Chapter 47 Bwisit na Secretary

4K 111 1
                                    

Kylah  POV;

February 13 ngayon at 10th mothsary namin ni clarck. Akalain mo nga naman tatagal pala kami ng ganto ni clarck

Naalala ko pa noon nung unang niligtas nya ako sa pagkakabaril at sobrang nagdusa ako nung na coma sya. Pero ito kami ngayon masaya na

Nandito ako sa office at nagaayos ng gamit dahil maaga akong aalis dito sa building dahil isusurprise ko si clarck sa office nya

*Tokkkk*tokkkkk*

"Pasok!!" Sigaw ko dahil may kumatok. Bumukas ito at nakita ko si jayla yung nagtatrabaho dito

"Mam ito po yung hinihingi nyong papers permit ni mr. Song natapos napo nya at mag kakaroon daw po kayo ng meeting next week" sabi ni jayla at nilapag ang isang folder sa lamesa ko

"Sige salamat" sabi ko at umalis na sya

Nagayos lang ako ng konti at dumeretso na sa labas. Maayos ang kumpanya namin kaya wala akong masyadong inaalala pagdating sa trabaho ko

Pumunta ako sa parking lot at hinanap ang kotse ko pero sa di kalayuan may nakita akong nakaitim na parang pinagmamasdan ako

"Sino yan?" Tanong ko

Nahuli ko sya sa likod ng isang kotse kaya tumakbo ako don pero kung minamalas ka nga naman hindi ko sya naabutan dahil hindi ako masyadong katakbo kasi naman kailangan pang nakaheels pagpapasok sa trabaho

Binalewala ko nalang yung nakita ko baka holdaper lang at hindi tinuloy dahil natakot hahaha

Ng makapasok ako sa kotse ko ay agad ko itong pinaandar at umalis na

Tinignan ko ang cp ko kung may txt galing kay clarck pero wala kahit isa ang huling txt nya yung kanina pa

Baka busy lang siguro haysss sayang mukang hindi kami makakalabas pero okay lang samahan ko nalang sya sa office nya hanggang sa matapos sya

Nang makarating ako ay pinarada ko agad sa parking lot yung sasakyan ko at nilock ito

Dumeretso agad ako sa loob at pinindot ang elevator pataas

Nakarating ako sa floor kung saan ang office ni clarck. Bubuksan ko na sana yung pinto ng may sumulpot sa mukang secretarya ata dito dahil nakita ko sa uniform nya

"Miss ano pong kailangan nyo kay sir clarck?"tanong nito sakin

Sinuri ko yung buong katawan nya. Hindi naman siguro sya galit sa tela no? Halos mag panty at bra nalang sya pagpapasok

"Ah!! Kakausapin ko sana" sabi ko sakanya

"May appointment po ba kayo kay sir?" Tanong nito

Appointment? Sigurado ba sya bakit kaya hindi nya nalang ako papasukin no?

"Bakit kailangan paba non para makapasok?" Tanong ko

"Opo kung wala po kayong appointment pwede napo kayong umalis" mataray na sabi nito

Kapal ng muka ah!!! Sarap basagin yung bungo nya kainis. Pero wag! Ayokong magisakandalo dito baka magalit sakin sila tita kacey huhuhu

"Excuse me anong pwesto mo ba dito?"tanong ko

"Secretary! Bakit ikaw anong pwesto mo sa kumpanya na pinapasukan mo?" Mataray na tanong nito

Hayop nato kung wala lang kami dito sa kompanya nila tita pinaglalamayan nato kanina pa

"Ah! CEO kasi ako sa Gonzales Hotel" sabi ko at kunyaring nahihiya pa

Nakita kong bumaba ang panga nya sa sinabi ko kaya pinigilan ko ang pag tawa

The Secret Mafia Princess [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon