Chapter 5: With Him

7 1 0
                                    

With Him

Kevin's POV

Pagka lapit sa akin ni grace agad nya hinatak ang tenga ko. Feeling ko mapipilas tainga ko sa tindi ng pag hila nya. 

"Araaaayyy kopoo! Jusq! Graaacee sorry naa!" Sigaw ko habang hila-hila nya ang tainga ko na malapit na mapilas. Papunta kami sa likod ng building namin. Pagka dating namin dun ay binitawan na nya ang tainga ko. Hayyy Salamat. "Shit grace! Parang mapipilas tainga ko sa tindi ng paghila mo eh. Hindi ka ba naawa sa akin?" Sabi ko habang hawak hawak ang tainga ko.

Puchaaa! Ansakiit kasee talagaaa! Kung hindi lang ito babae eh! Hayyy nako! Palagi na lang nya ako sinasaktan eh. Sobraang sakit kaya. Alam nyo ba yun? Eh kung tainga nyo kaya ipapingot ko kay Grace? Si Author kasi eh! Bakit mo ba ako kinakawawa? Pati ba naman ikaw hindi naaawa sa akin ha? Alam nyo ba na masakit yung ginagawa nyo ha? Grabe kayo sa akin eh. Hayy nakoo!

<A/N: Eh kung tanggalin kaya kita dito sa story ko ha!?>

He-he Joke lang Gandang author hehe. Okay lang aman sa akin eh. hehehe.

"Hoy! Ano yung sinigaw sigaw mo kanina! Gusto mo durugin ko mukha mo ha!?" Sabi nya at aambang susuntok sa mukha ko. Shit! Wag ngayon! Grace mag Hunos dili ka!

"Grace Mag Hunos dili ka. Maawa ka sa mukha ko Grace! Bahala ka,ikaw din naman mawawalan ng gwapong kaibigan na tulad ko eh." Sabi ko na may tonong pagmamayabang.

Susuntukin na dapat nya ako pero biglang tumunog yung bell. Yes! Thankyou Bell. Hehehe! Niligtas nya ako mula kay kamatayan. HAHAHA! Hinila nya ako papunta sa room buti na lang at wala pa ang teacher namen. Masungit pa naman yung Next teacher namin hayy nako. Nagpahila na lang ako. Sanay na naman ako dito sa babaeng to eh.

Pagka dating namin sa Room ay agad nagtinginan ang mga classmate namin at sabay sabay humiyaw ng 'ayiieeehh!!' Shit Ang bilis kumalat ng balita! Anu toh? Grabe na panahon ngayon ah! HAHAHA! Kita ko yung asar na asar na mukha ni grace. Pagka tingin nya sa akin' pero yung tingin nya na parang nandidiri. Tinulak nya naman ako ng Sobraaang Lakas. Yung tipong parang maglalagas lagas yung buto ko. Grabe naman itong babaeng ito. Napaka lakas. Mahirap kalabanin ito.

"Uyy! Totoo ba? may Something sa inyo ni Kevin?" Tanong ng isa naming classmate kay Grace.

Shit! Tinignan ko ang mga classmate ko na 'Wag. Masama magalit toh.' pero hindi nila yun pinansin at nagpatuloy sa pang-aasar. Nakoo! May nalabas na na usok sa ilong tsaka tenga ni grace. Nako! Pano tooh! Tulungan nyo ako.

"Yiee! Mukhang Lq! HAHAHAHA!"

"Oo nga noh! Ayieee"

"Uy! LoveTeam silaa."

"Bawal PDA dito hoy!"

Jusskoo!! Ako ang mananagot nito.

"What the Fuck! Shut up all your ugly Mouths!!" Sigaw ni Grace.

Agad naman natigilan ang lahat. Shit! Ito na nga ba eh. Lagot na ako. Huhuhu kawawa naman yung gwapo kong mukha. Huhuhuhuhu.

"You'll pay for this Mr. Alfonzo." Bulong ni grace pero sapat na yun para madinig ko.

"Grace? Sorry na! Maawa ka sa gwapo kong mu-" Biglang naputol ang sasabihin ko. Shit! Ang sakit nya talaga manuntok.

Namamanhid ang labi ko. Kinapa kapa ko ang gilid ng pisngi ko. Pagkatingin ko "Shit! May dugo!" Sigaw ko ng mahina sa sarili ko.

Nakita ko si grace na matalim parin na nakatingin sa ka-klase namin.

"Do that once again and I'll break all your legs." Sabi nya na nagpatindig na balahibo ko.

Dream Travel (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon