Chapter Fifteen

215 12 0
                                    

Good morning, princess. x

Good morning! Ang aga ah. Akala ko mamaya ka pa gigising. 4am ka na rin nakauwi dahil sa work, 10am pa lang...

Working late @ night til early in d morning kinda sucks but I couldn't sleep. I'm excited to b w/ u again.

Kakakita lang natin last sunday tapos lagi na tayo nag-uusap ulit. Magkatext pa tayo kagabi...

It's coz b4 we met again last sunday we haven't seen each other in 4 mos. I always miss u, u know.

Sorry, kasalanan ko... I thought I did the right thing pero hindi pala kasi namiss din kita...

It wasn't ur fault. I was an ass to u & I'll always regret that. Btw, we r still on for dinner later, right?

Of course we are. Pero baka matagalan ako ha? Nasa layasan kasi kami, di ko sure ano oras kami makakauwi.

With ur family? Where r u @?

Yep. Sa mall. kunwari may imi-meet sila ate pero may bibilin talaga sila para sa kids. Sumama na kami para sa labas na kami mag-lunch.

That sounds nice. I hope I get to meet ur family soon. Btw, which mall r u gonna b @?

Tumingin ako sa mga kasama ko sa loob ng kotse - sa katabi ko na sina Mama at pinsan ko na si Nari, sa tatlong pamangkin ko na nasa likod at nagkukulitan, at kina Ate Bernie at Kuya Jay na nagda-drive. Nagkakaroon kami ng misunderstandings, minsan nagre-result iyon sa sigawan at hindi pag-uusap ng ilang araw, pero mahal ko sila at hindi ko sila pagpapalit kahit saan o kanino pa. Kaya naman, natutuwa ako na gusto ni Reid na ma-meet sila. Madalas ko sila makwento sa kanya at gusto ko talaga na ipakilala siya sa kanila kaso nag-aalangan ako at hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin nang hindi magiging mas complicated ang sitwasyon naming dalawa.

May mix to negative opinion ang pamilya ko kay Macky. Plastik, matapobre, kuripot, at feeling cool ang tingin nina Ate Bernie at Kuya Jay sa kanya. Si Mama, minsan, naaawa dahil sa mga drama ni Macky sa buhay. Si papa naman, sa pangalan lang siya kilala. Bata pa ang mga pamangkin ko para magpasa ng sound judgement at hindi ko na masyadong pinapakinggan ang opinion ni Nari dahil madalas ito mabulag sa kagwapuhan ng isang tao - at tingin nito ay gwapo si Macky - kaya wala itong pakialam kung maganda ba ang personality ng boyfriend ko o hindi.

Alam ko na huhusgahan din nila si Reid kapag napakilala ko na siya pero alam ko rin na magiging positive ang opinion nila tungkol sa kanya. Nag-aalangan lang ako na sabihin sa kanila ang tungkol sa kanya dahil hindi pa rin malinaw sa akin kung ano nga ba ang gusto kong mangyari at baka mapilitan pa ako na aminin sa mga mahal ko sa buhay ang tungkol sa pangangaliwa noon ni Macky kapag nagsimula na ako magkwento. Ayoko naman na lumala ang tingin nila sa boyfriend ko at pagtulakan na lang nila ako kay Reid samantalang hindi pa naman ako lubos na nakakasigurado sa kanya.

Pero, deep down, gusto ko na maging malapit siya sa kanila and vice versa kapag napakilala ko na siya sa kanila. It would be awesome if he would treat my family as his own, hindi katulad ng ginagawa ni Macky.

Kinakausap naman ng pamilya ko si Macky at nakikipagbiruan siya sa kanila pero iba ang treatment nila sa isa't-isa; they were keeping him at arms length and he wasn't really trying to get close to them. Hindi ganoon ang gusto ko.
I wanted them to treat him as a part of our family. Kaso lang, hindi iyon nangyari. Kasi naman, in order for that to happen, he should at least express the desire to be one of us. He never did, after all these years. Hindi ko sigurado kung aware ba siya sa distance na binibigay ng pamilya ko pero alam naman niya kung gaano sila kahalaga sa akin. Hindi ko nga lang nakikita na pinapahalagahan niya rin sila.

The Improbability Of Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon