Chapter 1

6 0 0
                                    

HER POV

  Ang ganda ng lugar napakalawak at punong-puno ng mga bulaklak at nakatayo ako sa gitna na para bang iniikotan ako nang ibat-ibang klasing bulaklak. Ang hangin ay napakabango at nakakagaan sa pakiramdam

Habang  patuloy kung tinatanaw ang malawak na lugar at inaamoy ang simoy ng hangin ay may napansin akong lalaking nakatayo sa isang puno na ilang kilometro ang layo sa kinaroroonan ko at parang kanina pa nya ako pinagmamasdan.

Dahil sa curiosidad ay naglakad akong ng mabilis para makita ang kanyang mukha at malaman ang kanyang pangalan, habang patuloy akong naglalakad patungo sa kanya ay naglakad na siya paalis kaya tinawag ko siya

" wait!! , teka lang sino ka?"  sigaw ko.
Huminto naman siya at nakatalikod sa akin.

Pinagmasdan ko lang ang kanyang likod, at hindi mo maipagkaka-ila ang matipuno niyang pangangatawan at sigurado akong gwapo ito ...

"Please, humarap ka sa akin" pakiusap ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit gusto kung makita nag kanyang mukha parang may nangu-udyok sakin na dapat malaman ko kung sino ang lalaking ito.

Agad akong kinabahan nang unti-unti siyang humarap sa akin, ito na... Ito na...  Makikita na kita konti nalanggggg!!

Ng biglang

KRING!!!!      KRING!!!!     KRING!!!!

  Shit!!.....  Napabalikwas ako sa aking higaan at napahawak sa dib-dib. Sino ba naman ang hindi, ehh ang ganda na nang panaginip ko dahil makikita ko na ang lalaki na laging ko napapaginipan pero hindi ko naman alam kung anong hitsura non..
 
YES!!..tama kayo nang basa PALAGI ko siyang napapaginipan and thats the first time na nakalapit pa ako sa kanya.Dahil sa previous na panaginip ay lagi lang siyang nasa malayo at nakamasid at sa tuwing lalapitan ko siya bigla na lang siyang mawawala..

A Jerk Who Can't Do Anything Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon