Chapter 18

94.2K 1.7K 36
                                    

"Say ah." I giggled.

"Do you have any plans, tomorrow?" Sex asked me before taking the last bite of chocolate. Umiling ako. Wala naman akong plano kahit ano.

Kakauwi lang namin kahapon galing sa one week vacation kasama pa rin sila Six. Naunang umuwi si Blade dahil may aasikasuhin pa raw siya. Hindi rin natuloy yung plano ni Sex dahil araw-araw inaabala kami ng mga kaibigan at kakambal niya.

Busy si Sex ngayon pero mas ginusto pang gawin na lang ang trabaho sa bahay kaysa sa opisina niya. Kaya eto kami ngayon, nakatutok siya maghapon sa laptop habang ako nanonood lang sa TV.

"Let's buy groceries tomorrow then." Hindi ko nasagot ang sabi ni Sex dahil patuloy akong nakikinig ng balita at hindi maalis ang tingin ko sa mag-asawang umiiyak habang ini-interview.

"Kung may nakakita man po sa anak ko, sana po ipaalam niyo po kaagad sa amin. Ilang linggo na po siyang nawawala at wala kaming balita. Hindi na kami makatulog ng asawa ko kakahanap at kakaisip sa kanya." Umiiyak na sabi nung Ginang. Niyakap siya ng asawa at inalo.

Mr. and Mrs. Rico Puerto.

Nang mabasa ang apelyido nila parang naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung ano 'tong nararamdam ko. Imbes na awa, nakaramdam ako ng takot. Takot na parang ang tagal ko nang naramdaman.

"Hey," nabalik ang wisyo ko ng haplusin ni Sex ang kamay ko, kita ang halo-halong emosyon. Pag-aalala, pagtataka at takot. "Bakit umiiyak ka nanaman?"

Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko at pilit na ngumiti. "Napuwing lang."

"Hindi ako naniniwala." He said. Marahan akong hinila at pinaupo sa hita niya. Sinara ang laptop. Ang isang kamay niya ay nasa bewang ko, tinutulungan ibalanse ang sarili ko. Siniklop niya rin ang takas kong buhok sa aking tainga.

"Problem?" He whispered. Hinalikan ang noo ko.

"W-wala." Sagot ko at umiwas ng tingin. I closed my both fist and suddenly, I cried.

"Hush, baby . ." Pag-aalo niya sa akin ngunit hindi ako matigil sa pag-iyak. Bakit ba ako umiiyak? Wala naman kaming problema. Ano bang iniiyak ko?

"May nangyari ba?" Nag-aalala niyang tanong. Marahas akong umiling. Naninikip ng sobra ang dibdib ko at sumasakit ang ulo ko.

"Tama na po." She cried.

"Ayan ang bagay sayo! Manang mana ka talaga sa ina mo!"

Tama na. Ano ba 'to? Sino ba sila?

"Baby," napadilat ako pero nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha at hilo. Parang umiikot ang paligid ko. Napakapit ako sa braso ni Sex para hindi matumba.

"Wala kang kwenta! Mas mabuti pang sumunod kana sa nanay mo!"

"Martha, tama na."

"Pipigilan mo 'ko? Bakit, kaano-ano mo ba yan? Anak lang naman yan ng kabit mo!"

"T-tulong . ." Nanghihina ako, grabe ang pinagsabay na sakit ng ulo at dibdib ko, Hindi ko kaya. Sa isang iglap, ang huling narinig ko nalang ay ang pagtawag sa akin ni Sex at ang pagdilim ng lahat.

"Okay na siya sa ngayon, pero iwasan mo muna ang mga bagay at pangalan na makaka-trigger sa kanya. 'wag natin siyang biglain. Hayaan natin na siya mismo ang magsabi sa atin."

"W-wala naman akong ginawa. Okay kami. Wala akong sinasabi na kahit ano."

Dinilat ko ang mata ko pero agad din napapikit dahil sa liwanag. Pinilit kong tumayo pero agad akong dinaluhan ni Sex.

"Careful," mariin niyang sabi sakin pero tinulungan naman ako upang makaupo ng maayos.

"Feeling okay now?" Napatingin ako kay Six na seryosong nakatingin sa akin. Tumango kaya nginitian niya ako. Bumuntong hininga siya bago lumapit sa amin ni Sex.

"Kung kaya mo, can you answer my questions?" Marahan niyang tanong. Nag-aalalang tumingin sa akin si Sex. "Pero kung hindi mo kaya, hindi kita pipilitin sa ngayon."

Napalunok ako at pilit inalala ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. Yung mga pangyayari sa isip ko na hindi ko alam kung bakit naganap. Marahan akong tumango.

Tumango din si Six. Hinanda ang unang tanong. "Sex told me na okay naman kayo bago mangyari ang lahat. Can you tell us kung may iba pang nangyari?"

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko bago sumagot. "Nagta-trabaho lang si Sex tapos ako nanonood ng news. Then may mag-asawa na-interview, humihingi ng tulong para doon sa anak nila na nawawala," nakita ko ang pagkunot ng noo nila parehas.

"Then?"

"Hindi ko naman sila kilala, hindi sila pamilyar sa akin pero nung nabasa ko yung apelyido nila, b-bigla nalang ako nakaramdam ng takot." Pag-amin ko.

"Kung okay lang sa 'yo, ano yung pangalan na nabasa mo?" Six asked.

"Rico puerto. Mr. and Mrs. Rico Puerto."

Nagkatinginan sila na para bang may nasabi akong masama. Humigpit ang hawak ni Sex sa kamay ko. Niyakap ako at hinalikan ang buhok ko.

"Everything will be alright." Bulong niya sa akin.

"I knew it," Sigaw ni Six at narinig ko pa ang mumunti niyang mura. "I'll call blade." Paalam niya at tinapik ang kapatid sa balikat. Naiwan kami ni Sex sa kwarto. Nanatili sa aming pwesto.

"I love you . ." He whispered.

"Ano bang nangyayari? Mayroon ba akong hindi alam?" Tanong ko, pilit tinitingala siya pero pinipigilan ang ulo ko.

"Stay still." His voice broke.

"I'm sorry," napapikit ako sa mga haplos at halik niya sa buhok ko. "Wala ako sa tabi mo. Hindi kita naprotektahan."

"Baby," I said softly. "Stop crying." Naninikip nanaman ang dibdib ko, lalo na nang makita ko ang namumula niyang mata at basang pisngi. Naupo siya at yumuko, hinahalikan ang mga palad ko.

"I'm really sorry." He cried.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon