"I love you" Ramdam ko na nanlalamig na si Lea sa paulit ulit na pangyayare, Away ngayon maya maya Bati. Wala ng bago! Buti nga may bati pa kaso lalo lang nawawalan ng spark, spark na dati'ng ramdam na ramdam mo.
Isang araw sinabi nya na ayaw nya na, alam ko na malaking bagay ang mawawala sakin kapag ngyare to.
Sa isang banda alam ko na kakayanin ko naman na wala sya.
Kaya tinanggap ko "Sige bahala ka sa buhay mo!" yan lang ang nasabi ko sa sobrang init ng ulo, at sya naman ay hindi na sumagot.
Bago mag dilim nag'aya ako ng mga kaibigan ko gumimik. "Mga tsong! Magpakasaya tayo! Sagot ko!" Aya ko sa barkada, kapag sinabi ko na 'Sagot ko' talaga'ng mag susulputan yan!
Lokohan, Gaguhan, Tawanan, biruan,Lasing na kaming lahat. Hindi ko na napansin ang oras, pagtingin ko sa relo ko...
P@#$/^&*() ALAS TRES NA!
Dali dali ko tinawag ang mga kasama ko. "Pare alis na tayo aabutan na tayo ng araw!
Pagkauwi namin ay nahiga na agad ako, di ko na kinaya sobrang sakit ng ulo. Magtetext na sana ako kay Lea nung biglang.....
