CHAPTER FIVE

15 3 0
                                    

*

**

***

****

SAIYA'S POV

Nakarating na ako sa mundo ng mga tao... Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, sisigaw ba ako? Maglalaro? Tatalon dahil sa sobrang saya? sobrang gulo ng aking isipan..

"Ano na ba ang gagawin ko? nandito na nga ako sa mundo ng mga tao, wala naman akong magawa na gusto kong gawin. "

Napansin ko na iba ang aking kasuotan sa lahat ng mga tao dito... Pero naalala ko ang sinabi ng mintrista na walang gagamit ng mahika... Pero naisip ko rin na wala namang makakakita sa akin kung gagawin ko iyon. Ginaya ko ang mga kasuotan nang isang binibini na aking nakita..

"Ngayon, maayos na ang aking kasuotan. Matitirahan na lamang ang aking hahanapin" nakangiti kong sagot. Hindi kaya ng aking mahika ang paggawa ng bahay..

May isang lalaking dumaan sa aking harap at pinigilan ko ito upang magtanong.

"Maaari mo bang sabihin kung saan ako pwedeng manirahan" tanong ko sa lalaki.
"I don't understand what your sayin', english plss" sagot sa'kin ng lalaki.

*Ano ang kanyang sinasabi? * tanong ko sa aking sarili. Natulala ako dahil hindi pala kami nagkakaintindihan. Hindi ako nakasagot kaya agad din siyang umalis. Mayroon pang isang lalaki nadadaan ngunit may kasama itong babae.

"Maaari mo bang sabihin kung saan ako pwedeng tumira? " tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ahm, mukha ka namang mayaman kaya kung gusto mo sa hotel ka nalang tumuloy" nakangiting sagot nang babae.

*ho-tel? * nakayukong sabi sa aking sarili.

"Saan po ba ang sinasabi ninyong hotel? " tanong ko.

"Iyan po ang hotel" sabay turo ng babae sa kaliwa.

"Ay sige po salamat" sabi ko.

Naglakad ako papalapit sa tinuro niyang gusali. Antaas, ganito pala ang itsura ng hotel. Nagtataka lamang ako kung bakit niya ako tinawag na *mayaman* ano kayang ibig sabihin non.

"Ito pala ang hotel" Nagtataka kong sabi.

Pumasok ako sa loob ng gusali at naglakad padiretso nang may humarang sakin.

"Teka lang po, miss" sabi sakin nung lalaking nakasalamin.

"Bakit po? Tirahan po ito ng mga walang matuluyan diba? " natataka kong tanong.

"Oo nga po, ang akin lang po,nakacheck-in na po ba kayo dito? " malumanay na tanong ng lalaki.

"Ch.. Check-in? Ano yon? " nagtataka kong tanong.

"Hay" sabi ng lalaki at pinalo ang kanyang noo. "Kung hindi pa po kayo nakacheck-in, please proceed to front desk nalang po para nakatuloy na po kayo. " nakakunot noo na sabi ng lalaki. Itinuro niya sakin ang front desk na sinasabi niya at nakipag-usap ako sa babae.

"Hello Ma'am Goodevening, ano po ang maitutulong ko? " malumanay na tanong ng babae pero hindi ko alam yung sinabi niya sa una.

"Gusto ko ng matitirahan" nakangiwi kong sagot.

"Anong klaseng room po Ma'am? " tanong sa akin.

"Ano ba namang klaseng tanong iyan, malamang ung bahay na may bubong, ding-ding, may pintuan at bintana!! " nagalit kong tanong.

My Princess From The Other WorldWhere stories live. Discover now