[Hindi rin po namin alam. Lahat po sila ubos..]
*call ended*
Napahilamos ng mukha si Rico at bumalik nalang sa loob. Nakasalubong naman ngayon ang mukha nung babae na nakatingin sa table at malalim ang iniisip.
"Sorry kung umalis ako, may tumawag kasi sa aken eh.." kamot ulong sabi ni Rico.
"Alam ko." Mahina pero dinig ni Rico. Napakunot naman noo niya.
"Ikaw..." ngayon yung babae naman ang napa-IKAW. Kinabahan si Rico dun.
Kilala ni Rico yung kaharap niya ngayon.
At nakilala naman ngayon ng babae si Rico ngayon.
"Ikaw yung nagpadala ng mga lalaki sa 'teritoryo' ko." Sabi nung babae na halos dumilim na ang aura niya habang siya ay nakayuko.
May diin din sa salitang teritoryo nung sinabi yun nung babae.
"Ikaw si Rico Uy.."
"Ikaw si Greylee Vespucci.."
Sabay na sabi nila. Nagsamaan sila ng tingin. Umalis kaagad si Greylee sa lugar na yon at naiwan naman na nakatanga si Rico.
May naramdaman siya sa puso niya na guilt. Bumilis ang puso niya kanina pa nung nakita niya yung babae.
He review all the profile about Greylee at ngayon nakita na niya....
May naramdaman siyang kakaiba...
Na di mapaliwanag...
****
Please Vote/Comment or Share. THANK YOU!
Thanks for reading I hope you like it!
:-*
YOU ARE READING
The Gangsters : HATERS to LOVERS or HATERS ti'll DEATH?
ActionSampung grupong nag-hahari at nag-rereynahan. Kinaiinisan ang isa't isa at gustong makuha ang trono. May mabait, masama, brutal, malamig, maingay, tahimik, at may mapag-laro. Kung sakaling sila'y magkikita... Mahuhulog ba sila sa isa't isa o.... Ta...