Kenedee North PovPumasok ako ulit sa kwarto para magbihis dahil sinira kanina nila kuya yung buhok at gusot-gusot pa ang damit haaaay..
Humarap ako sa salamit para magpulbo at maglipstick ng konti, hindi kasi ako masyadong maarte sa sarili ko gusto ko yung simple lang pero maganda. Bz ako sa paglalagay ng konting pulbo ng biglang nag ring yung phone ko. Nang makita ko yung caller ay agad ko itong sinagot.
Hindi pa ako na ka hello nang nagsalita ito agad. " Hello north!! Magbihis ka na ngayon dahil pupunta tayo ngayon sa mall para mamili ng school supplies!!" yun na nga ang plano ko ehh na-unahan lang ako ng babaeng to.
"Oo yun din naman plano ko ehh na-unahan mo lang ako haha, wag kang masyadong excited diyan hindi mawawala ang mall" pagsasagot ko ,dahil grabi din ang bunganga ng babaeng to talak ng talak.
" ito naman, na excite lang, tagal na din natin hindi nagkikta ehhh! Oh siya sige tatawagan ko pa yung tatlo bye!" At binabaan pa ako nga phone pambihira talagang babaeng yun.
At yun namam ang kaibigan kung si
Hanah Marie Morgan ,sa barkada namin siya yung napaka dal-dal at kikay sa amin.at may tatlo pa kaming kaibigan na sina Misha Roman ang cute kung kaibigan at party girl sa amin , si Haily Guz-man ang seryoso at parang tomboy kung kumilos at ang kaisa-isa namin na barkadang lalaki na si lowie jonathan Imbina i dont know kung lalaki ba talaga siya o binaba-i .Nagkakilala kami noong mga grade 7 pa lang kami kasi kaming Lima unang pumasok noong first day of school at may pareho kami ng like and dislikes kaya siguro kami nag click as a friends
Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako para makapag-paalam kay mama at papabna pupunta ako sa mall.
"Ma, Pa, pupunta muna ako sa mall para bumili ng mga school supplies" tumingin lang sakin si mama at tumango , salamat naman.
"Sinong mga kasama mo anak?" Tanong ni papa at napukaw ang atensyon ni mama sa akin.
"Ahh mga.." Sasagot na sana ako nang biglang sumabat si kuya south .
"Siguro kasama mo boyfriend mo bunso no?" Wala talagang magawang matino itong si kuya East at may pababa taas pa ng kilay at mukhang seryoso pa at ang katabi namn niyang si kuya south ay nakangisi lang.
Inikotan ko lang sila ng mata at humarap kina mama at papa." Ma, pa kasama ko yung apat kung kaibigan, yung mga classmates ko nung grade 7 ako". Papayag lang naman sila mama na lumabas ako sa bahay pag yung mga kaibigan kong sina hanah ang kasama.
"Hindi naman siguro mga lalaki yan bunso" pagsulpot ni kuya west at tumabi sa dalawang bakulaw na sina kuya east at west.
"Haa? Ahh hindi naman kuya west " pag depensa ko .
"Oh cge mag-ingat ka anak" sagot ni papa at tumango na din si mama. Lumingon ako kina kuya west at kuya east na busangot ang mukha at binilatan.
"Blehh" nagpa-alam na ako sa kina mama at papa at pati na rin ng mahal kong mga kuya.
Minsan iniisip ko na mahirap magkaroon ng mga kuya kaysa mga magulang dahil mas strikto pa sila.
At ganyan na ganyan ang mga kuya ko na sina kuya West , kuya East at kuya South at kahit ganoon pa sila na fe-feel ko parin ang pagmamahal at pag-aalaga nila sa akin katulad kanina na humahanap talaga sila ng rason para hindi ako payagan nila mama at papa na lumabas . Mga bakulaw talaga .
Pumara na ako ng taxi at sumakay. "kuya sa may *** mall po tayo"
Habang umaandar na ang taxi at kinakalikot ko ang aking cellphone ay bigla nalang itong nga ring.
"Hello"sagot ko kay hanah siguradong na buburyo na yun kakahintay .
"Hoy girl!! Where are you na ba!! Nandito na kami, infairness ang tagal mo haaa!" Pagrereklamo niya hindi talaga makapaghintay ang babitang to.
"On the way na ako maghintay ka nga diyan," sagot ko naman sakanya.
"Faster okay! puntahan mo nalang kami dito sa underground ng mall sa may mga garden". Pagpapaliwanag niya hindi na talaga makapag hintay ang babaeng to di katulad ng tatlong kasama niya hindi naman yun mga mainipin, talagang itong si hanah lang.
"Oo na huwag kang atat diyan haha" natatawa kung sagot .
" basta bilisan mo ha nilalamok na ak-kami dito ehhh" nandamay pa talaga at teka lang wala namang lamok sa mall ehh haha pambihira.
"Tsss oo na cge na ibaba ko na ito " at pinutol ko na ang tawag .
After 30 minutes ng byahi , nandito na ako sa harap ng Mall at naglakad patungo kung saan ang mag kaibigan ko.
Lamok sa mall? Haha
# salamat sa mga nagbabasa ng story ko lovelots 😘😘
BINABASA MO ANG
A Jerk Who Can't Do Anything Right
RomansThis is my really first ever written story and please accept and understand my grammatical errors, nobody's perfect except god ,Thank you !- uRimaginations " jerk hindi pagkakatiwalaan at walang Alam sa pag-ibig at hindi magseseryoso at higit sa la...