HIndi nya pinaniwalaan noon ang nanay nya, of course. Fifteen years old pa lamang siya, baliw at bulag na imiibig at natatakot. Isang masakit na pagpapatunay mula sa isang reliable source ang kumumpirma sa sinabi ni Aling Agnes.
And then pinaniwalaan niya ang bawat kataga. Ang bawat malupit at nakakainsultong kataga.
Nadinig ni Aly ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa sala. Pagkatapos ay ang paggulong ng mga gulong ng bisikleta na tila gumagasgas sa vinyl flooring ng bahay. Hanggang sa maisandal ito sa dingding sa isang sulok ng hallway.
Tamang tama ang paglingon ni Aly nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at ngumiti sa kanya ang batang lalaking namumula ang mga pisngi.
"Hi mommy !" Excited na bati nito.
"Napakalakas ng hangin sa labas at halos ilipad ako mula sa bike ko."
May kurot sa puso ni Aly. Mahal na mahal niya ang kanyang anak at ngayon ay may takot siyang nararamdaman. Takot na hindi niya naramdaman sa loob ng sampung mahahabang mga taon. Ngayon at tila dinaklot nito ang kanyang kaluluwa.
"Yvo." Banayad na wika niya sa bata.
"Kailangan kong umalis nang ilang araw. Pwede bang doon ka muna sa Tita Maan mo at Tito Luis hanggang sa makabbalik ako."
"Aba ok po yun, Mommy ! Balak nga ni Tito Luis na mangisda kami sa farm nila." Ngumiti ang bata pati kay Maan at may karisma sa ngiti na nagdulot na naman ng kakaibang kirot sa puso ni Aly.
"Bakit, Mommy, ano na naman ang gagawin mo? Maghahanap ka na naman ng mga tela? Akala ko po ba ay kumpleto na kayo ng supply para sa tatlong buwan?"
Natuwa si Aly na ganito ang iniisip ni Yvo. Hindi na siya mahihirapang mag-isip pa ng dahilan para sabihin sa anak. Naalala niya nung siya ay nag uumpisa pa lamang.
Mayroon siyang pagmamay-aring isang botique. Isa iyong bahay lamang nung nagsisimula pa lamang siya. Sila lang ng kanyang kaibigan ang namimili at tumatahi sa mga damit, hanggang sa nakaipon na sila ang umupa na ng mas malaking espasyo at nag hire ng mga mananahi. Ang botique nila ay sa baba at sa itaas naman ay doon ginagawa ang kanilang mga damit na siya mismo ang nagdisenyo. Laking pasasalamat niya na lamang dahil nakapag aral siya ng kursong Fashion designer dahil sa kanyang scholoarship nung kolehiyo. Kahit hirap sila sa buhay ay nagsumukap siya upang makatapos ng pag-aaral dahil alam nyang ito lang ang makakapag ahon sa hirap ng kanyang ina. Nabalik siya sa realidad ng kalabitin siya ni Yvo.
"O-Oo, yun nga ang dahilan. May nabalitaan kasi akong mga bagong disenyo na kakaiba at gusto kong makita ang mga ito."
"Sige" nagkibit balikat si Yvo na tila hindi na bago dito ang abgay na ito.
"Tamang tama na bakasyon ngayon kaya malaya silang mamamalagi ni Luis sa Antipolo." sabi ni Maan.