CHAPTER 11 ~CHANGE FOR THE BETTER ~

195 12 2
                                    

                                                                CHAPTER 11

                                                ~CHANGE FOR THE BETTER ~

 

SANDRA’S POV

 

“Hi Keisha.” Bati ko kaagad sa kaniya, kasama ko sina Trav na bumalik sa Manila to fix things up. I can’t hide forever, if this is really my fate and be it. Tama si Keisha I can go on diet, importante ok na kami ng family ko at tanggap ako ni Trav sa kung ano ako ngayon. Pero before that we’re going to try a few things to patch things up. Then on our way to Keisha’s condo, we saw her friend si Ark. He told us that Keisha change a lot, not for the better but for the worst, lalo ako ng worry because nagkabaliktad kami ng situation. Pagbukas ni Keisha ng pinto niya nanlaki ang mata niya, hindi niya malaman kung saan siya titingin sa akin ba or kay Ark, hanggang sa nangingilid na ng luha ang mata niya.

“ Sandra! Ark! Omy goddd!” Sobrang nagulat ako ng niyakap niya ako, at sumunod na niyakap niya si Ark.

“ Hindi ka naman Masaya teh?” Pagbibiro pa ni Ark dito, habang pinupunasan ni Keisha ang mga luha niya.

“I’m so glad andito kayo! Mababaliw na ko sa kalungkutan,” Kaagad na panimula ni Keisha, pinapasok na niya kami sa condo niya. Halatang nagmukmok siya ng ilang araw sa itsura at ayos ng condo niya, may tissue sa tabi ng sofa, may bottle ng wine sa table, all the throw pillows nasa sahig, may kumot pa sa sofa niya na halatang duon siya natutulog.

“Ano nangyari dito Keisha!” Sigaw ni Ark sa kaniya. Hanggan sa niyakap na naman siya ni Keisha ng mahigpit.

“I’m so sorry friend.” Hayy naiyak na naman siya, napatingin lang ako kay Trav, at ngumiti siya sakin. Siguro nga nagsisisi na si Keisha sa mga nagawa niya in the past few weeks, akala namin ni Trav kailangan pa naming siya pilitin para sumubok ng mga ibang solusyon sa pagbalik naming sa dati naming anyo.

“ Tama na Keisha wag ka ng umiyak, wala na iyon ok? Andito na ako.”

“ Nawala kayong lahat sa akin, ikaw, si Lus, sila mama.” Pagkasabi niya ng mama ,kaagad na naman siya umiyak, tumabi ako kay Keisha at hinawakan ko ang likod niya.

“ Keisha hindi pa huli ang lahat, alam mo nagpapasalamat ako at nangyari din ito.” Napatingin sakin si Keisha ng sinabi ko yun.

“ Bakit naman?!” Napangiti ako.

“ Dahil napabalik ako sa pamilya ko, kaya Keisha hindi pa huli ang lahat, may chance ka pa magbago at ibalik sa dati ang lahat.” Tumango si Keisha, at hinawakan niya ang kamay ko.

“ Tama ka Sandra, tulungan mo ko, tulungan ninyo ko.” Tumingin siya kay Ark, at kay Trav. Ngumiti kami lahat sa kaniya.

“ Pero…”

“ Pero ano?” Tanung ko kay Keisha.

“ Paano kung wala ng solusyon ang situation natin?” Napabuntong hininga ako.

“ Don’t lose hope, kung ito man ang kapalaran natin, tatanggapin ko na lang, besides alam ko naman tutulungan niyo din naman ako magdiet diba?” Keisha smiled at tumango siya.

FREAKY SUNDAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon