Third Entry

24 0 0
                                    


Para sabihin ko sayo, oo nga, attracted talaga ako sayo at kahit gano ko ideny na hindi aco nafall, wala, nafall na talaga aco.

Sobrang nadidismaya talaga ako kapag hindi ka nagrereply. I have hints naman na may tinatago ka saken. There's something you're not telling me. Alam ko naman.. kaya lang hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ako nagtatanong.
Hindi ko maiopen kasi napaka sensitive mo. Ayokong magkasira tayo.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit masaya ako kapag kasama kita.

Hindi to magtatagal. Alam ko. Kaya habang pwede pa tayo, sinusulit ko talaga.

There's so many times na sobrang namimiss kita pero hindi kita matext. Ayokong makulitan ka saken. You don't know how many times akong nagtype sa reply box ng convo natin ng mga gusto kong sabihin but erasing it at the end.

Sobrang naguguluhan ako. You hit me big time. Pero hindi naman talaga ako umaasa. Kasi sino ba naman ako diba? I am just someone you saw at a convenient store.

Ginugulo mo kasi talaga ang utak ko.
One time nabanggit ko ung salitang sex. Tapos sabi mo para sayo, it's making love. Sabi ko, "bakit? Mahal mo ba ko?" Sasagot ka na sana pero natigilan tayo pareho or hindi ko na matandaan. Tapos sabi mo, "muntik mo na ko dun ah" tinawanan ko na lang. I wasn't able to get the answer I needed.

Sabi mo wag akong mafafall, kasi masasaktan lang ako dahil nga sobrang busy ka. Pero yung mga gestures mo, ang sweet mo. Nalilito talaga ako. Actions speak louder than words daw.

Nalilito ako, nanghihinayang at naguguluhan lalo na pag hindi kita nakakasama. Pero pag kasama na kita nawawala na lahat yun. Nagiging masaya na lang ako.

My ArchitectWhere stories live. Discover now