Love? Naniniwala ka ba doon? Ano ba yon, nakakain ba?
Sabi ng iba "Love is blind" yung iba naman "Love is like a rosary, it's full of mystery" meron pang "Love is in the air" at marami pa, jusko.
Siguro nga masarap mag-mahal.
Para sakin ang Love ay isang risk. Na pag-pumasok ka sa oh-so-called Love na yan ay dapat handa ka sa mga pagsubok na dadating sa'yo o sa inyo. Na handa kang masaktan.
Mapipili mo ba kung sino ang mamahalin mo? Hindi diba? Kasi kahit pa panget, walang ngipin o kalbo yan. Kung siya ang tinibok ng puso mo wala ka ng magagawa.
Paano kung hindi ka mahal o minahal? Kung tanga ka edi ipagpapatuloy mong mahalin. Kung ayaw mong masaktan lalo edi mag-moveon ka na. Kung may thrill ang gusto mo at ayaw mong sumuko, edi make him/her fall for you.
Ako? Hindi ako minahal. Kumbaga nilandi lang. Oo, pa-fall siya. Gago sya. Akala ko kasi siya na. Akala ko totoo na, na ito na yon. Kasi napansin niya ako, nakita niya ako. Sabi ko pa, "Sa wakas, may nakapansin sakin". Yun pala lolokohin at pagtitripan lang din pala ako.
BINABASA MO ANG
Just a glimpse
RomanceNaranasan mo na bang maging invisible? Naranasan mo na bang mapansin? At higit sa lahat Naranasan mo na bang magmahal at masaktan?