Chapter 3 : Friends

7 4 3
                                    


Friends

Unknown's POV :

@Hallway

Habang naglalakad ako palabas ng School ay hindi sumabay sakin si Kevin. Waah! Oo nga pala mag lilinis sya sa bahay 3 days na lang kaya.

Habang naglalakad ako nilagay ko sa tainga ko ang Headset ko. Na'ng malapit na ako sa bahay may nakita ako na kotseng naka parada sa harap. Hindi ko pa masyado maaninag kase madilim na. Nang medyo makalapit lapit ako ay laking gulat ko.

"Kay kevin yun ah!" Sabi ko sabay takbo papasok sa bahay.

Nakita ko naman si Mama na nakaupo at nanonood ng T. V. Nang magtagpo ang tingin namin ni mama ay nagsalita sya agad.

"Oh! Anak! Nandito ang kaibigan no naglilinis. Hindi ko nga alam kung bakit eh." Sabi ni Mama ng may pagtataka. "Bakit ba yun naglilinis?" Tanong ni mama at hindi parin nawala ang pagtataka.

Hindi ko sinagot si mama sa tanong nya at agad hinanap si Kevin. Nakita ko sya na pinupunasan ang lamesa. Mukhang busy'ng busy kaya hindi napansin na nandito na ako.

"Ehem" Ako

"Oh? Grace nandyan kana pala? Sorry kung hindi kita sinabay papunta dito ah hehe." Sabi nya ng nakangiti.

Totoo ba 'to? Naglilinis na sya ng ibang bahay nagawa pa nya'ng ngumiti?

"Hindi ako to. Hologram ko lang to." Sarcastic kong sabi.

"Ito naman binibiro ka lang eh" Sabi nya.

"Tss daldal mo talaga. Three Days na lang ang deal." Sabi ko at napaawang naman ang bibig nya. "Paki bilisan. Dito kana rin mag hapunan." Sabi ko ng nakatingin sa malayo.

"Yess Ma'am!" Sabi nya at sumaludo. Aish! Isip bata.

Pagkasabi nya non dumiretso agad ako sa kwarto ko para magbihis ng damit. Natapos ako magbihis at humiga muna ako para makapag pahinga. Pero bago pa ako pumikit ay may kumatok agad. Aish! Nakakainis!

"Grace? Wuhoo? Nandyan ka ba? Si kevin ito. Kakain na." Sabi ni kevin at kumatok ulit.

"Stop knocking. I'm coming." Sabi ko na medyo pasigaw.

Pagkalabas ko sa pinto ay nandun si kevin. Pinagwalang bahala ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad ako sumusunod lang sakin si Kevin. Pagkarating namin sa Hapag kaininan tumabi agad sakin si kevin. Habang kumakain kami ramdam ko na patingin tingin sa aming dalawa ni Kevin sila Mama. Napansin ko na din naman na naiilang si kevin kaya nagsalita na ako.

"Bakit po Ma?" Taka ko silang lahat tinignan.

"W-wala a-anak nakakatuwa lang na nagdala ka ulit ng kaibigan dito s bahay. Bata kapa kasi nung huli ka nagdala ng kaibigan mo sa bahay." Nakangiti'ng sabi ni Mama.

"Grace balita ko umuwi na daw si Mabby galing New York. Dito daw ulit sya mag-aaral." Sabi ni  Insan.

Sya si Bella Martinez Bartolome. Kapatid ng Papa ko ang Mama nya. Hindi kami ganun ka-close tulad ng iba'ng mag pi-pinsan mas matanda ako sa kanya pero pangalan kola'ng ang tawag nya sakin walang galang diba?

"Paano mo nalaman?" Sabi ko.

"Kaibigan ko yung pinsan nya." Walang emosyon nya'ng sabi.

"Saan daw sya Mag-aaral?" Ako.

Baket ba? Ex-Bestfriend ko yun noh!? Sya lang naman yung Mabby Dayo na nanggamit sakin at nanira sakin para lang sa kalandian nya.

Dream Travel (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon