I Love You Like a Love Song by Jhay & Pom Teaser/Sneak Peek

118 5 9
                                    

I Love You Like A Love Song

 by Jhay & Pom

Teaser

Meet Jessica Sebastian, smart, beautiful, and socialite heiress. She lives a perfect life with perfect family and friends in a perfect world of richness. Men go crazy about her especially when she shows off her seductive smile.

Then here comes Mr. Trouble, the bad boy gangster, the fearless Nicholas Barcelona. A tough serious looking guy that the least thing he want to do in his life is to smile.

Jessica hates bad guys like nick.

Nicholas hates socialite girls like Jessie.

But together, they found the most unforgettable lovestory. A lovestory like a love song. Magical. Lyrical. Beautiful.

Sneak Peek

No way! Tutol ni Jessie sa kanyang isipan, parang pinagsakluban siya ng langit at lupa ng malaman niyang ang kanyang makakatabi sa Filipino Class nila ay walang iba kundi ang terorista ng campus. Ok, sige na nga, bad boy lang. Agad niyang bawi sa tawag niya dito na terorista, ang totoo kasi di pa naman niya ito nakikitang nakipag-away sa campus kaya palaisipan pa rin sa kanya kung bakit kinakatakutan siya ng mga mag-aaral sa eskwelahang kanilang pinapasukan.

“Ehem!” tikhim ng isang mag-aaral na ngayon ay nakatayo sa tapat ng kanyang kinauupuhan na kanya naman ikinagulat.

“Yes?” mataray niyang tanong sa lalaki.

“Baka gusto mo nang lumipat sa upuan kung saan ka man natapat kasi ang iyong inuupuan sa ngayon ay natapat sa aking pangalan.” Mahabang paliwanag ng lalaki. Bigla naming natauhan si Jessie ng maalalang kailangan nga pala niyang lumipat.

“Sorry.” Maikling sagot nito sabay tayo at alis sa upuan na iyon saka tinungo ang upuhang nakatalaga para sa kanya.

Pagka-upo pa lang niya sa sa tabi ng lalaking kinaiinisan niya ay agad siyang pinagmasdan nito. Iniwas naman niya ang kanyang paningin at kunyaring nag pay attention lamang siya sa Filipino Teacher nilang si Ms. Reyes. Ngunit kahit sa gilid lang ng kanyang mata ay alam niyang pinagmamasdan pa rin siya nito at ‘di lang pinagmamasdan, sinusuri din yata niya ang bawat parte ng kanyang katawan na siya namang nagpainit ng kanyang nararamdaman, animo’y laser ang mga mata nito sapagakat para siyang sinisilaban sa ginagawang pagsuyod ng tingin ng lapastangang lalaking ito sa kanya. Dahil ba alam niyang ‘di siya mag re-react kasi nga takot ang lahat sa kanya. Di niya tuloy maiwasang maasar sa ginagawang ito ng lalaki kaya hinarap niya ito sabay tapon niya sa lalaki ng pamatay niyang irap. Kung nakakamatay lang siguro talaga ang irap niyang iyon, sigurado niyang dead-on-the-spot ang lapastangan na ito.

LIHIM na sinusulyapan ni Nick si Jessica sa kanyang inuupuan ng sabihin ni Ms. Reyes na si Jessie ang makakatabi niya. Binago kasi ng guro ang seat arrangement nila kahit pa ang lahat ay inukupa na ang pwesto na gusto nila, ginawa niya itong salitan, lalaki tapos babae pagkatapos ay lalaki ulit hanggang matapos. Ascending alphabetically ang arrangement sa lalaki at Descending naman ang sa mga babae. At siya na yata ang pinakamalas na lalaki sa klase dahil ang makakatabi niya ay walang iba kundi ang sosyalerang mayaman na akala mo’y di makabasag pinggan sa hinhin niya kung tumawa. Sigurado naman kasi niya na sa lifestyle niya ay siguradong di na ito birhen pa. Tapos kung maka-arte wagas. Para bang siya lang ang kumakain ng ham pag pasko. Haist! Buntong-hininga nito.

Nang Makita niyang papalapit na ito sa kanyang kinaroonan ay ‘di niya maiwasang ‘di pagmasdan ito, maganda siya walang duda. Sleek and shiny hair, naalala niya tuloy ang commercial dati ni Sandara Park na shampoo, walang sabit ‘di tulad ng iba. Lihim naman siyang natawa sa isiping iyon, kung tutuusin malayong-malayo ang itsura niya sa Korean Actress na iyon. Nasa prominenteng pamilya kasi ang dalaga kaya mas lamang ang dugong espanyol nito. Sinuri niyang mabuti ang bawat parte ng katawan ng dalaga, mula sa kanyang mala anghel na mukha, ang nakaka-akit niyang buhok na para bang ang sarap haplusin at padulasin ang mga hibla nito sa pagitan ng iyong daliri, her Athena-like grayish eyes, her red lips, her cute nose, her body, yes, a body he had never admire before is right in front of him, her porcelain-like skin. Jezz, she’s pretty damn hot! Bulong niya sa kanyang isipan, kahit na inirapan niya siya nito dahil sa kanyang ginagawa ay di niya talaga maalis ang kanyang paningin sa dalaga.

I Love You Like a Love Song by Jhay & PomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon