[Medyo sad kasi wala na kaming pag-asa ni Baekhyun. You see, siya talaga ultimate bias ko sa EXO. Now that he's taken... OMG! I really kennat>//< Support nalang sa Baekyeon kahit mathakit!]
Chapter 5
"Anong problema nun?" tanong ko kay Baekshin habang tinuturo yung lugar kung saan nag hysterical yung dalawa.
"Wala, ganyan naman yan si SeHyun. He's so cold, you'll freeze." natatawang sabi ni Baekshin habang sinusubo ang isang buong piraso ng fish cake
Nag shrug nalang ako at ipinagpatuloy ang kinakain...
__________
It's 10:30pm kst na. kanina pa akong 9:30 pm nasa kwarto. Nagmumuni- muni.
It's time for my beauty sleep, but wait there's more. Gagawin ko muna ang ritual
ko. Naglalagay ako ng night cream and such para pagising ko, bongga parin ang beauty ko!
Humarap ako sa vanity table ko na may mirror. Ayan, odbo brand pa yang mga night cream na yan.
Nabitawan ko ang hawak kong lalagyan ng cream ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Hindi pala katok, more on parang gigibain na ang pintuan ko. Tch. Storbo.
"Sino ba yan?" sigaw ko. Eh sa nainis ako eh. Tsk.
"Si Dong Han to! Bubuksan mo o bubuksan mo?" sabi nya.
"Ha? Eh, pareho lang yun ah?" curious na tanong ko, ano bang problema neto?
"That's why you have no choice but to open this damn door!"
"Hmmmm.... Let me think... NO! Matulog ka na ngang storbo ka!" sabi ko at bumalik na sa Vanity table at nag ritual uli. Nag h-hum pa ako.
"I said open the door ,manager! " matigas na sabi ni Dong Han, pero humina nung sinabi nya yung word na manager.
"Ano ba? Ba't ba ang kulit mo ha? " sinugod ko ang pintuan at binuksan ito nang malaki.
"SURPRISE!!!!!" sigaw ni Baekshin at Dong Han
Napa O________O ako sa handa ng TRILUX. Omg!
May hawak na baloon ang nakangiting si Baekshin na may naka print na korean words saying "Welcome!" and si Se Hyun naman ang may hawak na cake pero halatang napilitan lang ito.
Si Dong Han naman ay may hawak na rush banner saying " WELCOME TO TRILUX FAMILY, MANAGER!" in korean . Halatang rush na ginawa ito, but who cares? It's the effort that counts.
Talagang na appreciate ko ang ginawa nila. Nawala ang inis ko kay Dong Han at lalo akong natuwa sa childhood friend ko na si Baek Shin.
Si Se Hyun naman, ugh... Nevermind.
"Thank you guys!" ito na siguro ang pinakamalawak na ngiting ipinakita ko sa kanila. It's so sweet.
Bumaba kami sa kitchen at kinain ang cake. Nagkwentuhan kami. Naikwento ko sakanila yung lifestory ko minus yung anak ako ni Chairman Park at ang mission ko kung bakit ako naging manager.
Masayang masaya ako ngayon. Sobrang saya. ♥️
___________
Kara Kim's POV.
"Ano? Anong ibig mong sabihin na may bagong manager nanaman ang TRILUX?" sigaw ko sa secretary kong si Jewel.
"Ms. Kim. Nagkaroon ng bagong manager ang Trilux kahapon, Hindi pa ako nainform sa pangalan pero Park daw ang apelydo. Balita ko nga nasa Dorm ng Trilux sya nagsstay ngayon." pag eexplain ni Jewel.
"Arghhhhhh!!!" Napasabunot ako sa sarili sa sobrang frustrate. "Babae o Lalaki yung new manager? Matanda na ba? Ano? Maganda ba?" sunod sunod na tanong ko. Hindi ako mapakali!
"Babae sya Ms. Kim. Ang alam ko nasa early 20's sya and sabi ng mga nakakita sa kanya kahapon, sobrang ganda daw nya." sabi ni Jewel.
"Arghhhhhh! Nakakabwisit. Kakaresign pa nga lang nung matandang dalagang manager ng TRILUX, napalitan na agad? Di pa nga ako nakapagpakitang gilas kay Chairman!!!!!!" Nakakainis talaga! Nakakafrustrate.
"Think another plan, Ms. Kim. Magaling naman kayo sa pag formulate ng plan eh." sabi ni Jewel at nag cross arms. "I'll buy you coffee. Makakatulong yun."
Napasandal nalang ako sa swivel chair ko at napabuntong hininga." Thank you, Jewel. Ikaw lang talaga ang nakakaintindi sakin."
"Sure, Ms. Kim. Sa dami nyo ba naman naitulong sakin at sa pamilya ko. This is just a payback of your kindness." sabi nya. At kinuha ang mga pinapirma nya saking memo tungkol sa upcoming concert ng Fivorite na wala namang kwenta!
Walang kwenta kasi yung grupong yun! Mga trying hard! Ba't ba kasi ako na-assign sa kanila.
Si Jewel ang secretary ko. Alam nya ang plano ko. Alam nya ang mga pinagagawa ko sa mga managers ng Trilux.
She understands me kasi natulungan namin ang pamilya nya. Katulong ng pamilya ko ang mama nya at private driver ng Daddy ko ang papa nya.
Lumaki na samin si Jewel at kababata ko sya at nasubaybayan nya ang pagmamahal ko kay Se Hyun kahit dati pang di pa sya nakakapasok sa showbiz.
Wala naman akong pakialam sa hinahandle kong girl group ngayon sa MJent. Ang Fivorite. (pronounce as five-orit). Eh, namputsa naman kasi! Bakit itong di masyadong sikat na grupo pa ang napunta sakin!
Pumasok ako sa MJent dahil sa isang bagay. Ang lalong mapalapit kay Se Hyun. Isa sa members ng Trilux.
Gusto kong mapansin nya ako. Dahil dati binabalewala nya lang ako.
(A/N: Ang storya? Malalaman nyo sa mga susunod na chapters.)
I know. I did alot of terrible things to the managers of Trilux. I'm aware. It's because of one thing. I want to be TRILUX's manager.
/TBC/
Yehet~! Nakapag update. Basa basa din. Vote vite din. Comment comment din~!!!!!
BINABASA MO ANG
Dating the KPOP star
Teen FictionPangarap na siguro ng bawat KPOP fan na mapalapit sa kanilang idol. Kahit makita lang siguro ng live, solve na ang pangarap nila. Pero ako? Sobra sobra naman atang biyaya ang ibinigay sakin ng panginoon. My dad is the chairman/ owner of the biggest...