Chapter 1

11 0 0
                                    


I was hated. Nobody liked me, loved me, cared for me, cherished me and nobody knew that I even existed in this world. Including my family, they abandoned and hated me. I don't know why and I don't care. Pero okay lang, kasi sanay na akong ganituhin ako sa mga taong madadaanan ko. Ganito na ang buhay ko, noon pa man. Hindi ko alam kung bakit, bakit nila ito ginawa sa akin? Ano ang naging kasalanan ko? Bakit ganito ang trato nila sa akin? Pero, hindi ko na tinatanong 'yan dahil wala namang sumasagot. Pagod na ako.


Gustong gusto kong lumayas dito sa pamamamahay ng pamilya ko. Pero wala pa akong pera kasi wala pang sweldo sa part-time job ko. Hindi ako nanghihingi ng pera sa pamilya ko, ganun lang naman sila, hindi rin nila ako binibigyan ng pera. Kaya, nag pa-part time job ako para may pera ako para sa mga school needs at para sa bagong titirahan ko na apartment. Pagkatapos ng first semester dito, lilipat ako sa isang aparment na nasa Valencia at doon na din ako mag-aaral, kaya nag-iipon din ako para sa enrollment ng skwelahan doon.

Pagkatapos kong bumaba sa jeep, dumiretso na ako sa lockers para ilagay ang mga gamit na hindi kailangan para sa morning session. Tinignan ko yung relo ko, hindi pa naman 7:30, so nag-lakad lakad muna ako sa mga hallway. Nakatungo akong naglakad, pero ramdam ko yung mga tingin ng mga tao sa akin, sanay naman ako eh. Naglakad ako ng naglakad ng may nakita akong dalawang pares ng sapatos dahilan para matigilan ako sa paglakad.

"Hello Leanie! Kamusta ka na? Alam mo bang birthday ko ngayon? Paligayahin mo naman ako" sarkastikong sabi niya at inangat ko ang paningin ko. Oh, nandito na naman si echoserang Alyana.

"Ayoko" sabi ko at nagsimulang maglakad patungong classroom ko.

Pero sa hindi inaasahan ko, hinawakan ang dalawang braso ko sa mga alipores ni Alyana at binalik sa harapan niya.

"Bwiset ka" bulong ko at tumungo.

"Ano 'yun dear? Hindi ko nadinig" sabi niya at ngumisi.

Hindi ako sumagot dahilan para tumawa siya ng parang witch. Oh, scratch that, witch naman talaga siya.

"Get on your knees" ani Alyana.

Nag kibit-balikat na lang ako at umiling.

"Ayaw mo?! Get on your knees sabi eh!" iritadong wika niya dahilan para mapangisi ako. Umiling ulit ako dahilan para maging wild witch siya.

"Okay! Ginusto mo 'yan ah?! Birthday ko pa naman, sinira mo. Kaya eto nalang!" sigaw niya sabay tapon ng flour sa aking mukha dahilan para pumikit ako, binitawan naman ng mga alipores ni Alyana ang dalawang braso ko kaya napaluhod ako at ipinilit na tanggalin ang flour na pumasok sa mata ko.

Tumayo ako pagkatapos kong tanggalin ang flour na nasa mukha ko, pero sa hindi inaasahan. Binilugan ako ng mga tao dahilan para nasa sentro ako at nagtapon sila ng itlog sa akin. Silang lahat ay nagtapon sa akin ng raw egg kasabay ng mura nila.

"Ayan kasi eh! Hampaslupa!"

"B*tch!"

"Sana mamatay ka!"

"Pobre kasi!"

"Walang nagmamahal sayo!"

"Demonyo!"

Pero imbes na i-depensa ang sarili ko, hinayaan ko nalang at pumikit. Okay lang naman, dahil sanay na ako nito. Halos araw-araw ng ganito ang nangyayari ng buhay ko. Oo nga, sana namatay na lang ako. Oo, alam kong walang nagmamahal sa akin. Oo, pobre ako. Oo, hampaslupa ako. Oo, b*tch ako, kahit wala naman akong ginawang masama kundi ang mag-aral ng mag-aral. Hindi ko namalayan na, tumulo na pala ang luha ko kakaisip ng reyalidad.

Noong nag-bell na, dumilat ako at tumayo. Wala ng mga estudyante dahil nandoon na sa mga classrooms nila. Ngumiti ako ng mapait at tumungo sa CR para punasan ang itlog at flour sa katawan ko. Pagkatapos kong punasan ang uniporme ko, tumingin ako sa salamin at tiningnan ang mukha ko. Matangos naman ang ilong ko, makinis ang balat ko, natural rin na pinkish ang cheeks ko. Pero ang ipinag-kaiba ko sa lahat ng tao ay ang mga mata ko. Ang mata ko ay 'Amber', ang sabi daw sa Google ay may pagka Yellowish/Golden yung mata ko at rare daw ito.

(A/N: Check the multimedia for imaginary purposes)

Yung buhok ko naman, magka-level sa pusod ko at pa-V ang shape nito, itinali ko ang buhok ko para ipa-ponytail at binasa ito ng kaunti. May bangs ako, pero kaunti lang. Side swept bangs lang ito dahil hindi ko gusto yung bangs na yung naco-cover yung forehead mo.

Pagkatapos kong iaral ang sarili ko, lumabas na ako sa CR at tumungo sa classroom. Late na ako! Patay ako nito!

Bumati muna ako sa teacher at pumasok na sa loob ng classroom. Pagkaupo ko sa isang chair sa likod, may nagbubulungan na naman. Bulong ng bulong pero dinig ko naman. Tsk!

"Hahaha! Ano kayang nangyari sa uniporme niya!"

"Ano ka ba girl! Hindi mo ba narinig kanina? Natapunan siya ng flour at egg ni Alyana! Ang cool nga nun eh!"

"Ayan kasi, hampaslupa!"

"I hate her!"

"Shh! Baka madinig ka niya!"

"Bagay lang sa kanya yan!"

"Oo nga! Deserve niya 'yan! Palibhasa ang pobre tsaka ang panget niya!"

Hindi ko nalang sila pinansin at nakinig nalang ako sa teacher na nagdiscuss. Bumuntong hininga ako, bakit ba ganito ang buhay ko? Do I really deserve all this? Bakit hindi nila ako kayang gustohin? May mali ba akong ginawa? Pero, okay lang. Sanay naman akong masaktan kaya wala na akong problema dun. At tsaka 2 weeks from now, matatapos na ang first semester kaya lilipat din ako ng eskwelahan.

Nung nag-bell na, bumalik na ako sa sarili ko at lumabas para mag-snacks. Pumunta ako sa main canteen at bumili ng isang sandwich at isang bottled juice. May nakita akong upuan sa likod na walang tao kaya dumiretso ako doon. Pagkaupo ko, kinuha ko na ang plastic sa sandwich at nagsimulang kumain, binuksan ko ang bottled juice at uminom ng biglang may umupo sa isang chair sa harap ko dahilan para mag-shake ang lamesa kaya nabulunan ako.

"Oh, sorry about that. Are you okay?" sabi niya at binigyan ako ng panyo.

"O-okay l-lang ako" sabi ko at patuloy na nag-ubo.

Pagkatapos kong punasan ang bibig ko, tinignan ko yung nasa harap ko, at bahagya na lang nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko siya!

"J-Jackson Mey-ni R-Rachane?" patanong na sabi ko.

"Oh well, it is one and only me" sabi niya sabay kindat sa akin.

Hatred vs LoveWhere stories live. Discover now