I Love My Bestfriend's Lover

157 5 2
                                    

PROLOGUE:

   Sabi nga nila, '' when someone else's happiness is your happiness that is love'' at dahil mo sila lahat gagawin mo, lahat ng suporta ibibigay mo, lahat kaya mong isakripisyo kahit ang sarili mo pang kaligayahan maging masaya lang kasi mahal mo nga diba?

     Pero bakit ganun? kahit masaya ako, meron pa ring parte ng puso ko ang nasasaktan... pakiramdam ko malungkot ako na masaya.. na parang ewan. Yung pakiramdam na gusto mong sabihin lahat lahat ng nararamdaman mo para sa kanya, na gusto mong sabihin sa kanya ang nararamdaman ng puso mo, pero sa isipan mo may pumipigil sa'yo kasi ''our hearts and our minds would never agree with each other when it comes to love''.

      Ano ba yung mas mahalaga... yung sabihin mong nararamdaman ng puso mo o yung itago na lang ito hanggang sa tuluyan itong maglaho?

Chapter 1: Andrea's POV

       Hi po, I'm Andrea Jasmine Rodriguez, 19 years of age, maputi, kikay, 5.6 ang height.. hmm.. matangkad naman siguro yun noh?. Maganda rin ako, hahaha.. I'm living with my mom kasi yung magaling kong daddy, iniwan kami ni mom nong 6 years old pa lang ako. Pero di ko din alam kung bakit niya kami iniwan ng mom ko. Well.. my mom calls me A.J para daw cute, sus! anong cute dun? my friends naman, tinatawag akong Andrea and speaking of friends nandito kami sa canteen ngayon, natutulog. JOKE! e di kumakaeat and nagbobonding kasi tapos na yung exam namin sa Physics at sa lahat ng friends ko, si Miki yung super close ko, kasi she's my one and only bestfriend.

        Mikaella Kris Santos ang pangalan niya, maganda siya, pareho din kaming loka loka pero mabait kami, kikay rin siya kaya nagkakasundo kami.

Andrea: Oy Miki, tulaley ka diyan?

Miki: H..huh.?.. aahh.. hihi.. ang gwapo niya oh! ( sabay nguso ng mahaba)

       Tumingin ako kung saang direksiyon tumungo ang nguso niyang mahaba.. at SHEETA!! ang gwapo nga! kaloka..

Andrea: Hala, tumigil ka nga diyan sa kakapout mo, sige ikaw rin baka maging permanent na yang nguso mo! haha..

Miki: Che! gaga, pero gwapo niya talaga.. I'm gonna make him my guy. harruuu... ayyy!

Andrea: Sige tili ka lang diyan, mapaos ka sana, uy JOKE! oo nga gwapo niya makalaglag ng panty!! hahaha..

Miki: Sabi sa'yo eh.. OWS! sure ka ? nalaglag talaga?

Andrea: Ay sorry, hindi pala.. de garter ata to noh! hahaha

Miki: Adik ka talaga e noh! hahaha..

        Tapos nagtawanan na kami doon at umalis na rin kami kasi may club meeting pa kami sa Glee Club namin. I forgot to tell you  na magaling po kaming kumanta, kaya Glee Club ang sinalihan namin.

           Pagpasok namin ng bestfriend kong si Miki sa room, aba'y merong bumangga sa'kin, then I shooked my head kung sinong loka lokang bumangga sa'kin at pagtingin ko.. wooaahh! isang manananggal ah este isang amerikanang hilaw lang naman.

           Parang fil am yata, mukhang manananggal look alike eh.. kasi naman noh! ang buhok niya kulot tapos napasobrahan pa yata sa volume, yung ngipin medyo may kalakihan, yung mata napaka deep sighted. Sabagay, amerikana eh.. pero ibang klase.. at ito pa ang lips ang pula pula mukhang kakagaling lang kumain ng laman loob. tss.. Hay naku! ang bad ko na tuloy, eh kasi.. naman eh.. hindi ko maiwasan mang okray pag ako ang inagrabyado.

Club Adviser: Okay.. so for now we'll going to sing 2 songs, first one is Price Tag acoustic version at second one is How Deep Is Your Love, okay..

          Oh yeah! I like it, Price Tag ang kakantahin namin, hindi yung price tag na mabilis, yung parang acoustic and dating pareho nung sa Pitch Perfect!<3

              Natapos na yung Price Tag at sumunod naman yung How Deep Is Your Love, hindi kami lahat pinakanta kasi diba isa lang at may back up singers lang, kaya ang pinakanta si... naknang..

si..

Kathryna Smith! yung bumangga sa akin.

            Hmm.. in fairness maganda boses niya pero maganda rin sa akin noh! huh, kala niya!

            Palabas na sana ako kaso biglang SPLASH!!.. tinapunan lang naman ako ng Kathryna na yun ng tubig at hindi pa nag sorry! Akala niya siguro papatalo ako, huh! pwes! it's a big NO NO!

Miki: Oy, tara na! wag mong i stoop down ang sarili mo, hindi mo yan ka level ano!

Andrea: Miki, adik ka ba? di ako loser noh! I'll teach that fuckin manananggal a lesson! ( evil grin)

Miki: Ay naku! bahala ka..

         Nasa tabi ko lang si Miki at yung magaling na Kathryna lumakad na papalayo at dahi sa galit ako at minsan warfreak..

Andrea: Hey you! manananggal!!

        Tapos humarap siya sa akin, hala! narinig ata, lakas naman ng pandinig.

Kathryna: What did you just effin call me? meynanenggal?

      Naks! grabe naman siya, kung maka slang wagas! parang wala ng bukas!

Kathryna: Hey! answer me? huh! you f*ckin bitch!

        Habang sinasabi niya yun palapit siya ako naman paatras. Naku naku! I have to think, ugh... isip...isip.. palusot.. GOTCHA!!

Andrea: a..ah..ahm.. I..I said manananggal th..the tagalog word for REMOVER! Na shock siya sa sinabi ko tapos kinurot ko lang si Miki para makiride.

Kathryna: WTH! me! a REMOVER! Do I look like a REMOVER? GAHDD...

       Hala! naku! naku! another palusot, isip..isip..isip...arghh..wala talaga! nakikita kong nanlilisik yung mga mata niya! GOTCHA! kailangan ko ng ilabas ang hidden talent sa pag-acting! 1..2..3..

Andrea: UWUWUWUWUWUWU( chills)

               UWUWUWUWUWUWU( chills)

        Bwahahaha!! nagulat si Kathryna at natakot ayun tumakbo at silang lahat tumingin sa akin at nagulat! magaling sa pag actingera aketch! ay! naging bakla!

Miki: Oh my gosh! Andrea, huy! Andrea c'mon..what's happening to you?

         Patuloy pa rin ako sa pag chichills at dinala na ako ni Miki sa clinic, bubuksan na sana niya ang door kaso.. pinigilan ko siya.

      

         

        

I Love My Bestfriend's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon