"HOY!! TAKTE KA!! MANGANGANAK NA AKO!!!" sigaw ni mama.
"Teka lang hon tatawag ako ng tricycle." nagmamadaling sabi ng tatay ko.
"Hoy! Wag mo akong ma hon-hon diyan! Di ka na makakaulit sakin!!" sabi ni mama habang hawak ang kaniyang tiyan.
"Hon naman, diba pangarap natin magkaron ng isang dosenang anak?" tanong ni papa na parang nagmamakaawa.
"Tut mo gagu." sagot ni mama.
Maya-maya dumating na yung tricycle at agad din silang pumasok.
Well nauna pang pumasok si tatay.
"Hoy! baka pwedeng ako muna?" tanong ni mama kay papa na prenteng nakaupo na sa loob ng tricycle.
"Ay oo nga pala, sige una na you." sagot ni papa at nahihiyang lumabas ng tricycle.
Habang papunta ng hoslital... naiiyak si mama hindi lang dahil sa sakit kundi narin sa sayang kaniyang nararamdaman.
...............................
"Ma'am?" tawag sakaniya nung doctor.
"It's a girl" masayang sabi ng doctor at ibinigay kay mama ang sanggol.
Agad namang inabot ni mama ang baby at hinalikan.
"Hon?" tawag ni papa kay mama.
"Ano? sinira mo moment ko oh." sagot ni mama kay papa.
"Uhh ano yung sinabi nung doctor? hehe di ko naintindihan." pagpaliwanag ni papa.
"Hehe di ko din alam. Importante nakalabas na tong pakwan na to." sabi ni mama habang pinisil ng marahan yung pisngi nung baby.
Ang ingay nila sa totoo lang. Kanina ko pa sila naririnig na nagbabarahan eh.. well actually di lang kanina, araw-araw pa jusq.. Buti nalang nakalabas na ako sa madilim na kweba.
...............................
(Fast Forward)
I'm 17 now... And I'm not happy anymore sana pala di na ako lumabas kay mama... I mean, ako lang ba? ako lang ba yung may karamdaman na ganto? I just want to live a normal and happy life. Lahat naman siguro tayo pinangarap magkaroon ng simpleng buhay.
Ang parents ko lang ang nakakaalam sa sitwasyon ko dati pero wala na sila ngayon. They're gone. Wala na akong nalalapitan, Napapakinggan,Nasasandalan, at Nayayakap.
And it is because of me. Tecnically.
Sa tuwing makakaharap ko ang isang tao, kahit di man kami magkatitigan.. Nakikita ko ang hinaharap niya; hindi yung boobs ah... Yung future. As well as the past.
At nakita ko yun kanila mama at papa when I was 7 years old.
At a very young age wala akong nagawa. I didn't know what to do. Duwag ako, natatakot ako.
Andami ng umampon saakin. Nagpalipat lipat na ako ng bahay. I don't have any relatives na malapit lang sakin, at kung meron man siguro namayapa na din.
As far as I know nag iisa nalang akong "Feyre"... some people find it very unique since ako na nga lang ang natitira. siguro.
10 years na ang nakalipas pero heto paulit ulit na sinisisi ang sarili sa pagkamatay nila. Hindi pa nila natutupad yung isang dosenang anak nawala na agad sila.
Andito ako nakaupo sa puntod nila. Wishing na sana ako nalang yung nandun.
Ewan ko ba, gusto kong mabuhay pa... pero pagod na ako. Sleep, Drink, Eat, and other happy things doesn't help.. if it's my soul that's tired.
Heto.. kaya ko pala. Kinakaya ko. Kakayanin ko. Kung ganto binigay sakin tanggapin ko nakang diba? wala pa din naman magbabago kung mag iinarte lang ako. lol.
.
.
.
.
.Ngayon nag papart time ako sa isang fast food chain. Sobrang hirap, hindi dahil sa madaming gawain... kundi dahil sa maraming tao.
On my left eye, I can see the past and the future. Nakokontrol ko kung ano man yung gusto kong makita sa isang tao.
And on my right eye, dun ko nakikita ang present.
Right now all I can see is that there is something bad going to happen.
Dali-dali akong lumabas at pumunta sa fire exit na papuntang security office.
"Woooh! pota kapagod!" sigaw ko at nagpahinga saglit. Jusq sino bang hindi diba?
"Miss anong kailangan mo? tsaka bawal outsiders dito ah." sabi nung isang security at agad akong nilapitan.
Base sa nakikita ko... mayaman siya dati kaso nalugi ang negosyo kasi nag susugak siya cliché past. Pero in the future... I can see na magiging masaya siya.
"Sir nagtatrabaho po ako dito, ito oh sa jollibee... bida ang saya~ hehe." paliwanag ko at pinakita ko ang I.D ko
Takte kinantahan ko pa siya ah.
"Alam ko, halata naman.. kaso neng mga security lang pwede dito kaya umalis ka na dito." sabi nung security at tinulak ako palabas.
"Sir may kailangan kayong malaman, lalo na ang head niyo." paliwanag ko.
"Miss makinig ka nalang." sagot niya at hinatak na ako.
"Sir nakikipagusap ako ng maayos oh! kailangan ko makalapit sa head niyo!" sigaw ko at binawi ang kamay ko sakanya.
"Anong nangyayari dito?" Nagulat ako nung biglang may nagsalita.
Napalingon ako sa likod ko at nakita si Chief.
"Waaahhhh chief inaaway niya ako." sabi ko at tumakbo sakaniya na nagkukunwaring umiiyak.
As usual, Ganun pa din. Mapait din ang nakaraan ni Chief pero in the future magiging masaya siya.
"Bakit naman hindi mo agad sinabi na nandito si Iris? Di sana pinapasok ko na siha agad." sabi ni Chief kay... sino ba yun?
"Eh chief pasensya na po di ko alam." paliwanag niya.
Yan kasi. Bida bida eh.
"Sige na! bumalik ka na sa trabaho mo." sagot ni Chief sakanya.
At agad din siyang umalis. Buti ngaaaa sayo.
"At ikaw." napatigil ako sa pangaasar dun sa security at napatingin kay chief.
"Anong mangyayari?" tanong niya.
Yup, alam niya.
Napangisi ako. Mukhang isang bakbakan nanaman to ah.