First Entry

85 2 1
                                    


Hindi ako naghangad ng perfect guy para saken. Pero lagi kong iniimagine yung perfect guy. Yung gwapo, successful, sweet, caring, sexy, matalino, at lahat na yata ng magagandang characteristics inimagine ko na. Mangangarap na nga lang ako syempre yung todo todo na diba. Haha.

Pero hindi ko yun hinahanap sa totoong buhay. Kase, simple lang ako. Mahirap lang kame. Hindi ako kagandahan.

Pero parang hulog ng langit yung guy na nakita ko one time sa convenient store. Pagkita ko pa lang sa kanya, parang nabuhay yung kilig ko😂. Nasa loob sya ng store at nakaupo paharap sa door.. ako naman nasa labas at nakaharap sa loob kaya nagkakatinginan kame. Pareho kase naming tinatawanan yung ate girl na nalasing sa isang bote ng tanduay ice 😂. Parang dun pa lang may understanding na kame kahit hindi naman kame nag usap. It really hit me big time.

Nung natapos yung kung ano mang ginagawa nya sa loptop nya, tumayo na sya at pumunta sa kotse nya. Nadismaya talaga ako kase sayang, ang gwapo nya, di ko man lang sya nakausap. 😂 landeee dba. Hahaha. Tapos bumalik sya sa loob.. kala ko may binili. Then umalis na.

Maya maya may inabot saken si kuya mong cashier. Business card ni kuya mong pogi. 😍

Kinuha ko yung card. Kinabukasan ko siya tinext. Tapos kinabukasan pa sya nagreply 😂. Tapos at the end of the day we've planned to meet. Hang out, ganon. Hahaha. Bale yung place nya, 1hour from mine pero sinundo nya ako. Pagkakita nya saken, nagshake hands kame, tapos nagbeso. Tengene, kilig to the max si ateng nyo. Landede. 😂😂.

Pumunta kame sa isang sikat na place.. i told him na hindi ako nag iinom kaya he ordered ladies drink lang. Tapos kwento dto kwento doon. Di namin napansin yung oras. Halos 4 hrs na kaming nagkukwentuhan.

He's 24. Pero at his age, masasabi kong successful na ang carreer nya. Gwapo. Sweet. Tsk. Ano pa bang hahanapin ko db? He's the man of my dreams.

My ArchitectWhere stories live. Discover now