7 : Youngest Bad Boy

14 4 0
                                    



THIRD PERSON'S POV

He's the second youngest millionaire and youngest leader and youngest BAD BOY.

Kaiden Amarante the leader of Warui Gang in rank #10. A Japanese boy and a half Pinoy.

(Warui = Bad)

"Kaiden..." tumingin si Kaiden dun sa babaeng kasing edad niya na apo ng Maid nila.

Walang emosyon na ipinakikita si Kaiden sa babaeng si Lian.

"Pwede ba kitang makausap??" Sabi ni Lian kay Kaiden na nakataas ang paa na nakapatong sa desk niya at nakaupo sa swivel chair. Nasa office kasi siya ng Mansion.

"Ano?" Pilit at iritadong tanong ni Kaiden habang umiinom ng wine.

Bata pa nito e.

"H-hindi ka ba aatras sa inarrange na kasal sayo??" Nauutal na tanonv ulit ni Lian.

Halata naman na may gusto si Lian kay Kaiden at alam naman niya iyon. Hinayaan nalang niya dahil wala siyang pake.

Bad boy. Tss.

"Hindi ako aatras." Simpleng sagot ni Kaiden. "Bakit?" Pahabol ni Kaiden.

"Kasi....ano....uhm..." tumingin si Kaiden sa kawalan.

"Sabihin mo na sasabihin mo. Wag mo sasayangin oras ko." Malamig na sabi ni Kaiden.

Huminga ng malalim si Lian at sinabi ang dapat sabihin.

"Kasi....gusto k-kita.." pagkasabi ni Lian yumuko siya at halos lumuwa ang puso niya sa kaba.

"Tapos?" Bored na sabi ni Kaiden.

"Uhmm..."

"Alis na.." walang kabuhay-buhay na sabi ni Kaiden at tumayo tska lumapit sa may malaking bintana.

Hindi umalis si Lian.

"Wala ka bang ibang sasabihin??" Huminga muna ng malalim si Lian dahil first time lang niya sasagutin ng ganito si Kaiden. "Napaka-bad boy mo talaga, hindi lang physically.. Pati emosyon ng tao sinasaktan mo. Sabagay bad boy nga eh." Sabi ni Lian habang nakatingin sa kawalan.

Parehas din yung damit niya katulad sa mga maid.

Humarap bigla si Kaiden na naka-taas ang kanang kilay. "Pwede ba, umalis kana. Wala akong pake sa mga pinagsasabi mo. Kung ayaw mo pati Lola mo paalisin ko sa papamahay na toh! GET OUT!" Sigaw na ni Kaiden sa inis.

"HA! okay lang! Pake din ba? Paalisin mo kami! Ayaw ko na din dito! Pagod na akong pagsilbihan ang isang bad boy! MANWHORE!" galit na galit na din si Lian.

Sa araw araw na pinagsisilbihan ni Lian si Kaiden laging siyang binubully laging pinapagod. Tapos ang parusa buong mansion maski sa labas pinapalinis. Konting kasalanan man yan ganun kalaki ang parusa.

Agad na nag-yukom ang kamao ni Kaiden at nagdilim ang aura niya. Napa-atras naman si Lian at takot na takot. Nagsisi siya na nasabi niya yon.

Di naman niya sinasadya. Naiinis lang siya dahil ganun lang yung reaction niya.

"S-sorry Kai--Di ko sinadyang s-sabihi---" di na natuloy sasabihin ni Lian dahil sa bilis ng pangyayari.

Nakahawak na si Kaiden sa magkabilang braso ni Lian ng mahigpit at lalong nagpadagdag ng galit si Kaiden dahil narinig niya ang pet name niya na 'Kai' na matagal na niyang binaon sa limot.

"Kai-- m-masakit..."

"WAG MO KONG TAWAGING KAI!" napasigaw na sa galit si Kaiden dahil inulit ulit ni Lian. Na alam naman ni Lian na hwag siyang tatawaging Kai.

"S-sorry.."

"DO THE F*CKING PUNISHMENT!" Itim na itim na ang aura ni Kaiden at halos sumabog na sa galit.

Para bang bulkan na ginalit at sumabog na.

"O-opo s-sir..." utal na utal na sabi ni Lian at mabilis na umalis sa kwarto.

Pagka-alis ni Lian agad namang nagwala si Kaiden. Lahat ng nakikita niya pinagtatapon niya.

May tumulo din na luha galing sa mata niya.

Naalala na naman niya....

Naalala niya yung first love niya na iniwan din siya.

Flashback

"KAI! KAI!" tawag sa kanya ng isang jolly na babae. Agad namang nagulat si Kaiden.

"Why?" Sabi ni Kaiden habang iniisip yung KAI.

"I know you're thinking." Sabi sa kanya nung babae.

"Haha. Bakit nga ba Kai?"

"Alam mo ikaw! Napaka-slow mo! Haist! Kai sa Kaiden dba? Kaso ang pronounciation kasi ng name mo Kayden. Alangan namang Kay tawag ko sayo edi nagmukha kang gay niyan! Haha!" Imbes na samaan ng tingin ni Kaiden yung girlfriend niya nakitawa nalang siya.

"Kaya Kai! Hello Kai ko!" Sabi nung babae at niyakap si Kaiden. Yumakap din si Kaiden at hinalikan sa noo.

"I love you, Samara Park..."

"I love you too, Kaiden Amarante..."

End Of Flashback

"Sir, okay na po. Napirmahan na po ni Ms.---"

"GET OUT!" agad naman nataranta ang personal butler niya at umalis.

Nakahawak parin ng mahigpit si Kaiden sa picture nilang dalawa ni  Samara.

Nilagay niya to sa drawer at kinuha ang brown envelope na iniwan nung butler niya.

Wala na siyang magagawa kundi mag-pa engage kung kanino man. Para na din maka-move on.

Binuksan niya yon at tinignan kung sino pumirma. May nakalagay kasi 'Signature Over Printed Name'

Bigla niyang nabitawan yung papel at napatulala.

"No, this can't be..."




****

Vote and comment :-*

The Gangsters : HATERS to LOVERS or HATERS ti'll DEATH?Where stories live. Discover now