Chapter 1

21 0 0
                                    


Yung nasa taas na photo ay si Blakeeeee aka The Gwapong Macho (sabi niya HAHAHA)~

------------------------------------------------------------------------------------

Minsan hindi masaya mag-mahal. Sa pag-mamahal dyan pumapasok yung reality na ma-e-experience mo kung paano masaktan, maiwan sa ere, ipag-palit sa iba, hindi suklian yung pagmamahal na binigay mo. Sa pag-ibig hindi pwedeng palagi kang masaya, dahil ang saya ay ka-kambal ng kalungkutan.

Ang pag-ibig parang test lang yan, pipili ka kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo. Example, may dalawang choices. It's either pipiliin mong masaktan o pipiliin mo yung alam mong tama, na lumaban para sa taong mahal mo. Mahal mo nga kasi diba? Ikaw ang pumipili kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo. Hindi ang tadhana, hindi ang Diyos, at hindi din ang mga taong naka-paligid sayo.

Kapag nasaktan ka, nasaktan ka na. Hindi mo na iyon mababago at mababawi pa ng isang 'sorry' lang. Gustuhin mo man o hindi ay mangyayari parin 'yon dahil sa pag-ibig hindi mo maiiwasan maka-sakit o masaktan. The damage has been done. If I were you I would think twice, before I decide. Dahil minsan dahil sa pagiging padalos-dalos natin, di natin alam mali na pala 'yong ginagawa natin.

All you have to do is move on. Forget the past because it will distract you from the present. MOVE ON. It's just a chapter IN THE PAST. But don't close the book, just TURN THE PAGE.


"Sky anak?" napa-tigil ako sa pagbabasa ng libro. "Ma? Bakit po?"  Napatingin ako kay Mama, napansin ko ang kagandahan ni Mama. Hindi parin kumukupas ang taglay na ka-gandahan ni Mama. Aba! Sakanya ata ako nag-mana.

 "Anak nasa baba si Aki. He wants to talk to you." napa-taas ang kilay ko ng marinig ko ang pangalan ng pinaka-iniinisan kong lalaki sa buong universe. Si Aki na naman? Hindi ba niya maintindihan na ayaw ko na siya makita at makausap? Matigas talaga siya ah?

"Ayokong kausapin si Aki." tipid na sagot ko. Bumalik ako sa pag-babasa ng libro at hindi na inisip ang ex kong mukhang aso na si Aki. Malaki ang galit ko sakanya dahil iniwan niya ako, without saying one valid reason. 

"Anak, bakit hindi mo pag-bigyan ng chance si Aki mag-explain? Hindi naman niya sinasadyang gawin yun sayo." Kaya mo nasasabi yan Ma, kasi hindi naman ikaw ang nasaktan, pina-iyak, at iniwan. Hindi ikaw ang pinag-palit sa iba. 

Nilapag ko na lang  niya ang libro sa study table ko at nahiga na lang sa kama. Mas gusto ko pa matulog kaysa pag-aksayahan ng oras ang walang kwentang ex ko no.


Nagising ako dahil sa sobrang lamig, nakalimutan ko kasi patayin yung aircon bago ako maka-tulog. Aish! Dali-dali akong tumayo at pinatay ang aircon. Then suddenly tumunog yung tyan ko, hudyat na gutom na ang alaga kong dragon sa tyan. Aish! Dapat pala kumain muna ako bago natulog! Ka-azar! Nasayang tuloy ang oras ko. Kasalanan to lahat nu'ng impaktong 'yon!

Naisipan ko bumaba para sana kumain, ngunit bubuksan ko palang ang pintuan ay bigla na 'tong bumukas.

Nagulat ako ng makita si Aki sa tapat ng pinto. "What are you doing here?" kumulo agad yung dugo ko ng makita ang pagmu-mukha ng lalaking nang-iwan sakin for some unknown reason. Yeah! He left me without even saying his fvcking reason.

Nangangati ang kamay ko at gusto ko itong sunggaban ng sapak. Ang kapal talaga ng pagmumukha nitong lalaking to! Sa sobrang kapal nahiya na pati yung encyclopedia na libro aish!

Heart: If I know, kung inlove ka parin sakanya hanggang ngayon hindi mo masasabi na panget siya. Instead, you'll say na ang pogi niya right?

Shut up! Aish.

Somebody To LoveWhere stories live. Discover now