Alam nyo yon?
Yung may tao kang gusto, pero hindi ikaw yung gusto.
Yung may mahal ka, kaso yung mahal mo ang mahal ay iba.
Yung may nagmamahal sayo, pero hindi mo kayang ibalik.
Yung may nage-effort sayo, kaso hindi mo naa-appriciate.
Ang labo no?
Na yung mga nararamdaman natin mahirap magkatagpo.
Hindi compatible yung mga nararamdaman ninyo.
Hindi nakikisama yung mga nararamdaman ng ating mga puso.
Kabaliktaran palagi ang nangyayari.
Mga pakiramdam natin na hindi mawari.
Parehas masakit sa kalooban
Pero walang tayong magagawa kung yun ang ating nararamdaman.
Dahil hindi lahat ng nasa mundo pwedeng magtagpo.
Hindi lahat ng mahal mo, makukuha mo.
Hindi lahat ng gusto mo, ganun din sayo.
Dahil lahat ng nakapaligid saatin malabo.
Parang lahat ng nararamdaman natin malabo.
Malabong maging totoo.
May mga tao tayong gustong maabot, ngunit malabo.
May mga tao tayonh gustong makuha, ngunit negatibo.
Sa bawat mararamdaman natin palaging may 'pero'.
Pero ganyan, pero ganon, pero ganto.
Halos lahat..na parang imposible mangyari yung gusto nating maging posible.
Negatibo ang pangyayari sa mga gusto sana nating positibo.
Ganun nga talaga siguro...
Malabo lahat sa mundo.
Ngunit palagi nilang sinasabing "walang imposible".
Kung walang imposible, bakit imposibleng maging kami?
Bakit imposibleng makuha natin yung taong gusto natin?
Bakit imposibleng magustuhan tayo ng gusto natin?
Bakit imposibleng mahalin tayo ng mahal natin?
Bakit imposibleng maabot natin yung taong pinapangarap natin?
Punong puno ng katanungan.
Katanungang wala namang kasagutan.
Katanungang malabong masagutan.
Katanungang mahirap palinawagan.
Katanungang mahirap ipasok sa isipan.
Dahil parang ang damot ng mundo.
Na kung sino pa yung gusto natin ipinagdadamot nito.
Bakit kung kailang gustong gusto natin ang damot damot ng mundo?
Na bakit nauso pa yung "crush" na yan kung sa iba naman sya nakalaan.
Bakit nauso pa yung "mahal" na yan kung di naman pahahalagahan.
Diba ang daming tanong? Ang labo kasi ng mundo.
Na parang lahat ng gugustuhin mo hindi pwedeng mapasayo.
Na parang yung nararamdaman niyo, hindi pwedeng magkatagpo.
Na parang mundo, kahit gaano mo pa kaplat nakikita ito, bilog parin ang hugis nito.
Hindi lahat ng nasa palagid mo ay malinaw para sayo.
Dahil ang mundo ay parang laging malabo.A/N:
Yan. Halo halo na sya. Salamat sa pagbabasa!
:*-julls.

YOU ARE READING
POETRY (TAGALOG) On-going
Thơ caMga iba't ibang tulang mababasa nyo dito. Siguradong makakarelate kayo! Sana ay suportahan nyo ito. At basahin. -juliana