"Ano ?bakit nila ginawa sa iyo yan ?"
Halos pagsukluban ako nang langit at lupa sa nalaman ko kay madie .hindi ko inaakalang ganon kabigat yung problema eh ,buti naihahandle niya pa .at nagagawa niya pang ngumiti sa harap nang maraming tao hindi ko na kayang pigilan na iyukom ang palad ko .parang mas nanaisin ko pang hindi na malaman yung nangyari .gusto kong masapak yung nag-maltrato sa kanya .Sa katunayan wala naman akong karapatan magalit sa taong gumawa noon sa kanya ,pero nakikita kong nasasaktan siya .parang gusto kong ako nalang yung masaktan kesa sa nakikita ko na umiiyak ang idol ko .
Hinilig ko sa kanya ang balikit ko para makasandal siya .at yun naman ang ginawa niya ,kanina kasi nung nakita niya ako .na nakita ko siya .mas tumulo pa ang luha niya .
tinanong ko din ,kung ano yung nangyari at sino yung kausap niya .
at ito na nga narinig ko na lahat lahat tungkol sa kanya at tungkol sa f.a
pero parang ngayon gusto ko na yung ganito at least nalaman ko ,kung bakit ganito si madie .kung bakit ganito ang ugali niya ."doon ka muna magpahupa nang emosyon mo sa room namin,kasi nilalamok na tayo dito ."sabi ko pabiro pa yun ah
agad naman siyang tumayo at sapo sapo parin ang kanyang muka ,habang ako hinahagod ang kanyang likod .
Wala kaming imikan ,ang tanging naririnig ko lang ay yung paghikbi niya at hagulgol niya.malamang hinahanap na si madie nang mga ka myembro niyang F.A
nang makarating na kami sa harap nang pintuan nang room namin .pinindot ko na ang passcode para makapasok kami .
"11613?"pagtatanong niya sakin
"yaan kasi yung date kung saan una namin kayong nakita sa T.V "paliwanag ko
"hinahangaan niyo talaga kami noh !"sabi niya sakin at ngumisi. napawi agad nang ngiti yung malungkot niyang muka kanina.kahit na alam ko na pilit lang ang ngiti niya.
habang papasok kami sa room namin
hindi ko inaakalang andoon ang mga kaibigan ko,na hindi maipinta ang muka"bakit nandito si natasha?"pagtatanong sakin na ngayon ay nakakunot noo na si natasha
"Ah !dito ko muna siya pinapunta kasi di pa humuhupa yung pagkakagulo nang f.a at nang manager nila .!"paliwanag ko kay daniel pero hindi niya ito maintindihan kaya hinila niya si madie palabas nang room namin
"daniel !"pagpipigil ko sa kanya sa kanyang braso
"umalis ka na dito natasha ,huwag na huwag ka na ulit tatapak sa kwarto na ito !"bulalas ni daniel
"ang dapat sayo ,hindi na hinahangaan "dagdag ni seiji
"kung ganyan ang turing nang F.A sa mga fans nila .Kabubwisitan talaga !"sabi naman ni seichi
hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasasabi nang mga kaibigan ko dahil punong puno sila nang galit ,at galit sila kay natasha .Ah' hindi lang pala kay natasha sa buong F.A ,Wala akong alam sa nagyayari"Paalisin mo na siya aster !isa...."pagbibilang sakin ni reiji
inosente ang muka ni natasha na itinulak sa labas ni seichi .
