Chapter Two

62 3 1
                                    

Chapter 2

Abala ang dalawa sa pagkakalikot ng sasakyan ng dumating ang Uncle Rey nila.

“Bakit nandito pa kayong dalawa? Dapat nagpapahinga na kayo para bukas.” Bungad ng kanilang tiyo.

“Tinatapos lang namin ito tiyo Rey para testing na lang ang gagawin namin bukas” sagot naman ni Kit.

Nagbihis naman ng over-all Jumpsuit ang Uncle Rey nila para matulungan sila sa kanilang ginagawa.

“Akin na yan at ako na ang susuri.” Wika ni tiyo Rey.

Konting sipat lang ng kanilang tiyo ay alam na niya kung ano ang problema, inayos ang grounded na wire ng engine at inutusan si Kit na paandarin gang sasakyan.

“Bilib talaga ako sa’yo tiyo Rey.” Wika ni Nick ng marinig ang maayos na tunog ng sasakyan.

“Oo na, huwag niyo na akong bolahin. Umuwi na kayo at gabi na” nakangiting utos ng kanilang tiyo.

Agad naman nagbihis ang dalawa at nagpa alam na sa tiyuhin. Mag a-alas diyes na ng gabi ng makarating sila sa compound na kanilang tinutuluyan.

Nagpa-alam ang dalawa sa isa’t-isa at nagkanya-kanya na ng pasok sa kanilang tirahan. Sana hindi nalaman ni lola na kami yung nakipagbarilan kanina. Wika ni Nick sa sarili.

Dahan-dahang siyang pumasok sa kaniyang kwarto at muling nilinis ang sugat at nagbihis ng pantulog ng biglang tumunog ang cellphone nito. Hinagilap na muna niya ang kanyang cp kung nasaan, naiwan pala niya ito sa bulsa ng pantalon na hinubad niya kaninang maligo siya bago naghapunan.

“Hello” sagot nito.

“Nasaan ka bang lupalop ng mundo naroon at ‘di mo man lang masagot ang cellphone mo!” galit na bungad ng nasa kabilang linya.

Saglit na napaisip si Nick kung sino ba ang nasa kabilang linya, ‘di niya ito mabosesan kaya nagtanong siya kong sino ito.

“I’m sorry, who’s on the line pls.”

“Ano ka ba, ‘di ba may usapan tayong magkikita ngayong gabi sa Theatre ng School?” sagot ng nasa kabilang linya.

Heck! Sambit ni Nick sa kanyang isipan ng maalala kong sino ang babaeng kausap niya ngayon. Napabuntong hininga din siya ng maalala ang unang banggan nila sa school noong lunes.

No way! Tutol ni Jessie sa kanyang isipan, parang pinagsakluban siya ng langit at lupa ng malaman niyang ang kanyang makakatabi sa Filipino Class nila ay walang iba kundi ang terorista ng campus. Ok, sige na nga, bad boy lang. Agad niyang bawi sa tawag niya dito na terorista, ang totoo kasi di pa naman niya ito nakikitang nakipag-away sa campus kaya palaisipan pa rin sa kanya kung bakit kinakatakutan siya ng mga mag-aaral sa eskwelahang kanilang pinapasukan.

“Ehem!” tikhim ng isang mag-aaral na ngayon ay nakatayo sa tapat ng kanyang kinauupuhan na kanya naman ikinagulat.

“Yes?” mataray niyang tanong sa lalaki.

“Baka gusto mo nang lumipat sa upuan kung saan ka man natapat kasi ang iyong inuupuan sa ngayon ay natapat sa aking pangalan.” Mahabang paliwanag ng lalaki. Bigla naming natauhan si Jessie ng maalalang kailangan nga pala niyang lumipat.

“Sorry.” Maikling sagot nito sabay tayo at alis sa upuan na iyon saka tinungo ang upuhang nakatalaga para sa kanya.

Pagka-upo pa lang niya sa sa tabi ng lalaking kinaiinisan niya ay agad siyang pinagmasdan nito. Iniwas naman niya ang kanyang paningin at kunyaring nag pay attention lamang siya sa Filipino Teacher nilang si Ms. Reyes. Ngunit kahit sa gilid lang ng kanyang mata ay alam niyang pinagmamasdan pa rin siya nito at ‘di lang pinagmamasdan, sinusuri din yata niya ang bawat parte ng kanyang katawan na siya namang nagpainit ng kanyang nararamdaman, animo’y laser ang mga mata nito sapagakat para siyang sinisilaban sa ginagawang pagsuyod ng tingin ng lapastangang lalaking ito sa kanya. Dahil ba alam niyang ‘di siya mag re-react kasi nga takot ang lahat sa kanya. Di niya tuloy maiwasang maasar sa ginagawang ito ng lalaki kaya hinarap niya ito sabay tapon niya sa lalaki ng pamatay niyang irap. Kung nakakamatay lang siguro talaga ang irap niyang iyon, sigurado niyang dead-on-the-spot ang lapastangan na ito.

I Love You Like a Love Song by Jhay & PomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon