CHAPTER FOUR

12 3 1
                                    

*

**

***

****

Nangibabaw ang mga bulungan sa aking paligid...

"A... Anak,alam mo namang hindi maaari ang sinasabi mo, wala pang mapangahas na nilalang mula sa Imperyo ng Dioson ang gustong pumunta at manirahan sa mundo ng mga tao" mahinang sagot ng hari.

"Tsk. Tsk, naisip ko na.. na mangyayari ito, ang pagtanggi niyo sa gusto ko. " naluluha kong sabi sabay alis sa kaharian..

"Anak.. " sigaw nang reyna...

"Hayaan mo, babalik din si Nia, wag kang mag-alala" nalumanay na sagot ng hari sa reyna.

*

**

***

****

Kung saan-saan ako pumunta upang makalimutan lahat ng nangyari, pero hindi pala iyon ganon kadali... Hanggang sa gumabi ay hindi parin ako umuuwi... Nang sandaling mahimasmasan ako, ako'y umuwi din kaagad..

*sa palasyo*

"Mahal na hari, dumating na po ang mahal na prinsesa.. " nakayukong sabi ng isang kawal.

Naglakad ako ng nakayuko at hindi pinansin si amang hari...

"NIA" malakas na sabi ng hari..

Nagulat ako dahil ngayon lamang niya ako tinawag ng ganoon.. Ngayon ko lamang narinig muli ang aking pangalan mula sa mahal na hari..

"Lumapit ka sa'kin, mahal kong anak" malumanay na sabi ng hari.

Tahimik akong lumapit sa hari..

"Nia, nakapagdesisyon na kami ng iyong ina" nakangiting sabi ni ama.

"Papayagan niyo na po ako" sagot ko habang nakakandong sa hari.

"Hindi anak. " sagot ng hari.

Sabay palit ng emosyon sa aking mukha... Aalis na sana ako nang biglang sinabi ni Ina na...

"Anak, ayaw lamang namin ng iyong ama na mawala ka samin,kapag pumunta ka sa mundo ng mga tao, hindi ka na makakabalik dito at hindi na mabubuhay kailan man" umiiyak na sabi ng reyna.

Natauhan akong bigla habang umiiyak... Napatunganga ako sa sinabi ng reyna... Pero hindi yon hadlang upang hindi makapunta sa mundo ng mga tao, matagal na nila akong nakasama... Kaya panahon na para mamuhay ako mag-isa.

"Hayaan niyo nalang po akong makapunta sa mundo ng mga tao" pabulong kong sabi habang tumutulo ang luha.

Hinayaan ako ni Ama at Ina na umalis sa kanilang harapan... Pag-alis ko'y dumiretso agad ako sa aking kwarto...

"Sana hindi nalang ako dito ipinanganak, sana sa mundo nalng ng mga tao... SANA.. HINDI NALANG AKO NABUHAY,kung ganito din naman ang mangyayari,wala namang kwenta ang aking pagiging prinsesa.." umiiyak kong sabi...

Tuloy parin ako sa aking pag-iyak at nakatulog na ng hindi ko namamalayan....

*Kinabukasan*

Nagising ako sa sikat ng araw... Lumabas agad ako ng kwarto at nagulat sa mga nakita ko. Isang mintrista ang nasa palasyo... Mintrista ang tagabukas ng portal papunta sa iba't-ibang mundo

Tinawag ako ng hari papalapit sa kanya...

"Anak, masakit man sa amin ng iyong ina ang desisyon mo,.... " puto na sabi ng hari.

My Princess From The Other WorldWhere stories live. Discover now