"Ano bang ginagawa niyo hah ?nasaktan niyo yung tao !ano bang mga problema niyo "sabi ko at sinipa ang isang upuan .pagkatapos ay nagkulong sa kwarto
tumungo ako sa kama ko at madaming bumabagabag sa utak ko .saan sila nagpa brain wash ..?doon sa lalaki kahapon?sa lalaking kakikilala lang nila.kabibilis naman nilang maniwala
"aster !lumabas ka kailangan natin mag-usap usap "bulalas ni seiji
pinagbuksan ko sila nang pinto nang kwarto ko ,hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon .halo halo.
lahat nang kaibigan ko ay pumasok sa sarili kong kwarto nang condo ,pinalibutan nila ang kama ko at sabay sabay nang umupo"hindi niyo alam kung ano yung pinagdadaanan ni natasha ,tapos gaganunin niyo pa siya .?alam niyo kung gaano siya kahalaga sakin .gusto ko siyang makausap tapos ipinagtabuyan niyo lang !"sambit ko sa kanila nang puno nang galit
"aster ,marami na kaming nalaman.at ikaw nalang ang hindi nakakaalam !"
"nabuwag na ang black dolls ,dahil namatay ang isang myembro na si aimee ,magkaribal ang management nang black dolls at faithless angels ..nasa balita din na ang may pakana nang lahat nang ito ay ang manager nang F.A ...at si natasha ang may pakana nang pagkamatay ni aimee"
"paanong si natasha ?masyado pa siyang walang alam para makagawa nang ganun .alam naman natin na yung magkapatid na manager nang parehong grupo ang magkaaway hindi yung mga members nito. "
"aster ,wala ka talagang alam .hindi mo alam kung ano yung totoong ugali ni natasha!at nang iba pang myembro..maawa ka sa nga fans -sa atin aster !pinagtatanggol mo yung makasalanan !"
"sige nga sabihin mo yung mga nalalaman mo kay natasha, at sasabihin din namin sayo yung mga nalaman namin !"sambit ni seiji
"si natasha half sister si aimee ,at ang lahat nang faithless angels ay ampon lang nang iba't ibang tao na napunta sa mayayaman na tao ,magkaribal ang managers nang dalawang grupo at mas lalong nagkakaroon nang gulo ang agency na nais nilang makuha dahil namatay si aimee at ang sinisisi ay ang faithless angels lalong lalo na si natasha .!"pagpapaliwanag ni reiden
"pero hindi niyo alam kung ano yung ginawa nang pamilya kunno ni aimee kay natasha ,minaltrato nila si natsha ,reiden. kung alam mo lang yung dalamhati ni natasha sakin kanina .maaawa ka !"sabi ko
" Aster ,akala ko ba ayaw mo na sa kanya ?akala ko ba suko ka na kay natasha sa ugali niya na hindi mo mawari !pinapaliwanag namin sa iyo kung ano yung nagyayari palagi kang may side comment !"
"bakit kasi bigla na lang nag-iba ihip nang hangin ?ano yung ginawa nung lalaki sa inyo ?na -brain wash ba kayo?sino ba kasi yun ?bakit nakikinig kayo ?akala ko ba pare-parehas tayong fanboy dito ,hinahangaan natin yung F.A tapos magpapaapekto kayo sa fake news na walang kwenta!"halos ma piyok na ako sa pagkasabi ko na yun
"sige aster ,kung ayaw mong maniwala at makinig samin mamili ka nalang !!kami o yung natasha mo !"nagagalit na tugon ni seichi
habang tinuturo yung pintuan (reffering to natasha ) at sila"GUSTO NIYO BA MASIRA ,PAGKAKAIBIGAN NATIN?"pagalit kong tanong
"bakit kayo nagpapaapekto sa ganoon lang ?hindi natin alam kung ano yung gawa-gawa lang at yung totoong nangyari !tapos magpapaapekto kayo sa sinabi noong lalaki na kakikilala niyo lang kahapon ?tapos kung ano ano yung sinasabi niyo sakin ngayon !"

BINABASA MO ANG
Gorgeous Guitarist(ongoing)
Hayran KurguMUSIKA Kapag naririnig mo .nadadala ka , feeling mo ikaw yung tinutukoy sa kanta .lalo na kung yung idolo mo ang kumakanta paano kung yung mga taong dati naging inspirasyon mo ay ngayo'y magiging karibal at kaaway mo *fanboys* para sa inyo to basa...