Chapter 3: Kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan

65 3 0
                                    

 Chapter 3: Jacob's POV

       Hi, I'm Jacob del Valle 20 years old, di rin sa pagmamayabang pero gwapo, may anim na tinapay, naks! In short my abs si ako, oh ano! laban ka?!... di hehe joke lang.

       Ahem...ahem...actually matagal ko ng gusto si Miki kaso natatakot at nahihiya ako sa kanya eh.. pero...huy! di ako bading noh!

        Lumabas na ako sa room kasi may try out pa kami ng basket para sa intrams next next week...

       Nasa tapat na ako ng c.r ng makita ko siya. Oh Shet! ganda talaga niya pero sinasabi ng iba na may pagka snob daw siya, sobrang opposite sa bestfriend niyang si Andrea Jasmine, kasi yang daw si Jasmine e.. masayahin yan sa lahat ng tao, palakaibigan, mabait, maganda, mayaman, matalino...nasa kanya na ang lahat at ang swerte siguro ng magiging boyfriend niya.

        Pero mabait naman daw talaga yung si Miki, mayaman, maganda, matalino kasi nga lang snobbish. Sa tingin ko may gusto rin yang si Miki sa'kin. Naks! bumabanat na naman, eh kasi naman nung nagkatitigan kami kanina, makikita mo yung spark at kilig sa mata niya<3<3

           Hay...makapractice na nga lang..

           Pagpasok ko ng gym, sinalubong ako ng mga ka team mates ko.

Vince: Oh pare, ba't parang balisa yang mukha mo dude?

Dino: Oo nga pare anong nangyari sa'yo?

Jacob: Ewan ko ba mga tol, pero..per..

Vince and Dino: Pero ano?

Jacob: Eh kasi tinamaan talaga ako kay Miki eh.. talagang gusto ko siya.

Vince: Huy pare yun lang? tsk.. don't tell me pare naduduwag ka kay Miki ah!

         Lumapit sa akin si Dino at inakbayan ako.

Dino: Alam mo pare, makinig ka.. minsan lang mag advice ang gwapong tulad ko! ARAY!

        Paano ba naman kasi binatukan ni Vince si Dino. Loko loko talaga tong mga to!

Dino: Ahem..ahem..ito na.. alam mo.. wala sa bukabularyo nating mga Machete't Adonis ang pagiging etorps sa mga ganyang bagay. Kaya kung ako sa'yo susunggaban ko na habang hindi pa naagaw ng iba. Wala namang masama kung sabihing gusto mo siya, baka malay mo may guusto rin yan sa'yo at sagutin ka niya.

Vince: Pare, kung gusto may maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan..

Dino: Yun oh! super punch nga diyan pare!

           At ayun nga nag super punch na yung dalawa..

         Nagpractice kami at nung matapos na yung practice namin, napaisip ako at napangiti.. oo nga noh! gusto ko siya, gusto ko si Miki at dahil gusto ko may paraan.

I Love My Bestfriend's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon