Episode 1 (Part 1): Meet Julian

21 0 0
                                    

Isolated.

Iyon ba ang tamang salita na nababagay sa akin?

I never really want this kind of life but I chose this. Being far away from others is the best thing I could do.

Para na rin sa akin at sa kapakanan nila.

Inaamin ko mahirap mamuhay ng ganito. Iyong mamuhay na palaging dumidistansya sa iba, Pero kinaya ko sa nakaraang labing-isang taon kaya makakaya ko rin dagdagan ng labing-isang taon pa.

Matapos magrupo ang klase namin para sa gagawing business plan ay dinismiss agad kami ng aming adviser. Mabuti naman at hindi kami ang pinapapili sa gusto naming maging kagrupo kundi walang gusto makipag partner sa akin. Nagsuggest ang isa sa mga makakasama ko na doon kami sa library magdiscuss kung ano ang mga negosyo ang pwede gawan namin ng business plan. Pinagmasdan ko ang mga kasama ko at sa isang tingin pa lang ay hindi sila komportable na kasama ang isang gaya ko na palaging loner sa klase namin. Nakakatakot daw yung mata ko, sobrang lamig.

Mabuti ngang meron akong ganitong klaseng mata para hindi na ako nila tangkain pang lapitan. Para kakaunti nalang ang magiging problema. Hindi na ako masyadong mag-eefort na idistansya ang sarili ko sa kanila kasi sila na kusa ang lumalayo.

"Julian?" tanong nung isang babaeng kasama ko. Hindi ko matukoy kung ano ang pangalan niya, hindi naman kasi ako active sa klase at lumulutang lang ang isip ko nung nag-introduction sa klase kaya hindi ko alam ang mga pangalan nila.

Kumbaga physically present but mentally absent and drama ko sa halos lahat ng oras. Wala namang kaso sa akin kasi nagawa ko namang mag-aral ng ako lang sa bahay. Yung bayad nga lang ay kailangan kong lumapit sa mga kaklase ko. Yung mga usapan namin hanggang tungkol sa aralin lang naman at hindi na hihigit pa doon.

Tinignan ko lang sa tumawag sa akin at hinihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin na pinapahiwatig ko sa pamamagitan ng pagtaas ng aking dalawang kilay.

"Okay lang ba sayo na sa library tayo mag brainstorming?"

"Walang kaso sa akin." casual kong sabi saka kinuha ko na ang bag ko.

Sa grupo namin bale apat kami, dalawang babae at dalawang lalaki.

"So... uh, Let's go! Oy, Tristan bilisan mo na diyan para makapagsimula na tayo." sabi nung babae kanina, mukhang siya na ata yung tumatayo naming leader. Good for her.

"Oo na po. Kukunin ko lang gamit ko sa locker."

"Hintayin ka na lng namin sa library."

"Okay." Naghiwalay na kami nung lalaki.

***

Natapos na yung brainstorming ng grupo namin, napagkasunduan namin na sa fruit jam business na lang kami magfocus para sa business plan kasi manager ang parents ni Tristan sa isang pagawaan ng jam products. Advantage narin sa amin yun. Nalaman ko na din ang mga pangalan nila, Aileen yung kumakausap sa akin kanina at siya nga ang naging group leader. Natural na kayumanggi ang kutis si Aileen at medyo makapal ang straight niyang buhok na abot siko. Si Tristan naman ay yung chinito na mushroom-cut ang buhok, medyo maputi si Tristan kaya medyo bumagay sa kanya ang haircut pero medyo lang naman.

Kinda wish I was less white like him pero si Bathala na yata ang gusto na maging halos kasingputi ko na ang labanos. O baka yun ay dahil hindi ako palabilad sa araw. Kung iyan ang kaso, anong magagawa ko? I'm a house person.

Panghuli ay si Janna, nakasalamin siya, ewan ko lang kung may grado yun o props lang, maingay siya, pareho sila ni Tristan. Masyadong mahahyper. Muntik pa kaming mapalabas ng library dahil sa kanilang dalawa.

Must Protect the OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon