Chapter 2: Loner ng Bayan

77 1 0
                                    

Lumipas ang tatlong linggo, wala parin akong friends. Mahirap talagang maging transferee. :( Kumakain ako mag-isa. Laging mag-isa. 

Chemistry na. Syempre mag-isa nanaman ako maglalakad papunta dun. Habang naglalakad nadaanan ko ang grupo ng mga babae.

"Sya ba yung transferee? Galing Laguna?"

"Oo, sya daw yung matangkad, maputi at may pagkanerdy. Lagi daw nag-iisa."

Third week palang. Pinag-uusapan na. 

Pumasok na ako sa Lab. Walang katabi.

"Good Morning Class. Today, you will be performing experiments with a partner. I'm giving you the freedom to choose your own partner." Sabi ni Ma'am Corpuz.

Patay. Wala akong magiging partner. Tumingin ako sa paligid ko, lahat sila may lab partner na. Nag-uumpisa narin sa experiment. Kaya ko 'to. 

Habang sinusulat ko observation ko sa papel..

"Miss Santiago? ito si Carl, sya nalang magiging Lab Partner mo." ngumiti si Ma'am Corpuz at umalis na. 

Teka, sya yung nakabangga sakin nung First Day ah?

"Miss?" tanong ni Carl.

"Jessica Santiago po."

"Carl Mendoza" sabi nya.

"Gawin na natin yung experiment?"

"Sige. :)" sabi nya

Tahimik sya, pero para talagang kilala ko sya. Ano ba 'to. Naloloka na ba ako?

Pagkatapos ng Chem, pauwi na ako. Wala akong payong, ang lakas ng ulan. -.- Halos ako nalang natira sa school, nag biglang may narinig akong nag-aaway sa isang classroom..

Maalala mo kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon