Kylah POV;
"At saan nyo balak pumunta?"
Sabay kaming na palingon ni clarck sa likod at nakita namin si tristan kasama nya yung dalawang bruha
"Ah sa labas lang magpapahangin, natural tatakas anak ng pusang gala ohhh ano bang utak mer----
"Shut the f*ck up!!"
Humarap sakin si ck na medyo natatawa sa sinabi ko kanina
Nilapitan na kami ng mga horizon's at iniupo ulit sa upuan
Kala ko iuupo lang nila kami ng sikmuraan nila bigla si clarck
Saktong wala pang tali yung kamay ko kaya malayang makakasapak ako
Sinuntok ko yung katabi kong nakahawak sakin at napahiga sya susss easy naman shemayyysss
Sinuntok ko ng dalawang beses yung nagsikmura kay clarck
"Ano tarantado ka bwisit ka talaga mmmm !!!"
Sasapakin ko pa sana ng pigilan ako ni clarck
Tumingin ako kila tristan nakita kong parehas naka nganga yung dalawang bruha
Sa hindi ko inaasahan naglabas ng baril si tristan at kinasa nya ito pero bago pa nya itutok samin yung baril
Dinukot kona sa loob ng jacket ko yung baril ko at tinutok din sakanya
Katulad ng kanina naka nganga na naman yung dalawang babae
Matatawa na sana ako kaso iba yung sitwasyon namin ngayon kaya hindi ako makatawa
Hinawakan ni clarck yung kamay ko at binaba nya yung baril at bumulong sya
"Mas lalo tayong mapapahamak kapag pumalag pa tayo" bulong nya sakin
Binaba ko yung baril pero nakatutok parin samin yung baril nya
May naaninag akong lumalakad sa labas ng gilid ng warehouse at nakita ko ang mga red dragon nakapalibot na sila sa buong ware house kaya medyo kumalma ako
"Gusto mo maglaro diba tristan?" Tanong ko sakanya
Pero hindi sya sumagot at ngumisi lang at nakatutok padin sakin yung baril nya
Nakikita ko sa gilid sila kuya at ang mga red dragon hinahatak nila isa isa ang mga horizon at hindi iyon namamalayan ni tristan
Nagkakanda ubos na ang horizon kaya nagsalita nako
"Alam kona ang magandang laro tristan Langit at Lupa"
Nakangisi ako sakanya at naglakad ako papunta sa harap ni clarck at nakatalikod ako sakanya
Nilagay ko yung isang kamay ko sa likod ng jogging pants ko at dinukot doon ang isang baril at binigay kay clarck
Mabilis nyang tinago iyon sa loob ng damit nya kaya lumayo agad ako sakanya
Nakatutok padin sakin yung barili ni tristan
Nakita kong konti nalang ang horizon halos kalahati lang iyon ng red dragon
"Kami sa langit at kayo sa Impyerno!!!"
Sigaw ko at nilabas ko agad yung baril ko nakita kodin na nilabas ni clarck yung baril na binigay ko sakanya
Parehas naming tinutok iyon kila tristan
Pero agad din na naglabas ng baril ang horizon at yung dalawang bruha at tinutok iyon samin
"Ngayon iputok nyo yan at sisiguraduhin kong hindi lang isang bala ang tatama sainyo" pagmamalaki ni tristan samin kaya napangisi ako
"Talaga lang tristan alam mo kala ko matalino ka pero kagaya mo din pala yang tatay mo parehas kayong tanga!!" Sigaw ko sakanya
BINABASA MO ANG
The Secret Mafia Princess [COMPLETE]
Romance[RedDragon Series#1] She was a Princess with the Strength of a Warrior (UNEDITED)