Mccoy's POV
Hi ako pala si Mccoy, short for Marc Carlos. 17years old na po ako. Transferee po ako sa De Leon University. Papasok na po ako ngayon doon. May kaibigan po ako, sina Nikko at Edward. Kasama ko silang mag transfer sa DLU.
*pagdating sa school*
"Angganda pala dito, tsaka malaki ang school. Maraming buildings." Sabi ko sa sarili ko.
*beep beep*
May bumusina sa likod ko. Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng entrance sa gate.
"Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw nung lalaki habang naka dungaw ang ulo sa labas ng bintana.
"Ummm.. Sorry po. Hindi ko po sinasadya" saad ko. Bigla siyang lumabas ng kotse.
"Transferee ka ba dito?" Tanong niya sa akin.
"Umm.. Opo" mahinahong saad ko sa kanya.
"Well.. Alam mo ba.." Pinutol niya ang sasabihin niya. "Na ayaw na ayaw ko na humaharang sa dinadaraan ko?!"
*HUK*
Dinaklot niya ang kwelyo ng uniporme ko.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pagmamatigas ko.
*bloggg*
Natumba ako sa lupa. Paano? Sinuntok ako.
"Alam mo ba! Ni isa sa campus na to walang gustong lumaban sa akin?!" Bulyaw nuya sa mukha ko ng nagpapahid ako ng dugo sa labi ko. Ang lakas ng suntok eh!
"Pakialam ko ba?!" Sigaw ko.
"Tigas ka ah!" Akmang susuntukin na niya ako ng biglang may sumigaw.
"TAMA NA!" Sigaw nung babae. Nababa naman nung lalaki ang kamao niya.
Bwiset first day na first day ito agad inabot ko!
Nilapitan ako nung babae, ayy hindi pala. Magandang binibini.
"Ok ka lang?" Nag alalang tanong niya sa akin.
"Aahh..oo..ok lang ako" saad ko.
Itinayo niya ako sabay...
*PAKKKKKK*
Sampal sa lalaki. Tumingin ako sa babae at parang galit na galit siya.
"Ano naman bang kalokohan ang ginawa mo, Jake?!" Sigaw nung babae.
"Eh.. Haharang harang siya sa dinadaraan ko eh!" Parang batang sumbong nung lalaki.
"Nag sorry naman ako diba? Tapos bigla bigla ka lang nang dadaklot ng kwelyo sabay suntok?! Ano ka Tanga?!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
Tumingin ako sa kanya at parang bulkan naman siyang nag aalburoto. Rinig ko naman ang pigilang tawa ng karamihang students.
"Hoy! Totoy! Alam mo bang parents ko ang nagmamay ari sa mga malls, restaurants, condos at iba pa?!" Aba! Maka totoy to ah?!
Ano?! Malls, restaurants, at condos lang?!
"Hoy! Damulag! Alam mo bang parents ko ang nagmamay ari ng lupang tinatapakan mo ngayon?!" Sigaw ko pabalik.
Nanalaki naman ang mga mata nila. Hindi ba nila alam? Oo kami ang nagmamay ari ng university na ito.De Leon nga eh.
"Isa kang De Leon?" Tanong nung babae sa akin.
YOU ARE READING
Mclisse Lovers
FanfictionMahirap nga ba talaga magmahal? Mahirap ba magmahal ka kahit may nasasaktan? Kung ang characters ang tatanungin sigurado akong sasabihin nila 'Hindi lang mahirap nagpapakatanga ka pa!'