Chapter 1

11K 149 8
                                    

So ito pong story na to ay wala pong mga POV'S kaya po pagpasensyahan niyo na po bali ito pong story na to ay parang third person POV'S po lahat! Pero itatry ko pong lagyan ng POV'S para maintindihan niyo, so hope you like to enjoy it guys!

***************

Noneen POV'S

Minulat ko ang mga mata ko. Medyo napapapikit-pikit na din ako dahil sa pagod at antok. Anim na oras na akong nakatutok sa computer, pilit ko kasing tinatapos yung project ko sa geometry. Bukas na kasi ang pasahan nito pero hanggang ngayon front page palang ang nagagawa ko.

"Bakit kasi kailangan pa ng explain it in your own words! Bwiset talaga yung teacher na yun" bulong ko habang pilit binubuksan ang mga mata. Tinignan ko ang oras sa computer.

2:30am

Napabuntong hininga ako "Wala na naman akong tulog, parati na lang" tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng mug sa cabinet.

Makapagkape nga, oo tama pampagising,

Kumuha ako ng kutsara habang nakapikit.

"Ba't gising ka pa?" Isang boses ang nagmulat na aking mga mata. Oo nagulat ako pero nung narealize ko kung kaninong boses yun nanggaling, pinikit ko na lang ulit yung mga mata ko.

Kinuha ko yung mug at nagsimula nang maglakad.

"Tinatanong ki-"

"Gusto kong m-magpuyat eh..... pakealam mo ba?" Naiirita kong sagot.

Dahil sa bwiset na project na yan! Ayan sana ang gusto kong sabihin kaso baka mag-away pa kami.

"May pasok bukas, matulog kana" simpleng tugon niya. Naglatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko na lang siya pinansin.

Huh? Nagsalita ang hindi papasok.

"Sa trip ko eh!" Inaantok kong sagot. Naghikab ako, grabe ang sakit na ng likod at katawan ko. Gustong gusto ko nang puntahan ang kama. Medyo mabagal akong maglakad kaya naabutan ako ni Lawrence. Inagaw niya yung hawak hawak kong mug at uminon.

Pareho kami ng taste kung di niyo lang alam. ( -_- )

"Di kapa tapos sa project mo no?" Tanong niya sakin.

Magparesearch ka ba naman ng sobrang haba?

Di ko na siya sinagot at inagaw ko ang kape ko mula kay Lawrence. Uminom ako para magkaroon ako ng lakas kahit papaano.

"I take that as a yes" sabi ni Larence habang nakatitig sa computer ko.

"Pakialam mo ba?! Alis nga diyan?!" Utos ko kay Lawrence, pero hindi siya umalis.

"Noneen talaga bang wala kang utak o ayaw mo lang gamitin? Research na nga lang tong pinagawa ko ha?!" Angal ni Lawrence ang aking geometry teacher. Oo magkasama kami sa isang bahay, bakit?

Mag-asawa lang naman kami.

Magdadalawang taon na kaming kasal. Oo, hindi man akalain na sa murang edad ko ay kasal na ako. Hindi ko naman gusto eh, pero wala akong magagawa.

Ako ang ginawang pambayad ng utang ng aking pamilya.

"Eh bakit mo pa kasi nilagyan ng explain it in your own words?!" Angal ko habang nakasimangot.

"My god nee! Parang isang part lang naman yung explanation and the rest is copy past from the internet!" Sabi ni Lawrence habang nakatingin sa akin.

Nabibwisit na ako.

"Oo na!" Saway ko. Ayaw ko kasi ng away, anong oras na kasi, gusto ko lang naman matulog. "Pasensya naman di kasi ako na-"

We are Married?! (Publish Under Pop-Fiction)Where stories live. Discover now