Episode 1 (Part 2): Meet Julian

13 0 0
                                    

Monday morning. Nakatayo ako sa harapan ng salamin habang tinignan ang sarili kung mukha pa ba akong tao. Inilagay ko na ang contact lense na walang grado saka pumikit-pikit para makita kung maayos ko ba itong nailagay. Nagsusuot ako nito dahil nagiging kulay asul ang mata ko kung mayroon akong maramdaman na malalakas na emosyon. You will never know what will happen at school so incase may mga sitwasyong mangyayari na makakatrigger sa akin ay hindi nila ako paghihinalaan.

Kung ang suot ko ang pag-uusapan, nagmumukha akong alien sa get up ko, hindi naman kasi ako palaayos. Magulo din ang aking buhok. Hindi ko alam kung bakit pero mas gusto ko yung ganitong porma, dito ako mas komportable.

Napahinto ako sa ginagawa ko nung narinig kong may kumatok sa pintuan. Wala namang iba sa bahay na ito kundi ako lang at ang pinsan kong si Terrence.

Magkapatid ang mga nanay namin. Lumipat siya dito sa bahay mga limang taon na ang nakalipas. Kahit na hindi ko gusto na may kasama ako dito sa bahay ay pinilit ako ni Auntie. Siguro nag-alala lang siya sa akin kaya niya ipinadala ang anak niya. Naalala ko pa noon 3 months after nagstay na dito si Terrence ay nadiskobre niya ang sikreto ko and you have no idea kung paano ako kataranta nung mga panahon na iyon. Hindi ko naman kasi siya kinakausap nung bago pa lang siya sa pamamahay na ito. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya nung napuno na ako sa pangengealam sa mga gamit ko at hindi sinasadyang nagsiliparan ang mga gamit sa kusina nung kinumpranta ko siya.

I guess madali lang niya akong natanggap kasi alam na siguro niya ang misteryo na bumabalot sa angkan namin. He just accepted me even though I never consider him as my cousin back then, just some stranger living in my house. Wala naman kasi akong tiwala sa mga pinsan ko.

I don't even give a damn care on what is happening to them.

Siguro naging iba si Terrence sa kanila dahil sa pagiging pursigido niyang maging isang malapit na tao sa akin. Hindi ko alam kung paano pero sa tingin ko naging importante na siya sa akin. I still acted cold towards him, mas lalo yata iyong lumala nung napalapit na sa akin si Terrence but I guess nasanay naman siya sa ugali ko kaya wala lang sa kanya kung iinsultuhin ko siya ng sagaran.

"Nagluto ako ng spaghetti, ma friend." Bibong bungad niya sa akin nung binuksan ko ang pintuan ng aking silid. Nakasaklay pa rin siya at nakabenda ang braso at isang binti niya. Kinakain naman ako ng konsensya ko pero isinangtabi ko muna iyon.

"You mean yung curly spaghetti na binili ko nung isang araw?" Poker face kong sabi sa kanya.

"A-huh." Tumatango niyang balik sa aking katanungan habang may istupidong ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Kung ako ang nasa kanyang posisyon ngayon ay matagal ko nang sinuntok ang kaharap ko pero iba siya. Nagawa niya pa akong paglutuan kahit na may benda ang kanyang kamay. I am amaze both at his cooking skills and his patience.

Ginugulo na naman ako nang konsensya ko.

Nung matapos na kaming kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan at pagkatapos ay nagsipilyo na kaming dalawa. Ako lang pala ang nagsipilyo sa aming dalawa, masakit daw kasi ang kanyang kamay kasi nagluto siya kanina. Nagpaawa pa ang mokong wala naman akong sinasabing siya ang magluto. Kahit labag sa kalooban ko ay nagawa ko parin siyang sipilyuhan. Medyo awkward yung ginagawa namin pero ipinagsawalang bahala ko muna iyon kasi kasalanan ko naman kung bakit siya nagkainjury.

Ang normal routine namin pagpunta sa eskwelahan ay ako yung maglalakad while siya yung sumakay sa kanyang motor. He will then offer me to get on his vehicle pero as usual ay tatangi ako at maglalakad lang papunta sa school. Alam ko naman kasing susunduin niya si Kathleen kasi sa pagkakaalam ko ay magkasintahan na ang dalawa. Ang kaibahan lang ng araw na ito ay naglalakad kami pareho. Well not too close. Ayaw kong maisyu sa kanya, malisyoso kasi halos mga schoolmate namin. Masyadong big deal ang kasikatan ni Terrence Go sa kanila.

Must Protect the OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon