Chapter 2
SpeechlessNakatitig lang ako kay Jackson ngayon, ba't ang bait niya ngayon? Ba't kinakausap niya ako ngayon? Dati rati, binu-bully niya ako dahil pangit daw ako. Binu-bully rin niya ako dahil inaaway ko yung girlfriend niyang si Alyana. Pero, I will not waste this opportunity. Kailangan ko din naman siyang makausap, dahil last semester ko na 'to ngayon.
"Ba't ka nandito ngayon?" tanong ko at kumagat sa sandwich, not minding everyone's eyes to us.
"Napasyal lang" simpleng sabi niya at tsaka tumayo. "Una na ako" sabi niya at tumango lamang ako.
Nag-bell na, hudyat na natapos na ang snacks. Binilisan ko ang pagkain ng sandwich at dumiretso na sa classroom dala ang bottled juice ko. Dumiretso ako sa upuan ko at nagtulala. Ang daming tanong sa isip ko.
Gusto ko bang mag-goodbye nalang kay Jackson? Kailangan pa ba iyon? Sana, maisip din niya ang existence ko. Dahil ako, araw-araw iniisip ko siya. Oo, naging pangit ang aming nakaraan. Pero kapag magso-sorry siya sa akin, papatawarin ko siya. Gusto ko siya, gusto ko para akin lang siya. It may sound selfish, but I guess that's just who I am.
Nakita kong pumasok si Professor Yam sa classroom namin, kaya bumalik na ako sa ulirat. Si Professor Yam ay masungit, siya ang Math teacher namin kaya mahigpit siya. Pero alam ko naman na mabait siya. Lahat ng tao may kabaitan, tinatago lang siguro nila para walang masaktan. Madalas kasi, kapag ang sobrang bait mo na, hindi mo nalang namalayan may nasasaktan ka nang iba.
Galit na galit si Prof. Yam ngayon. Kitang kita sa kilay niya na naging letter V dahil sa sobrang galit. Bahagya akong nagulat nong tiningnan niya ako at galit na galit na lumapit sa akin. Nakita ko naman si Alyana at ang mga alipores niya sa gilid, ngumisi sila sa akin. May ginagawa sigurong masama ang mga ito at ako naman ang may sala. Ngumisi si Alyana sa akin at ipinakita ang dumi sa uniporme niya. Tinignan ko siya at um-acting siya na parang iiyak na.
"Tumayo ka at tumingin ka sa akin!" sigaw ni Prof. Yam sa harap ko, tumayo ako at tumungo.
"Ms. Montenegro! Anong ginawa mo kay Ms. Chentai at bakit nagkaganyan ang uniporme niya?!" sigaw niya sa akin. I forgot to mention na ang closest na estudyante ni Prof. Yam ay si echoserang Alyana.
"Ma'am, wala po akong ginagawang masama" mahinahong sabi ko tumingin sa kanya.
"Nag-juice ka ba kaninang snacks?!" tanong niya at tumango ako.
"Anong flavor?!" sigaw niya. She really cares about Alyana. Pati juice ko tinatanong pa.
"Orange juice po Ma'am" sabi ko at ipinakita sa kanya ang bottled juice ko.
"So, you were the one who spilled the drink on Ms. Chentai's uniform?!" sigaw niya at tumingin ako kay Alyana.
Color Orange nga yung nasa uniform niya, pero hindi yun Orange. Ang alam ko, Light Orange yung juice sa Orange, ang nasa uniporme niya ay may pagkadark na reddish Orange.
"Ma'am, hindi po Orange ang nasa uniporme niya. Tangerine po yun dahil may pagkareddish ang color niya" sagot ko at umastang uupo ng biglang hinalbot ni Prof. Yam ang braso ko at ipinatayo.
"I don't care if it's yours or not! Basta ang sabi ni Ms. Chentai sa akin ay ikaw yung nag tapon ng Orange juice sa kanya!" sigaw niya at umupo ako.
"Basta Ma'am, hindi po ako ang gumawa niyan, itanong mo pa kay Alyana" mahinahong sagot ko at umastang nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook ko.
"Tumayo ka!" sigaw niya at hindi ko pinansin.
"Hoy! Tumayo ka daw!"
"Pag kami nadamay, patay ka sa aming lahat!"
"Fuck you! Tumayo ka!"
"Tayo!"
Yan ang mga naririnig ko sa mga classmates ko, tinignan ko sila at sinamaan lang nila ako ng tingin. Tumayo ako at tumingin kay Prof. Yam, pero sa hindi inaasahan, nangyari ang hindi kapaniwalang mangyari.
"Bagay lang sakanya yan!"
"Such a bitch!"
"Yan kasi!"
Tumungo ako at, umagos ang mga luha sa mata ko. I can't believe this! Bakit nagawa niya sa akin ito?! Bakit Ma'am?! Ikaw ang itinuring na nanay ko sa eskwelahang ito pero, itinaksil mo yun! Taksil ka!
"Bagay lang yan sa iyo para matauhan ka sa mga kagaguhan na mga ginagawa mo!" sigaw ni Prof. Yam sa akin. "Umalis ka na dito! Huwag mo na hintaying matapos ang 2 weeks dahil sasabihin ko na kay Directress na umalis ka na dito! Huwag ka nang babalik pa!" sabi ni Prof. Yam.
"Sige po, Ma. Paalam na po." sabi ko sabay lagay ng mga gamit sa bag ko at umastang lumabas nang hatakin niya ako pabalik sa kaniyang harap.
"Sinabi nang huwag mo akong tawaging 'Mama'! Dahil wala akong anak na parehas sa ugali mo! Huwag ka nang pumunta sa bahay! Huwag ka nang magpakita sa amin!" sigaw niya sabay sampal.. ulit sa akin.
Kailangan kong sabihin sa kanya lahat ng naramdaman ko. This will be my last farewell to you, Ma.
"Ma! Nahihirapan na ako sa iyo! Palagi mo nalang akong ikompara sa kay Alyana! Walang ibang bukambibig kung hindi si Alyana! Alyana! Alyana! Alam mo bang masakit para sa akin yon?! Masakit sa damdamin na ipagkompara ka sa nanay mo sa ibang tao na hindi niya naman kakilala! Kung gusto mong si Alyana ang anak mo, bakit mo pa ako ginawa?! Dapat hindi mo nalang ako binuhay! Ang dali lang naman magpa-abortion eh! Pwede ka rin namang magpa-adopt kay Alyana na maging nanay ka niya! Tutal naman siya nalang isa ang nasa bahay niya! Masakit yun Ma! Masakit na masakit! Iniwan mo nalang dapat ako! Tutal binuhay mo lang ako para ipakompara kay Alyana eh!" sabi ko sabay hagulgol, sinampal niya naman ako. Masakit na yun, ang sakit-sakit na sinampal ka sa sariling nanay mo.
Sinampal ko din siya, para matauhan siya. "Tandaan mo Ma, pagkadating ng panahon, hahanapin mo ako, at pagka't nahanap mo ako, huwag na huwag kang lumapit at humingi ng tulong sa akin! Dahil kahit kailan! Hindi mo ako tinulungan! Ako ang nagtulong sa aking sarili! Ako ang nagsikap na magtrabaho para lang may mabayad ako para sa aking tuition! Mahirap yun! Oo! Pero kinaya ko yun na walang Nanay! Na wala ka! Kaya sana, kapag naghirap ka! Kayanin mo yun na wala kang isang anak na babae na nangangalang Cassandra Montenegro!" sigaw ko sa kanya.
Sinampal ko ulit siya sa kabila. "Sana matauhan ka nito! At sana, maramdaman mo din yung paghihirap na ginawa ko para lang ipagyabang mo ako sa kaibigan mo, pero hindi nangyari yun. Okay lang. Kalimutan mo na ako, Ma. Kalimutan mo na may anak kang isang babae na nangangalang Cassandra. Kalimutan mo na." sabi ko at lumabas na sa classroom.
Tumingin muna ako sa classroom and smiled bitterly. I left them, I finally left my family and studies. I left them, speechless.
YOU ARE READING
Hatred vs Love
Teen FictionThis is a story about a boy and a girl. The boy, who was loved, adored, liked, and idolized. While the girl, who was hated, abandoned, and bullied. One day, the girl decided to transfer to a school in Valencia. The nect months went by, the boy was i...